< Uppenbarelseboken 20 >
1 Och jag såg en Ängel nederkomma af himmelen; han hade nyckelen till af grunden, och ena stora kedjo i sine hand. (Abyssos )
At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos )
2 Och han grep drakan, den gamla ormen, som är djefvulen och Satan, och band honom i tusende år;
At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
3 Och kastade honom uti afgrunden, och lät åter om honom, och beseglade der ofvan uppå, att han icke mer bedraga skulle Hedningarna, till dess fullkomnad vordo tusende år; och sedan måste han lös varda till någon liten tid. (Abyssos )
At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. (Abyssos )
4 Och jag såg stolar, och de såto på dem, och dem vardt gifven dom; och deras själar, som halshuggne voro för Jesu vittnesbörd, och för Guds ords skull; och de der icke tillbådo vilddjuret eller dess beläte; ej heller togo dess vedertecken på sin anlete, eller i sina händer; och de lefde, och regnerade med Christo i tusende år.
At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
5 Men de andre döde fingo icke lif igen, till dess tusende år fullkomnad vordo; denna är den första uppståndelsen.
Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
6 Salig och helig är den som del hafver uti första uppståndelsen; öfver dem hafver den andre döden ingen magt; utan de varda Guds och Christi Prester, och skola regnera med honom i tusende år.
Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7 Och då tusende år fullkomnad äro, varder Satanas lös utu sitt fängelse.
At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,
8 Och han skall utgå, till att bedraga Hedningarna, som äro på fyra jordenes parter, Gog och Magog, på det han skall församla dem i strid; hvilkas tal är såsom sanden i hafvet.
At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9 Och de gåfvo sig upp på jordenes bred het, och kringhvärfde helgonens lägre, och den älskeliga staden; och neder af himmelen for eld af Gudi, och förtärde dem.
At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.
10 Och djefvulen, som dem bedragit hade, vardt kastad uti den brinnande sjön, och svallet, der både vilddjuret och den falske Propheten skola plågas, dag och natt, ifrån evighet till evighet. (aiōn , Limnē Pyr )
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. (aiōn , Limnē Pyr )
11 Och jag såg en stor hvit stol, och en sitta på honom, för hvilkens ansigte flydde jord och himmel, och dem vardt intet rum funnet.
At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.
12 Och jag såg de döda, stora och små, stå i Guds åsyn, och böckerna vordo upplåtna; och en annar bok vardt upplåten, som är lifsens; och de döde vordo dömde, efter som skrifvet var i böckerna, efter deras gerningar.
At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
13 Och hafvet gaf igen de döda, som deruti voro; och döden och helvetet gåfvo igen de döda, som uti dem voro; och det blef dömdt om hvar och en, efter deras gerningar. (Hadēs )
At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. (Hadēs )
14 Och döden och helvetet vordo kastade, uti den brinnande sjön; denne är den andre döden. (Hadēs , Limnē Pyr )
At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. (Hadēs , Limnē Pyr )
15 Och den der icke vardt funnen skrifven i lifsens bok, han vardt kastad i den brinnande sjön. (Limnē Pyr )
At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Limnē Pyr )