< Mathayo 13 >

1 Katika siku hiyo Yesu aliondoka nyumbani na kukaa kando ya bahari.
Sa araw na iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at umupo sa tabi ng dagat.
2 Umati mkubwa ulikusanyika kwa kumzunguka, aliingia ndani ya mtumbwi na kukaa ndani yake. Umati wote walisimama kando ya bahari.
May napakaraming bilang ng tao ang pumalibot sa kaniya kaya sumakay siya sa isang bangka at umupo doon. Ang lahat ng tao ay tumayo sa dalampasigan.
3 Kisha Yesu alisema maneno mengi kwa mifano, Alisema, “Tazama, mpanzi alienda kupanda.
At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, “Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik.
4 Alipokuwa akipanda baadhi ya mbegu zilianguka kando ya njia na ndege walikuja wakazidonoa.
Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.
5 Mbegu zingine zilianguka juu ya mwamba, ambapo hazikupata udongo wa kutosha. Ghafla zilichipuka kwa sababu udongo haukuwa na kina.
Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa.
6 Lakini jua lilipo chomoza zilichomwa kwa sababu hazikuwa na mizizi, na zilikauka.
Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito.
7 Mbengu zingine zilianguka kati ya miti yenye miiba. Miti yenye miiba ilirefuka juu ikaisonga.
Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito.
8 Mbegu zingine zilianguka kwenye udongo mzuri na kuzaa mbegu, zingine mara mia moja zaidi, zingine sitini na zingine thelathini
Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu.
9 Aliye na masikio na asikie.
Ang may taingang pandinig, ay makinig.”
10 Wanafunzi walikuja na kumwambia Yesu, “Kwa nini unazungumza na makutano kwa mifano?”
Dumating ang mga alagad at sinabi kay Jesus, “Bakit mo kinakausap ang mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga?”
11 Yesu alijibu kuwaambia, “Mmepewa upendeleo wa kufahamu siri za ufalme wa mbinguni, bali kwao hawajapewa.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay.
12 Lakini yeyote aliyenacho, kwake yeye ataongezewa zaidi, na atapata faida kubwa. Ilasiye nacho hata kile alichonacho atanyang'anywa.
Dahil kung sinuman ang mayroon na ay higit pang mabibigyan at siya ay magkakaroon ng sagana. Ngunit ang sinuman na wala, kukunin sa kaniya maging ang tanging mayroon siya.
13 Hivyo naongea nao kwa mifano kwa sababu ingawa wanaona, wasione kweli. Na ingawa wanasikia wasisikie wala kufahamu.
Kaya kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat kahit na sila ay nakakakita, hindi sila tunay na nakakakita. At bagaman nakaririnig sila ay hindi naman sila tunay na nakaririnig, ni hindi sila makaunawa.
14 Unabii wa Isaya umetimia kwao, ule usemao, “Msikiapo msikie, lakini kwa namna yoyote hamtaelewa; wakati mwonapo muweze kuona, lakini kwa namna yeyote ile msijue.
Sa kanila natupad ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi, 'Habang pinakikinggan ay inyong maririnig, ngunit hindi ninyo talaga maintindihan; habang tinitingnan ay inyong nakikita, ngunit hindi ninyo talaga maunawaan.
15 Na mioyo ya watu hawa imekuwa giza, ni vigumu kusikia, na wamefumba macho yao, ili wasiweze kuona kwa macho yao, au kusikia kwa masikio yao, au kufahamu kwa mioyo yao, hivyo wangenigeukia tena, na ningewaponya.'
Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay naging mapurol, at hirap sila sa pakikinig, at ipinikit nila ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita sa kanilang mga mata, o makarinig sa kanilang mga tainga, o makaintindi sa kanilang mga puso, upang sila ay babalik muli at sila ay aking pagagalingin.'
16 Bali macho yenu yamebarikiwa, kwa kuwa yanaona, na masikio yenu kwa kuwa yanasikia.
Ngunit pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito ay nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito ay nakakarinig.
