< 1 Samuelsboken 15 >

1 Men Samuel sade till Saul: Herren sände mig, att jag skulle smörja dig till Konung öfver hans folk Israel; så hör nu röstena af Herrans ord.
Sinabi ni Samuel kay Saul, “Ipinadala ako ni Yahweh upang buhusan ka ng langis para maging hari sa kanyang bayang Israel. Ngayon makinig ka sa mga salita ni Yahweh.
2 Så säger Herren Zebaoth: Jag hafver tänkt uppå hvad Amalek gjorde Israel, och huru han låg i vägen för honom, då han drog utur Egypten.
Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Natandaan ko kung ano ang ginawa ng Amalek sa Israel sa paglaban sa kanila sa daan, nang lumabas sila sa Ehipto.
3 Så drag nu åstad, och slå de Amalekiter, och gif dem tillspillo med allt det de hafva; skona dem intet, utan dräp både man och qvinno, barn, och dem som dia, fä och får, camel och åsna.
Ngayo'y humayo at lusubin ang Amalek at ganap na lipulin ang lahat ng meron sila. Huwag silang paligtasin subalit patayin ang kapwa lalaki at babae, bata at sanggol, lalaking baka at tupa, kamelyo at asno.”
4 Saul lät detta komma för folket, och talde dem i Telaim, tuhundradtusend fotfolk, och tiotusend män af Juda.
Ipinatawag ni Saul ang mga tao at binilang sila sa lungsod ng Telem: dalawang daang libong naglalakad, at sampung libong kalalakihan ng Juda.
5 Och då Saul kom till de Amalekiters stad, satte han ett bakhåll vid bäcken;
Pagkatapos dumating si Saul sa lungsod ng Amalek at naghintay sa lambak.
6 Och lät säga de Keniter: Går edra färde, och gifver eder ifrå de Amalekiter, att jag icke utrotar eder med dem; förty I gjorden barmhertighet med all Israels barn, då de drogo utur Egypten. Alltså gåfvo de Keniter sig ifrå de Amalekiter.
Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga Kenita, “Humayo, umalis, lumabas mula sa mga Amalek, upang hindi ko kayo lipulin kasama nila. Sapagkat nagpakita kayo ng kagandahang-loob sa lahat ng tao sa Israel, nang dumating sila mula Ehipto.” Kaya lumayo ang mga Kenita mula sa mga Amalek.
7 Då slog Saul de Amalekiter, allt ifrå Hevila intill Sur, som ligger för Egypten;
Pagkatapos nilusob ni Saul ang mga Amalek, mula Avila hanggang sa layo ng Shur, na nasa silangan ng Ehipto.
8 Och grep Agag, de Amalekiters Konung, lefvande; och allt folket gaf han tillspillo med svärdsegg.
Pagkatapos dinala niyang buhay si Agag ang hari ng mga Amalek; tuluyan niyang nilipol ang lahat ng mga tao gamit ang talim ng espada.
9 Men Saul och folket skonade Agag, och hvad god får och fä var, och väl fett, och lamb, och allt det godt var, och ville icke låtat tillspillo; men det som slemt var, och intet dogde, det läto de tillspillo.
Subalit itinira ni Saul at ng mga tao si Agag, pati na rin ang pinakamabuti sa mga tupa, mga baka, mga pinatabang bisiro, at ang mga tupa. Lahat ng bagay na mabuti, hindi nila winasak. Sapagkat ganap nilang winasak ang anumang bagay na kinasuklaman at walang halaga.
10 Då skedde Herrans ord till Samuel, och sade:
Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh kay Samuel, nagsasabing,
11 Mig ångrar, att jag hafver gjort Saul till Konung; ty han hafver vändt sig ifrå mig, och icke fullkomnat min ord. Dess vardt Samuel vred; och ropade till Herran den hela nattena.
“Nalulungkot akong ginawa kong hari si Saul, dahil tumalikod siya sa pagsunod sa akin at hindi tinupad ang aking mga kautusan.” Galit si Samuel; buong gabi siyang umiyak kay Yahweh.
12 Och Samuel stod bittida upp, att han skulle om morgonen möta Saul; och honom vardt sagdt, att Saul var kommen till Carmel, och reste sig upp ett segertecken, och var omkringdragen, och kommen neder till Gilgal.
