< 2 Timotheosbrevet 1 >

1 Paulus, Jesu Christi Apostel, genom Guds vilja, till att predika lifsens löfte, i Christo Jesu;
Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,
2 Minom kära son Timotheo: Nåd, barmhertighet, frid af Gud Fader, och Christo Jesu vårom Herra.
Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
3 Jag tackar Gudi, den jag tjenar ifrå mina föräldrar, uti ett rent samvet, att jag utan upphåll hafver din åminnelse i mina böner, natt och dag.
Nagpapasalamat ako sa Dios, na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis, na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw;
4 Och mig längtar efter att se dig, när jag tänker på dina tårar; på det jag med glädje måtte uppfylld varda.
Na kinasasabikan kong makita kita, na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;
5 Och jag drager mig till minnes den oskrymtade tro, som i dig är, den tillförene bodde uti dine fadermoder Loide, och i dine moder Evnica; är jag viss att sammalunda ock i dig;
Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.
6 För hvilka saks skull jag förmanar dig, att du uppväcker Guds gåfvo, som i dig är, genom mina händers påläggning.
Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.
7 Ty Gud hafver icke gifvit oss räddhågans anda, utan kraftenes, och kärlekens, och tuktighetenes.
Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.
8 Derföre skäm dig icke vid vårs Herras vittnesbörd; icke heller vid mig, som är hans fånge; utan var delaktig uti Evangelii bedröfvelse, efter Guds kraft;
Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;
9 Den oss frälsat hafver, och kallat med en helig kallelse; icke efter våra gerningar, utan efter sitt uppsåt, och nåd, den oss gifven är i Christo Jesu, för evig tid. (aiōnios g166)
Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan. (aiōnios g166)
10 Men nu är hon uppenbar vorden genom vår Frälsares Jesu Christi uppenbarelse, den der döden borttagit hafver, och lifvet och ett oförgängeligit väsende framburit i ljuset, genom Evangelium;
Nguni't ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,
11 Uti hvilket jag är satter till en predikare, och Apostel, och Hedningarnas lärare;
Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na tagapangaral, at apostol at guro.
12 För hvilka saks skull jag ock detta lider; och skämmes dock intet; ty jag vet på hvem jag tror, och är viss att han förmår förvara mitt betrodda gods intill den dagen.
Dahil dito'y nagtiis din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y hindi ako nahihiya; sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon.
13 Håll dig efter de helsosamma ords eftersyn, som du hört hafver af mig, om trona och kärleken i Christo Jesu.
Ingatan mo ang mga ulirang mga salitang magagaling na narinig mo sa akin, sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.
14 Detta goda betrodda godset bevara genom den Helga Anda, den uti oss bor.
Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na nananahan sa atin.
15 Du vetst att alle de, som i Asien äro, hafva vändt sig ifrå mig; ibland hvilka är Phygellus, och Hermogenes.
Ito'y nalalaman mo, na nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes.
16 Herren gifve Onesiphori huse barmhertighet; ty han hafver ofta vederqvickt mig, och skämdes icke vid mina kedjo;
Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala;
17 Utan, då han var i Rom, sökte han fliteliga efter mig, och fann mig.
Kundi, nang siya'y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako'y nasumpungan niya.
18 Gifve honom Herren, att han finner barmhertighet när Herranom på den dagen; och i huru mång stycke han mig till tjenst var i Epheso, vetst du bäst.
(Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.

< 2 Timotheosbrevet 1 >