< Wahebrania 9 >
1 Sasa hata agano la kwanza lilikuwa na sehemu ya ibada hapa duniani na taratibu za ibada.
Ngayon kahit sa unang tipan ay may lugar para sa pagsamba dito sa lupa at mga alituntunin ukol sa pagsamba.
2 Kwani katika hema kulikuwa na chumba kimeandaliwa, chumba cha nje, paliitwa mahali patakatifu. Katika eneo hili palikuwa na kinara cha taa, meza na mikate ya wonyesho.
Sapagkat may silid na inihanda sa loob ng tabernakulo, ang panlabas na silid, ang tinatawag na banal na lugar. Nakalagay sa lugar na ito ang ilawan, ang mesa at ang tinapay na handog.
3 Na nyuma ya pazia la pili kulikuwa na chumba kingine, paliitwa mahali patakatifu zaidi.
At sa likod ng pangalawang tabing ay isa pang silid na tinatawag na kabanal-banalang lugar.
4 Mlikuwemo madhabahu ya dhahabu kwa kuvukizia uvumba. Pia mlikuwemo sanduku la agano, ambalo lilikuwa limejengwa kwa dhahabu tupu. Ndani yake kulikuwa na bakuli la dhahabu lenye manna, fimbo ya Haruni iliyoota majani, na zile mbao za mawe za agano.
Mayroon itong gintong altar para sa insenso. Nandito rin ang kaban ng tipan na nababalutan ng ginto. Sa loob nito ay sisidlang ginto na may lamang manna, ang namulaklak na tungkod ni Aaron at ang mga tapyas na bato ng tipan.
5 Juu ya sanduku la agano maumbo ya maserafi wa utukufu wafunika mabawa yao mbele ya kiti cha upatanisho, ambacho kwa sasa hatuwezi kuelezea kwa kina.
Sa itaas ng kaban ng tipan ay anyo ng kerubim ng kaluwalhatian na umaaligid sa takip ng pagsisisi, na hindi muna namin ngayon mailalarawan.
6 Baada ya vitu hivi kuwa vimekwisha andaliwa, Makuhani kawaida huingia chumba cha nje cha hema kutoa huduma zao.
Pagkatapos na maihanda ang mga bagay na ito, palaging pumapasok ang mga pari sa panlabas na silid ng tabernakulo upang isagawa ang kanilang mga tungkulin.
7 Lakini kuhani mkuu huingia kile chumba cha pili pekee mara moja kila mwaka, na pasipo kuacha kutoa dhabihu kwa ajili yake binafsi, na kwa dhambi za watu walizozitenda pasipo kukusudia.
Ngunit ang pinaka-punong pari ay pumapasok na nag-iisa sa pangalawang silid minsan sa isang taon, at may dalang maihahandog na dugo para sa kaniyang sarili at para sa hindi sinasadyang mga paglabag ng mga tao.
8 Roho Mtakatifu anashuhudia kwamba, njia ya mahali patakatifu zaidi bado haijafunuliwa kwa vile ile hema la kwanza bado linasimama.
Ipinapakita ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa kabanal-banalang lugar ay hindi pa ipinapahayag habang nananatili pang nakatayo ang unang tabernakulo.
9 Hili ni kielelezo cha muda huu wa sasa. Vyote zawadi na dhabihu ambavyo vinatolewa sasa haviwezi kukamilisha dhamiri ya anayeabudu.
Isa itong paglalarawan sa kasalukuyang panahon. Parehong walang kakayahang gawing ganap ng mga kaloob at mga handog ang budhi ng mga sumasamba.
10 Ni vyakula na vinywaji pekee vimeunganishwa katika namna ya taratibu za ibada ya kujiosha. Vyote hivi vilikuwa taratibu za kimwili vilivyokuwa vimeandaliwa hadi ije amri mpya itakayowekwa mahali pake.
Mga pagkain at inumin lamang ang mga ito na kaugnay ng iba't-ibang uri ng seremonya ng paglilinis. Ang lahat ng ito ay alituntunin para sa laman na inilaan hanggang sa maganap ang bagong kaayusan.
11 Kristo alikuja kama kuhani mkuu wa mambo mazuri ambayo yamekuja. kupitia ukuu na ukamilifu wa hema kuu ambayo haikufanywa na mikono ya watu, ambayo si wa ulimwengu huu ulioumbwa.
Dumating si Cristo bilang pinaka-punong pari ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng mas dakila at higit na ganap na sagradong tolda na hindi gawa sa mga kamay ng tao, na hindi kabilang sa mundong nilikha.
12 Ilikuwa si kwa damu ya mbuzi na ndama, bali kwa damu yake mwenyewe kwamba Kristo aliingia mahali patakatifu zaidi mara moja kwa kila mmoja na kutuhakikishia ukombozi wetu wa milele. (aiōnios )
Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan. (aiōnios )
13 Kama kwa damu ya mbuzi na mafahari na kunyunyiziwa kwa majivu ya ndama katika hao wasiosafi walitengwa kwa Mungu na kufanya miili yao safi,
Sapagkat kung ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang pagwiwisik ng mga abo sa mga taong may dungis ay naghahandog sa kanila sa Diyos at ginagawang malinis ang kanilang katawan,
14 Je si zaidi sana damu ya Kristo ambaye kupitia Roho wa milele alijitoa mwenyewe bila mawaa kwa Mungu, kuosha dhamiri zetu kutoka matendo mafu kumtumikia Mungu aliye hai? (aiōnios )
gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay? (aiōnios )
15 Kwa sababu hiyo, Kristo ni mjumbe wa agano jipya. Hii ndiyo sababu mauti imewaacha huru wote walio wa agano la kwanza kutoka katika hatia ya dhambi zao, ili kwamba wote walioitwa na Mungu waweze kupokea ahadi ya urithi wao wa milele. (aiōnios )
Sa kadahilanang ito, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ito ay dahil may isang kamatayan na nangyari upang palayain ang mga napapasailalim sa lumang tipan mula sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan, sa gayon ang lahat ng mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang pamana na kaniyang ipinangako. (aiōnios )