Bumangon ng maaga si Samuel upang puntahan si Saul. Sinabihan si Samuel, “Dumating si Saul sa Carmel at nagtayo siya ng isang bantayog sa kanyang sarili, pagkatapos lumihis at nagpatuloy pababa sa Gilgal.”
13 Som nu Samuel kom till Saul, sade Saul till honom: Välsignad vare du Herranom! Jag hafver fullkomnat Herrans ord.
Pagkatapos dumating si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kanya, “Pinagpala ka sa pamamagitan ni Yahweh! Natupad ko na ang utos ni Yahweh.”
14 Samuel svarade: Hvad är då det rop af får i min öron, och det rop af fä, som jag hörer?
Sinabi ni Samuel, “Ano pala itong pag-unga ng mga tupa sa aking mga tainga, at ang ungal ng mga baka na aking narinig?”
15 Saul sade: Utaf de Amalekiter hafva de tagit det; förty folket skonade det bästa får och fä, för Herrans dins Guds offers skull; det andra hafve vi låtit tillspillo.
Sumagot si Saul, “Dinala nila ang mga ito mula sa mga Amalek. Sapagkat itinira ng mga tao ang pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ialay kay Yahweh na iyong Diyos. Ang natitira ay ganap naming winasak.”
16 Men Samuel svarade Saul: Städ till, att jag säger dig, hvad Herren hafver talat med mig i denna natt. Han sade: Säg.
Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, “Sandali lang, at sasabihin ko sa iyo kung ano ang sinabi ni Yahweh sa akin ngayong gabi.” Sinabi ni Saul sa kanya, “Magsalita!”
17 Samuel sade: Är det icke så, då du liten vast för din ögon, vardt du ett hufvud i Israels slägter, och Herren smorde dig till Konung öfver Israel?
Sinabi ni Samuel, “Kahit na ikaw ay maliit sa sarili mong paningin, hindi kaba naging pinuno ng mga lipi ng Israel? At hinirang ka ni Yahweh bilang hari ng Israel;
18 Och Herren sände dig på vägen, och sade: Far bort, och förgör de syndare, de Amalekiter, och strid emot dem, tilldess du gör en ända på dem.
Ipinadala ka ni Yahweh sa iyong sariling paraan at sinabi, “Humayo at ganap na lipulin ang mga taong makasalanan, ang mga Amalek, at makipaglaban sa kanila hanggang sila ay malipol.'
19 Hvi hafver du icke lydt Herrans röst; utan vändt dig till rof, och illa handlat inför Herrans ögon?
Bakit hindi mo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit sa halip sinamsam mo ang nadambong at gumawa ng masama sa paningin ni Yahweh?
20 Då sade Saul till Samuel: Hafver jag dock lydt Herrans röst, och hafver dragit den vägen, som Herren mig sändt hafver; jag hafver fört hit Agag, de Amalekiters Konung, och förgjort de Amalekiter.
Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, “Sa katunayan ay sinunod ko ang boses ni Yahweh, at pumunta sa daan na ipinadala ako ni Yahweh. Nabihag ko si Agag, ang hari ng Amalek, at ganap na nilipol ang mga Amalek.
21 Men folket hafver tagit af rofvet får och fä, det bästa af de spillgifno, till att offra det Herranom dinom Gud i Gilgal.
Subalit kumuha ang mga tao ng ilan sa nadambong—mga tupa at mga lalaking baka, ang pinakamabuti sa mga bagay na itinalaga sa pagkawasak, upang ialay kay Yahweh na inyong Diyos sa Gilgal.”
22 Men Samuel sade: Menar du att Herren hafver lust till offer och bränneoffer, såsom dertill, att man lyder Herrans röst? Si, lydnad är bättre än offer, och höra till är bättre än det feta af vädrar.
Sumagot si Samuel, “Mas nagagalak ba si Yahweh sa mga handog na susunugin at mga alay, kaysa sa pagsunod sa boses ni Yahweh? Ang pagsunod ay maigi kaysa sa alay, at ang pakikinig ay maigi kaysa sa taba ng mga lalaking tupa.
23 Förty olydnad är en trolldomssynd, och gensträfvighet är ett afguderi och afgudadyrkan; så, efter du hafver förkastat Herrans ord, hafver han ock förkastat dig; att du icke skall vara Konung.
Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”
24 Då sade Saul till Samuel: Jag hafver syndat, att jag hafver öfvergångit Herrans befallning och din ord; ty jag fruktade folket, och hörde deras röst.
Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, “Nagkasala ako; dahil binali ko ang kautusan ni Yahweh at ang iyong mga salita, dahil takot ako sa mga tao at sinunod ang kanilang boses.
25 Och nu förlåt mig den synden, och vänd tillbaka med mig, att jag må tillbedja Herran.
Ngayon, pakiusap patawarin ang aking kasalanan, at bumalik kasama ko upang maaari kong sambahin si Yahweh.”
26 Samuel sade till Saul: Jag vänder intet om med dig; ty du hafver förkastat Herrans ord, och Herren hafver ock förkastat dig, att du icke skall vara Konung öfver Israel.
Sinabi ni Samuel kay Saul, “Hindi ako babalik kasama mo; dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, at tinanggihan ka ni Yahweh mula sa pagiging hari sa Israel.”
27 Och som Samuel vände sig om, till att gå sina färde, fattade han honom i hans kjortels flik, och hon refs sönder.
Habang patalikod si Samuel upang umalis, hinawakan ni Saul ang tupi ng kanyang damit at napunit ito.
28 Då sade Samuel till honom: Herren hafver i denna dag rifvit Israels Konungarike ifrå dig, och gifvit dinom nästa, den bättre är än du.
Sinabi ni Samuel sa kanya, “Kinuha ni Yahweh ang kaharian ng Israel mula sa iyo ngayon at ibinigay ito sa isang kapwa mo, isa na mas mabuti kaysa sa iyo.
29 Ljuger icke heller Hjelten i Israel, eller låter sig ångra; ty han är ingen menniska, att han sig något ångra låter.
Gayundin, ang Lakas ng Israel ay hindi magsisinungaling ni babaguhin ang kanyang isip; sapagkat siya ay hindi isang tao, na dapat niyang baguhin ang kanyang isip.”
30 Men han sade: Jag hafver syndat; så gör mig dock du den ärona inför de äldsta af mitt folk, och för Israel, och vänd om med mig, att jag må tillbedja Herran din Gud.
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Nagkasala ako. Subalit pakiusap parangalan mo ako ngayon sa harapan ng mga nakakatanda ng aking mga tao at sa harapan ng Israel. Bumaling ka muli kasama ko, para masamba ko si Yahweh na iyong Diyos.”
31 Så vände då Samuel om, och följde Saul, så att Saul tillbad Herran.
Kaya bumaling muli si Samuel kay Saul, at sinamba ni Saul si Yahweh.
32 Och Samuel sade: Låt komma fram för mig Agag, de Amalekiters Konung; och Agag gick dristeliga fram till honom. Och Agag sade: Alltså måste man fördrifva dödsens bitterhet.
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Dalhin si Agag ang hari ng mga Amalek dito sa akin.” Pumunta si Agag sa kanya na nakagapos sa mga kadena at sinabi, “Tiyak na lumipas na ang pait ng kamatayan.”
33 Samuel sade: Såsom ditt svärd hafver gjort qvinnor barnlös, så skall ock din moder blifva barnlös ibland qvinnor. Så högg Samuel Agag i stycker inför Herranom i Gilgal.
Sumagot si Samuel, “Sa pamamagitan ng iyong espada ginawang walang anak ang mga babae, kaya ang iyong ina ay magiging walang anak kasama ng mga kababaihan.” Pagkatapos tinadtad ni Samuel si Agag ng pira-piraso sa harapan ni Yahweh sa Gilgal.
34 Och Samuel gick bort till Ramath; men Saul drog upp till sitt hus i Gibea Sauls.
Pumunta si Samuel sa Rama at umakyat si Saul sa kanyang bahay sa Gibea ni Saul.
35 Och Samuel såg Saul intet mer intilldess han blef död; dock likväl sörjde Samuel för Sauls skull, att Herren hade ångrat sig, att han hade gjort honom till Konung öfver Israel.
Hindi nakita ni Samuel si Saul hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, sapagkat nagluksa siya kay Saul. At nalungkot si Yahweh na kanyang ginawang hari si Saul ng Israel.

< 1 Samuelsboken 15 >