< Marko 10 >

1 Yesu aliondoka eneo hilo na akaenda katika mkoa wa Uyahudi na eneo la mbele ya Mto Yorodani, na makutano walimfuata tena. Aliwafundisha tena, kama ilivyokuwa kawaida yake kufanya.
Iniwan ni Jesus ang lugar na iyon at pumunta sa rehiyon ng Judea at sa lugar lampas sa Ilog ng Jordan at muling pumunta ang mga tao sa kaniya. Tinuruan niyang muli ang mga ito, gaya ng kaniyang nakagawian.
2 Na Mafarisayo walikuja kumjaribu na wakamuuliza, “Ni halali kwa mwanamume kuachana na mke wake?”
At pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya at nagtanong, “Naaayon ba sa batas ang hiwalayan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa?”
3 Yesu akawajibu, “Musa aliwaamuru nini?”
Sumagot siya, “Ano ba ang iniutos sa inyo ni Moises?”
4 Wakasema, “Musa aliruhusu kuandika cheti cha kuachana na kisha kumfukuza mwanamke.”
Sinabi nila, “Pinahintulutan ni Moises ang lalaki na sumulat ng katibayan ng paghihiwalay at pagkatapos ay paaalisin siya.”
5 “Ni kwa sababu ya mioyo yenu migumu ndiyo maana aliwaandikia sheria hii,” Yesu aliwaambia.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ito ay dahil sa matitigas ninyong mga puso, kaya isinulat niya ang batas na ito.
6 “Lakini kutoka mwanzo wa uumbaji, 'Mungu aliwaumba mwanamume na mwanamke.'
Ngunit sa simula pa lamang ng paglikha, 'Ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.'
7 Kwa sababu hii mwanamume atamwacha baba yake na mama yake na ataungana na mke wake,
'Sa kadahilanang ito, iiwanan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makipisan sa kaniyang asawa,
8 na hao wawili watakuwa mwili mmoja; Kwa kuwa si wawili tena, bali mwili mmoja.
at ang dalawa ay magiging isang laman.' Kaya hindi na sila dalawa, kundi iisang laman.
9 Kwa hiyo alichokiunganisha Mungu, mwanadamu asikitenganishe.”
Kaya ang pinagbuklod ng Diyos, huwag paghiwalayin ng tao.”
10 Walipokuwa ndani ya nyumba, wanafunzi wake wakamwuliza tena kuhusu hili.
Nang nasa bahay na sila, muli siyang tinanong ng kaniyang mga alagad tungkol dito.
11 Akawaambia, “Yeyote amwachaye mke wake na kumwoa mwanamke mwingine, anafanya uzinzi dhidi yake.
Sinabi niya sa kanila, “Sinumang makipaghiwalay sa kaniyang asawang babae at mag-asawa ng ibang babae ay nangangalunya laban sa kaniya.
12 Mwanamke naye akimwacha mme wake na kuolewa na mwanamme mwingine, anafanya uzinzi.”
At kung makikipaghiwalay ang babae sa kaniyang asawa at mag-asawa ng ibang lalaki, siya ay nangangalunya.”
13 Nao walimletea watoto wao wadogo ili awaguse, lakini wanafunzi wakawakemea.
At dinala nila ang kanilang mga anak sa kaniya upang sila ay maaari niyang hawakan, ngunit sinaway sila ng mga alagad.
14 Lakini Yesu alipotambua hilo, hakufurahishwa nalo kabisa akawaambia, “Waruhusuni watoto wadogo waje kwangu, na msiwazuie, kwa sababu walio kama hawa ufalme wa Mungu ni wao.
Ngunit nang mabatid ito ni Jesus, labis na sumama ang kaniyang loob at sinabi sa kanila, “Pahintulutan ninyong pumunta sa akin ang mga maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan, dahil nabibilang ang mga katulad nila sa kaharian ng Diyos.