17 Hakika nawaambia manabii wengi na watu wenye haki walikuwa na hamu ya kuyaona mambo yale myaonayo, na hawakuweza kuyaona. Walitamani kusikia mambo yale mnayosikia, hawakuyasikia.
Totoo itong sinasabi ko sa inyo na maraming mga propeta at mga taong matuwid ang ninais na makita ang mga bagay na inyong nakikita, ngunit hindi nila ito nakita. Ninais nila na marinig ang mga bagay na inyong mga naririnig, ngunit hindi nila ito napakinggan.
18 . Sasa sikilizeni mfano wa mpanzi.
Ngayon, makinig kayo sa talinghaga ng manghahasik.
19 Wakati yeyote asikiapo neno la ufalme na asilifahamu, ndipo mwovu huja na kukinyakua kilichokwisha kupandwa ndani ya moyo wake. Hii ni mbegu ile iliyopandwa kando ya njia.
Kapag mapakinggan ng sinuman ang salita ng kaharian ngunit hindi ito nauunawaan, darating ang masama at nanakawin ang mga binhi na naihasik sa kaniyang puso. Ito ay ang binhi na naihasik sa tabi ng daan.
20 Yeye aliyepandwa katika miamba ni yule asikiaye neno na kulipokea haraka kwa furaha.
Siya na naihasik sa mabatong lupa ay siyang nakakarinig sa salita at agad itong tinatanggap nang may galak.
21 Bado hana mizizi ndani yake, ila huvumilia kwa kitambo kifupi. Wakati matatizo au mateso yanapotokea kwa sababu ya neno hujikwaa ghafla.
Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
22 Aliyepandwa kati ya miti ya miiba, huyu ni yule alisikiaye neno lakini masumbuko ya ulimwengu na udaganyifu wa utajiri hulisonga lile neno lisije likazaa matunda. (aiōn g165)
Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga. (aiōn g165)
23 Aliyepandwa kwenye udongo mzuri, huyu ni yule asikiaye neno na kulifahamu. Huyu ni yule azaaye matunda na kuendelea kuzaa moja zaidi ya mara mia, nyingine sitini, nyingine thelathini.''
Siya na naihasik sa mabuting lupa ay siyang nakarinig sa salita at nakaunawa dito. Siya ang tunay na namumunga at nagpapayabong nito; ang ilan ay namunga ng tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tig-tatatlumpu.”
24 Yesu aliwapa mfano mwingine. Akisema, “Ufalme wa mbinguni unafananishwa na mtu aliye panda mbengu nzuri katika shamba lake
Nagkuwento si Jesus ng isa pang talinghaga sa kanila. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lalaking naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid.
25 Lakini watu waliposinzia, adui wake akaja pia akapanda magugu katikati ya ngano kisha akaenda zake.
Ngunit habang tulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik din ng mga damo kasama ng mga trigo saka umalis.
26 Baadaye ngano ilipoota na kutoa mazao yake, ndipo magugu yalitokea pia.
Nang sumibol ang mga dahon at namunga ay lumitaw din ang mga damo.
27 Na watumishi wa mwenye shamba walikuja wakamwambia, 'Bwana, hukupanda mbengu nzuri katika shamba lako? Imekuwaje sasa lina magugu?
Dumating ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, hindi ba mabuti ang inihasik mong mga binhi sa iyong bukirin? Papaanong nagkaroon ito ng mga damo?'
28 Akawaambia, Adui ametenda hili.' Watumishi walimwambia, “Kwa hiyo unataka twende tukayang'oe?”
Sinabi niya sa kanila, 'Ginawa ito ng isang kaaway.' Sinabi ng mga tagapaglingkod sa kaniya, 'Nais mo bang puntahan namin at bunutin ang mga ito?'
29 Mwenye shamba akisema, 'Hapana, wakati mnayang'oa magugu mtang'oa pamoja na ngano.
Sinabi ng may-ari ng lupa, 'Huwag, sapagkat kapag binunot ninyo ang mga damo, baka mabunot niyo din ang mga trigo kasama nito.
30 Yaacheni yakue pamoja mpaka wakati wa mavuno. Wakati wa mavuno nitasema kwa wavunaji, 'Kwanza yang'oeri magugu na yafungeni matita matita na kuyachoma, lakini kusanyeni ngano katika ghala langu.''''
