< Psaltaren 94 >
1 Herre Gud, hvilkom hämnden tillhörer; Gud, hvilkom hämnden tillhörer, bete dig.
Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
2 Upphöj dig, du verldenes domare; vedergäll dem högfärdigom det de förtjena.
Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3 Herre, huru länge skola de ogudaktige, huru länge skola de ogudaktige pråla;
Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4 Och så högmodeliga tala; och alle ogerningsmän så berömma sig?
Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5 Herre, de förtrycka ditt folk, och plåga ditt arf.
Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana.
6 Enkor och främlingar dräpa de, och faderlösa döda de;
Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.
7 Och säga: Herren ser det intet; och Jacobs Gud aktar det intet.
At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
8 Märker dock, I galne ibland folket; och I dårar, när viljen I vise varda?
Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
9 Den der örat planterat hafver, skulle han icke höra? Den der ögat gjort hafver, skulle han icke se?
Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 Den der Hedningarna näpser, skulle han icke straffa? den der menniskorna lärer hvad de veta.
Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 Men Herren vet menniskornas tankar, att de fåfängelige äro.
Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 Säll är den som du, Herre, tuktar, och lärer honom genom din lag;
Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Att han tålamod hafva må, då illa går; tilldess dem ogudaktiga grafven beredd varder.
Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14 Ty Herren skall icke förkasta sitt folk, eller öfvergifva sitt arf.
Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15 Ty rätt måste dock blifva rätt; och thy måste all from hjerta tillfalla.
Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16 Ho står med mig emot de onda? Ho träder till mig emot de ogerningsmän?
Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 Om Herren icke hulpe mig, så låge min själ fulltnär uti det stilla.
Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18 Jag sade: Min fot hafver stapplat; men din nåd, Herre, uppehöll mig.
Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19 Jag hade mycket bekymmer i mitt hjerta; men din tröst gladde mina själ.
Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20 Du kommer ju aldrig öfverens med dem skadeliga stolenom, som lagen illa uttyder.
Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21 De rusta sig emot dens rättfärdigas själ, och fördöma oskyldigt blod.
Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22 Men Herren är mitt beskärm, min Gud är mitt hopps tröst.
Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan.
23 Och han skall vedergälla dem deras orätt, och skall förgöra dem för deras ondskos skull; Herren, vår Gud, skall förgöra dem.
At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya (sila) sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay (sila) ng Panginoon naming Dios.