16 Kama kuna agano linadumu, ni lazima kuthibitishwa kwa kifo cha mtu yule aliyelifanya.
Sapagkat kung saan iniwan ng isang tao ang kaniyang testamento, kailangan na mapatunayan ang kamatayan ng taong gumawa nito.
17 Kwani agano linakuwa na nguvu mahali kunatokea mauti, kwa sababu hakuna nguvu wakati mwenye kulifanya akiwa anaishi.
Sapagkat nagkakabisa lamang ang testamento kung saan mayroong kamatayan dahil wala pang bisa ito habang buhay pa ang gumawa.
18 Hivyo hata si lile agano la kwanza lilikuwa limewekwa pasipo damu.
Kaya hindi naitatag ang lumang tipan nang walang dugo.
19 Wakati Musa alipokuwa ametoa kila agizo la sheria kwa watu wote, alichukua damu ya ng'ombe na mbuzi, pamoja na maji, kitambaa chekundu, na hisopo, na kuwanyunyizia gombo lenyewe na watu wote.
Sapagkat nang maibigay ni Moises ang bawat alituntunin ng kautusan sa lahat ng mga tao, kinuha niya ang dugo ng mga guya at mga kambing na may tubig, mapulang balahibo, hisopo at parehong winisikan ang balumbon ng kasulatan at ang lahat ng tao.
20 Kisha alisema, “Hii ni damu ya agano ambayo Mungu amewapa amri kwenu”.
At sinabi niya, “Ito ang dugo ng tipan kung saan ibinigay ng Diyos sa inyo ang mga kautusan.”
21 Katika hali ileile, aliinyunyiza damu juu ya hema na vyombo vyote vilivyotumiwa kwa huduma ya ukuhani.
Sa ganito ring paraan, winisikan niya ng dugo ang tabernakulo at ang lahat ng sisidlan na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod.
22 Na kulingana na sheria, karibu kila kitu kinatakaswa kwa damu. Pasipo kumwaga damu hakuna msamaha.
At ayon sa kautusan, halos lahat ay nilinis ng dugo. Walang kapatawaran kung walang pagbubuhos ng dugo.
23 Kwa hiyo ilikuwa lazima kwamba nakala za vitu vya mbinguni sharti visafishwe kwa hii dhabihu ya wanyama. Hata hivyo, vitu vya mbinguni vyenyewe vilipaswa kusafishwa kwa dhabihu iliyo bora zaidi.
Samakatwid kinakailangan nga na ang mga bagay na kahalintulad nang nasa langit ay dapat na malinis nitong mga hayop na handog. Gayunman, dapat na linisin ng mas mabuting handog ang mga bagay na panlangit.
24 Kwani Kristo hakuingia mahali patakatifu sana palipofanywa na mikono, ambayo ni nakala ya kitu halisi. Badala yake aliingia mbingu yenyewe, mahali ambapo sasa yuko mbele za uso wa Mungu kwa ajili yetu.
Sapagkat hindi pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar na gawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay. Sa halip, pumasok siya sa langit mismo, na ngayon ay nasa harapan ng Diyos para sa atin.
25 Hakuingia kule kwa ajili ya kujitoa sadaka kwa ajili yake mara kwa mara, kama afanyavyo kuhani mkuu, ambaye huingia mahali patakatifu zaidi mwaka baada ya mwaka pamoja na damu ya mwingine,
Hindi siya nagpunta doon upang madalas na ihandog ang kaniyang sarili, katulad ng ginagawa ng pinakapunong pari, na pumapasok sa kabanal-banalang lugar taun-taon na may dalang dugo.
26 kama hiyo ilikuwa kweli, basi ingekuwa lazima kwake kuteswa mara nyingi zaidi tangu mwanzo wa ulimwengu. Lakini sasa ni mara moja hadi mwisho wa miaka aliyojifunua kuiondoa dhambi kwa dhabihu yake mwenyewe. (aiōn )
Kung iyan ay totoo, kakailanganin niyang maghirap ng maraming ulit mula pa ng likhain ang mundo. Ngunit ngayon minsan na lamang siyang naipahayag hanggang sa katapusan ng panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang sarili. (aiōn )
27 Kama ilivyo kwa kila mtu kufa mara moja, na baada ya hiyo huja hukumu,
Tulad ng bawat tao ay itinakda na mamatay minsan, at pagkatapos ay ang paghatol,
28 ndivyo hivyo Kristo naye ambaye alitolewa mara moja kuziondoa dhambi za wengi, atatokea mara ya pili, si kwa kusudi la kushughulikia dhambi, bali kwa ukombozi kwa wale wamgojeao kwa saburi.
gayon din si Cristo, na minsang naihandog upang alisin ang mga kasalanan ng marami, darating siya sa pangalawang pagkakataon, hindi upang ihandog muli sa kasalanan, kundi para sa kaligtasan ng mga matiyagang naghihintay sa kaniya.