Hayaan lang silang parehong lumaki hanggang dumating ang anihan. Sa oras na nang pag-aani ay sasabihin ko sa mga tagapag-ani na, “Unahin ninyong bunutin ang mga damo at bigkisin ang mga ito at inyong sunugin samantalang ang mga trigo naman ay inyong ipunin sa aking kamalig.'””
31 Kisha Yesu aliwatolea mfano mwingine. Akasema, “Ufalme wa mbinguni unafanana na mbegu ya haradali ambayo mtu aliichukua na kuipanda katika shamba lake.
Muling nagkuwento si Jesus ng talinghaga sa kanila. Kaniyang sinabi, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihasik sa kaniyang bukid.
32 Mbegu hii kwa hakika ni ndogo kuliko mbegu zingine zote. Lakini imeapo huwa kubwa kuliko mimea yote ya bustani, huwa mti, kiasi kwamba ndege wa angani huja na kujenga viota katika matawi yake.”
Tunay ngang pinakamaliit ang binhing ito sa lahat ng ibang mga binhi. Ngunit nang ito ay lumaki, naging mas malaki ito kaysa sa mga halamang panghardin. Ito ay naging puno kaya ang mga ibon sa himpapawid ay pumunta at namugad sa mga sanga nito.”
33 Akawaambia mfano mwingine tena.”Ufalme wa mbinguni ni kama chachu ile iliyo twaliwa na mwanamke na kuichanganya kwa vipimo vitatu kwa unga mpaka viumuke.
Muling nagsabi si Jesus ng talinghaga sa kanila, “Ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang ito ay umalsa.”
34 Hayo yote Yesu aliyasema kwenye umati kwa mifano. Na pasipo mifano hakusema chochote kwao.
Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng talinghaga. At kung hindi sa pamamagitan ng talinghaga ay hindi siya nagsalita sa kanila.
35 Hii ilikuwa kwamba kile kilichokwisha semwa kupitia kwa nabii kiweze kutimia, pale aliposema, “Nitafumbua kinywa changu katika mifano. Nitasema mambo yale yaliyokuwa yamefichwa tangu misingi ya ulimwengu”.
Ito ay upang magkatotoo ang mga nasabi sa pamamagitan ng mga propeta noong sinabi niyang, “Bubuksan ko ang aking bibig sa pamamagitan ng talinghaga, sasabihin ko ang mga bagay na naitago buhat nang itatag ang mundo.”
36 Kisha Yesu aliwaacha makutano na kwenda nyumbani. Wanafunzi wake walimwendea na kusema, “Tufafanulie mfano wa magugu ya shambani.''
Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang maraming tao at nagtungo sa isang bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid.”
37 Yesu alijibu na kusema, “Apandae mbegu nzuri ni Mwana wa Adamu.
Sumagot si Jesus at sinabi, “Ang naghasik ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao.
38 Shamba ni ulimwengu; na mbegu nzuri, hawa ni wana wa ufalme. Magugu ni wana wa yule mwovu, na adui aliye zipanda ni ibilisi.
Ang bukid ay ang mundo; at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian. Ang mga damo ay ang mga anak ng masama,
39 Na mavuno ni mwisho wa ulimwengu, na wavunaji ni malaika. (aiōn g165)
at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel. (aiōn g165)
40 Kama vile magugu yanavyo kusanywa na kuchomwa moto, hivyo ndivyo itakavyo kuwa mwisho wa ulimwengu. (aiōn g165)
Kaya gaya ng mga damo na inipon at sinunog sa apoy, ganun din sa katapusan ng mundo. (aiōn g165)
41 Mwana wa Adamu atatuma malaika wake, na kukusanya kutoka katika ufalme wake mambo yote yaliyosababisha dhambi na wale watendao maasi.
Magpapadala ang Anak ng Tao ng kaniyang mga anghel at titipunin nila sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng bagay na sanhi ng kasalanan at ang mga gumagawa ng masama.