15 Ukweli nawaambia, yeyote asiyeupokea ufalme wa Mungu kama mtoto mdogo hakika hawezi kuingia katika ufalme wa Mungu.
Totoo, sinasabi ko ito sa inyo, sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang maliit na bata ay tiyak na hindi makakapasok dito.”
16 Kisha akawachukua watoto mikononi mwake na akawabariki akiwawekea mikono yake juu yao.
Pagkatapos, kinalong niya ang mga bata at binasbasan niya sila sa pagpatong ng kaniyang kamay sa kanila.
17 Na alipoanza safari yake mtu mmoja alimkimbilia na akapiga magoti mbele yake, akamwuliza, “Mwalimu Mwema, nifanye nini ili niweze kurithi uzima ya milele?” (aiōnios g166)
At nang simulan niya ang kaniyang paglalakbay, patakbong lumapit sa kaniya ang isang lalaki at lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?” (aiōnios g166)
18 Na Yesu akasema, “Kwa nini unaniita mwema? Hakuna aliye mwema, isipokuwa Mungu peke yake.
At sinabi ni Jesus, “Bakit mo ako tinawag na mabuti? “Walang sinuman ang mabuti, maliban lamang sa Diyos.
19 Unazijua amri: 'Usiue, usizini, usiibe, usishuhudie uongo, usidanganye, mheshimu baba na mama yako'.”
Alam mo ang mga kautusan: 'Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magpapatotoo ng kasinungalingan, huwag kang mandaraya, igalang mo ang iyong ama at ina'.”
20 Mtu yule akasema, “Mwalimu, haya yote nimeyatii tangu nikiwa kijana.”
Sinabi ng lalaki, “Guro, sinunod ko ang lahat ng mga bagay na ito magmula pa sa aking pagkabata.”
21 Yesu alimwangalia na kumpenda. Akawambia, “Unapungukiwa kitu kimoja. Unapaswa kuuza vyote ulivyo navyo na uwape masikini, na utakuwa na hazina mbinguni. Ndipo uje unifuate.”
Tiningnan siya ni Jesus at minahal siya. Sinabi niya sa kaniya, “Isang bagay ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ibigay sa mga mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay sumunod ka sa akin.”
22 Lakini alikata tamaa kwa sababu ya maelezo haya; aliondoka akiwa mwenye huzuni, kwa kuwa alikuwa na mali nyingi.
Ngunit pinanghinaan siya ng loob sa mga pahayag na ito, umalis siya na lubusang nalungkot sapagkat marami siyang ari-arian.
23 Yesu akatazama pande zote na kuwaambia wanafunzi wake, “Ni jinsi gani ilivyo vigumu kwa tajiri kuingia katika ufalme wa Mungu!
Tumingin si Jesus sa kaniyang paligid at sinabi sa kaniyang mga alagad, “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!”
24 Wanafunzi walishangazwa kwa maneno haya. Lakini Yesu akawaambia tena, “Watoto, ni jinsi gani ilivyo vigumu kuingia katika ufalme wa Mungu!
Namangha ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Ngunit muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga bata, napakahirap ang makapasok sa kaharian ng Diyos!
25 Ni rahisi kwa ngamia kupita kwenye tundu la sindano, kuliko mtu tajiri kuingia katika ufalme wa Mungu.”
Mas madali pang makapasok sa butas ng karayom ang kamelyo, kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.”
26 Walishangazwa sana na wakasemezana, “Hivyo nani ataokoka”
Labis silang namangha at sinabi sa isa't isa, “Kung gayon sino ang maliligtas?”
27 Yesu akawaangalia na kusema, “Kwa binadamu haiwezekani, lakini sio kwa Mungu. Kwa kuwa katika Mungu yote yanawezekana.”
Tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, “Hindi magagawa ito sa mga tao, ngunit hindi sa Diyos. Sapagkat magagawa ng Diyos ang lahat.”
28 “Petro akaanza kuzungumza naye, “Angalia tumeacha vyote na tumekufuata.”