42 Watawatupa wote katika tanuru la moto, ambako kutakuwa na kilio na kusaga meno.
Itatapon nila ang mga ito sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
43 Ndipo watu wenye haki watakapong'aa kama jua katika Ufalme wa Baba yao. Yeye aliye na masikio na sikie.
At ang mga matutuwid na tao ay magliliwanag tulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may taingang pandinig ay makinig.
44 Ufalme wa mbinguni ni kama hazina iliyofichwa shambani. Mtu akaiona na kuificha. Katika furaha yake akaenda kuuza vyote alivyokuwa navyo, na kulinunua shamba.
Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang kayamanang nakatago sa bukid. Natagpuan ito ng isang tao at itinago. Sa kaniyang kagalakan ay umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ang bukid na iyon.
45 Tena, ufalme wa mbinguni ni kama mtu anayefanya biashara atafutaye lulu yenye thamani.
Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mga mahahalagang perlas.
46 Wakati alipoiona ile yenye thamani, alienda akauza kila kitu alichokuwa nacho na akainunua.
Nang mahanap niya ang isang perlas na may malaking halaga, umalis siya at ibinenta niya lahat ng mayroon siya at binili ito.
47 Ufalme wa mbinguni ni kama nyavu iliyo ndani ya bahari, na kwamba hukusanya viumbe vya kila aina.
Gayun din naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng iba't ibang uri ng lamang dagat.
48 Ulipojaa wavuvi waliuvuta ufukweni. Kisha wakakaa chini wakakusanya vitu vyema ndani ya vyombo, lakini visivyo na thamani vilitupwa mbali.
Nang ito ay napuno, hinila ito ng mga mangingisda sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo sila at tinipon ang mga mabuting bagay sa mga lalagyan, ngunit kanilang itinapon ang mga bagay na walang pakinabang.
49 Itakuwa namna hii katika mwisho wa dunia. Malaika watakuja na kuwatenga watu waovu kutoka miongoni mwa wenye haki. (aiōn g165)
Ganito ang mangyayari pagdating ng katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masama sa mga matuwid. (aiōn g165)
50 Na kuwatupa ndani ya tanuru ya moto, ambako kutakuwa na maombolezo na kusaga meno.
Sila ay itatapon nila sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
51 Mmefahamu mambo yote haya? Wanafunzi walimjibu, ''Ndiyo.''
Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?” Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Oo.”
52 Kisha Yesu akawambia, ''Kila mwandishi ambaye amekuwa mwanafunzi wa ufalme anafanana na mwenye nyumba atoaye katika hazina yake vitu vipya na vya kale.''
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”
53 IkawaYesu alipomaliza mifano yote hiyo, akaondoka katika sehemu hiyo.
At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito ay umalis na siya sa lugar na iyon.
54 Kisha Yesu akafika katika mkoa wake na akawafundisha watu katika sinagogi. Matokeo yake ni kuwa walishangaa na kusema, “Ni wapi mtu huyu alipopata hekima hii na miujiza hii?
Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa kaniyang sariling rehiyon at nagturo sa mga tao sa kanilang mga sinagoga. Ang kinalabasan nito ay namangha sila at sinabi, “Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at saan nagmula ang mga himalang ito?
55 Mtu huyu siyo mwana wa seremala? Mariamu siyo mamaye? Na ndugu zake siyo Yakobo, Yusuph, Simoni na Yuda?
Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas?
56 Na dada zake tunao hapa petu? Basi mtu huyu ameyapata wapi haya yote?”.
At hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama din natin? Kaya saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?”
57 Aliwachukiza. Lakini Yesu aliwambia, “Nabii hakosi kuwa na heshima isipokuwa kwao na katika nchi yao.
Nasaktan sila nang dahil sa kaniya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang propeta ay hindi nawawalan ng karangalan maliban sa kaniyang sariling bansa o sa kaniyang sariling pamilya.”
58 Na hakuweza kufanya miujiza mingi kwa sababu hawakuwa na imani naye.
At hindi siya gumawa ng maraming himala doon dahil sa kawalan nila ng paniniwala.

< Mathayo 13 >