Nagsimulang magsalita sa kaniya si Pedro, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.”
29 Yesu akasema, “Ukweli nawaambia ninyi, hakuna aliyeacha nyumba, au kaka, au dada, au mama, au baba, au watoto, au ardhi, kwa ajili yangu, na kwa ajili ya Injili,
Sinabi ni Jesus, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman ang nang-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita,
30 ambaye hatapokea mara mia zaidi ya sasa hapa duniani: nyumba, kaka, dada, mama, watoto, na ardhi, kwa mateso, na ulimwengu ujao, uzima wa milele. (aiōn g165, aiōnios g166)
ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. (aiōn g165, aiōnios g166)
31 Lakini wengi walio wa kwanza watakuwa wa mwisho na walio wa mwisho watakuwa wa kwanza.”
Ngunit marami ang nauuna na mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna.”
32 Walipokuwa njiani, kwenda Yerusalemu, Yesu alikuwa amewatangulia mbele yao. Wanafunzi walishangaa, na wale waliokuwa wanafuata nyuma waliogopa. Ndipo Yesu akawatoa pembeni tena wale kumi na wawili na akaanza kuwaambia ambacho kitamtokea hivi karibuni:
Nasa daan sila, paakyat sa Jerusalem at nauuna si Jesus sa kanila. Namangha ang mga alagad at ang mga sumusunod ay natatakot. At muling ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at nagsimulang sabihin sa kanila ang nalalapit na mangyayari sa kaniya,
33 “Tazama, tunakwenda mpaka Yerusalemu, na Mwana wa Adamu atafikishwa kwa makuhani wakuu na waandishi. Watamhukumu afe na watamtoa kwa watu wa Mataifa.
“Tingnan ninyo, pupunta tayo sa Jerusalem, at ihaharap ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay siya sa mga Gentil.
34 Watamdhihaki, watamtemea mate, watampiga fimbo, na watamwua. Lakini baada ya siku tatu atafufuka.”
Kukutyain nila siya, duduraan, hahagupitin at kanilang papatayin. Ngunit mabubuhay siya pagkatapos ng tatlong araw.”
35 Yakobo na Yohana, wana wa Zebedayo, walikuja kwake na kusema, “Mwalimu, tunakuhitaji utufanyie chochote tukuombacho.”
Pumunta sa kaniya sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo at sinabi, “Guro, gusto naming gawin mo para sa amin ang kahit anong hingin namin sa iyo.”
36 Aliwaambia, “Mnataka niwatendee nini?”
Sinabi niya sa kanila, “Anong gusto ninyong gawin ko para sa inyo?”
37 Wakasema, “Turuhusu tukae nawe katika utukufu wako, mmoja katika mkono wako wa kuume na mwingine mkono wako wa kushoto.”
Sinabi nila, “Payagan mo kaming umupo na kasama mo sa iyong kaluwalhatian, isa sa iyong kanang kamay at ang isa sa iyong kaliwa.”
38 Lakini Yesu aliwajibu, “Hamjui mnachoomba. Mnaweza kukinywea kikombe ambacho nitakiywea au kustahimili ubatizo ambao nitabatizwa?”
Ngunit sumagot si Jesus sa kanila, “Hindi ninyo alam ang inyong hinihingi. Makakaya ba ninyong uminom sa tasang iinuman ko o tiisin ang bautismo na ibabautismo sa akin?”
39 Wakamwambia, “Tunaweza” Yesu akawaambia, “Kikombe nitakachokinywea, mtakinywea. Na ubatizo ambao kwao nimebatizwa, mtaustahimili.
Sinabi nila sa kaniya, “Makakaya namin.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang tasang iinuman ko, iinuman ninyo at ang bautismo na ibabautismo sa akin, titiisin ninyo.
40 Lakini atakayekaa mkono wangu wa kuume au mkono wangu wa kushoto sio mimi wa kutoa, lakini ni kwa wale ambao kwao imekwisha andaliwa.”
Ngunit kung sino ang uupo sa aking kanang kamay o sa aking kaliwang kamay, hindi ako ang magkakaloob kundi para ito sa kaninumang naihanda na.”
41 Wale wanafunzi wengine kumi waliposikia haya, wakaanza kuwakasirikia Yakobo na Yohana.
Nang marinig ng iba pang sampung alagad ang tungkol dito, nagsimula silang magalit ng labis kina Santiago at Juan.
42 Yesu akawaita kwake na kusema, “Mnajua kuwa wale wanaodhaniwa kuwa watawala wa watu wa Mataifa huwatawala, na watu wao mashuhuri huwaonyesha mamlaka juu yao.”
Tinawag sila ni Jesus at sinabi, “Alam ninyo na ang itinuturing na mga pinuno ng mga Gentil ang nangingibabaw sa kanila, at ang kanilang mga mahahalagang tao ang nagpapatupad ng kapangyarihan sa kanila.
43 Lakini haipaswi kuwa hivi kati yenu. Yeyote atakaye kuwa mkubwa kati yenu lazima awatumikie,
Ngunit hindi sa paraang ito ang nararapat sa inyo. Sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay nararapat ninyong maging lingkod,
44 na yeyote atakaye kuwa wa kwanza kati yenu ni lazima awe mtumwa wa wote.
at sinumang nagnanais na manguna sa inyo ay nararapat na maging alipin ng lahat.
45 Kwa kuwa Mwana wa Adamu hakuja kutumikiwa bali kutumika, na kuyatoa maisha yake kuwa fidia kwa wengi.”
Sapagkat hindi dumating ang Anak ng Tao upang paglingkuran, ngunit upang maglingkod at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang katubusan ng lahat.”
46 Wakaja Yeriko. Alipokuwa akiondoka Yeriko na wanafunzi wake na kundi kubwa, mwana wa Timayo, Batimayo, kipofu mwombaji, alikaa kando ya barabara.
Nakarating sila sa Jerico. Nang paalis na si Jesus sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang anak ni Timeo, na si Bartimeo, isang bulag na pulubi ay nakaupo sa tabi ng daan.
47 Aliposikia kuwa ni Yesu Mnazareti, alianza kupiga kelele na kusema, “Yesu, Mwana wa Daudi, nihurumie!”
Nang marinig niyang si Jesus na taga-Nazaret iyon, nagsimula siyang sumigaw at nagsabi, “Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin!”
48 Wengi walimkemea yule kipofu, wakimwambia anyamaze. Lakini alilia kwa sauti zaidi, “Mwana wa Daudi, nihurumie!”
Maraming sumusuway sa bulag, na nagsasabi na manahimik siya. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, maawa ka sa akin!”
49 Yesu alisimama na kuamuru aitwe. Walimwita yule kipofu, wakisema, “Kuwa shujaa! Inuka! Yesu anakuita.”
Huminto si Jesus at iniutos na siya ay tawagin. Tinawag nila ang bulag na sinasabi, “Maging matapang ka! Tumayo ka! Tinatawag ka niya.”
50 Akalitupa pembeni koti lake, akakimbia zaidi, na kuja kwa Yesu.
Inihagis niya ang kaniyang balabal, lumukso at pumunta kay Jesus.
51 Yesu akamjibu na kusema, “Unataka nikufanyie nini?” Yule mwanaume kipofu akamjibu, “Mwalimu, ninataka kuona.”
At sinagot siya ni Jesus at sinabi, “Anong gusto mong gawin ko para sa iyo?” Sinabi ng bulag, “Rabi, gusto kong matanggap ang aking paningin.”
52 Yesu akamwambia, “Nenda. Imani yako imekuponya.” Hapo hapo macho yake yakaona; na akamfuata Yesu barabarani.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka. Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo.” Kaagad niyang natanggap ang kaniyang paningin at sumunod siya kay Jesus sa daan.

< Marko 10 >