< Génesis 43 >

1 Ahora la tierra estaba pasando por una gran hambruna.
Matindi na ang taggutom sa lupain.
2 Y cuando todo el trigo que habían adquirido en Egipto se agotó, su padre les dijo: Vayan otra vez, y compren un poco de alimento.
Dumating ang panahon nang maubos na nilang kainin ang butil na kinuha nila mula sa Ehipto, sinabi ng kanilang ama, “Humayo kayong muli at bumili ng pagkain natin.
3 Y Judá le dijo: El varón nos dijo con un juramento: No volverás a venir delante de mí sin tu hermano.
Sinabi sa kanya ni Juda “Mahigpit kaming binalaan ng lalaki, 'Hindi ninyo makikita ang aking mukha maliban na lamang kung kasama ninyo ang iyong kapatid.
4 Si permites que nuestro hermano vaya con nosotros, descenderemos y compraremos comida:
Kung hahayaan mong isama namin ang aming kapatid, bababa kami at bibili ng pagkain para sa iyo.
5 Pero si no lo enviases, no descenderemos; porque el hombre nos dijo: No vendrás delante de mí si tu hermano no está contigo.
Ngunit kung hindi mo siya ipapasama, hindi kami bababa. Dahil sinabi ng lalaki sa amin, “Hindi ninyo makikita ang aking mukha maliban na lamang kung kasama ninyo ang inyong kapatid.
6 Entonces dijo Israel: ¿Por qué fuiste tan cruel conmigo, y le dijiste que tenías otro hermano?
Sinabi ni Israel, “Bakit mo ako pinakikitunguhan ng masama sa pamamagitan ng pagsasabi sa taong iyon na meron pa kayong isang kapatid?”
7 Y dijeron: El hombre nos hizo una serie de preguntas acerca de nosotros y nuestra familia, diciendo: ¿Tu padre aún vive? ¿tienes otro hermano? Y tuvimos que darle respuestas; ¿Cómo íbamos a tener idea de que diría: Regresa con tu hermano?
Sinabi nila, “Nagtanong ang lalaki ng mga bagay tungkol sa amin at sa ating pamilya. Sinabi niya, 'Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid?' Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito. Paano namin malalaman na sasabihin niyang, “Dalhin mo dito ang iyong kapatid?”
8 Entonces Judá dijo a Israel, su padre: Envía al niño conmigo, y subamos y vamos, para que nosotros, tú y nuestros pequeños no muramos.
Sinabi ni Judah sa kanyang ama, “Ipadala mo ang batang lalaki sa amin. Tatayo kami at aalis upang mabuhay kami at hindi mamatay, kapwa kami, ikaw, at ang aming mga anak.
9 Ponlo a mi cuidado y hazme responsable de él; si no te lo devuelvo de manera segura, deja que el mío sea el pecado para siempre.
Ako ang mananagot sa kanya. Ako ang pananagutin mo. Kung hindi ko siya maibabalik sa iyo at maihaharap sa iyo hayaan mong ako ang masisi habang buhay.
10 Verdaderamente, si no hubiéramos dejado pasar el tiempo, podríamos haber regresado de nuevo.
Kung hindi kami maaantala, sigurado ngayon nakabalik na kami dito nang pangalawang beses”.
11 Entonces su padre Israel les dijo: Si tiene que ser así, haz esto: toma de los mejores frutos de la tierra en tus sacos para darle al hombre perfumes, miel, especias y nueces.
Sinabi ng kanilang ama na si Israel, “Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon. Kumuha kayo ng mga pinaka magandang produkto sa ating lupain sa inyong mga sisidlan. Magdala kayo ng regalo sa taong iyon: tulad ng balsamo at pulot-pukyutan, pabango at mirra, pili at almendra.
12 y toma el doble de dinero contigo; es decir, recuperar el dinero que se puso en sus sacos, ya que puede haber sido un error;
Doblehin ninyo ang perang dala ninyo. Ang perang naisuli mula sa pagbukas ng inyong mga sako, dalhin ninyo ulit sa inyong mga kamay. Baka isa lang itong pagkakamali.
13 y toma a tu hermano y vuelve al hombre:
Dalhin rin ang inyong kapatid na lalaki. Tumayo at pumunta kayo ulit sa taong iyon.
14 Y que Dios, el Gobernador de todos, te dé misericordia delante del hombre, para que él te devuelva a tu otro hermano y a Benjamín. Si me van a quitar a mis hijos; no hay ayuda para eso.
Nawa'y kaawaan kayo ng Makapangyarihang Diyos sa harap ng taong iyon, upang palayain niya sa inyo ang iba niyong mga kapatid at si Benjamin. Kung ako'y nagdadalamhati sa aking mga anak, ako'y nagdadalamhati.
15 Entonces tomaron lo que su padre dijo por el hombre, y el doble de dinero en sus manos, y Benjamín, y se fueron a Egipto, y se presentaron delante de José.
At dinala ng mga lalaki ang regalong iyon. Kumuha sila ng dobleng salapi sa kanilang mga kamay at si Benjamin. Tumayo sila, pumunta pababa sa Ehipto, at tumayo sa harapan ni Jose.
16 Y cuando José vio a Benjamín, dijo a su principal siervo: Toma estos hombres en mi casa, y prepara una comida, porque ellos comerán conmigo al mediodía.
Nang makita ni Jose na kasama nila si Benjamin, sinabi niya sa katiwala ng kanyang bahay, “Dalhin mo ang mga lalaki sa bahay, kumatay kayo ng hayop at ihanda ito, dahil ang mga lalaki ay kakain kasama ko ngayong tanghalian.
17 Y el siervo hizo como José dijo, y tomó los hombres en la casa de José.
Ginawa ng katiwala ang sinabi ni Jose. Dinala niya ang mga lalaki sa bahay ni Jose.
18 Ahora los hombres estaban llenos de temor porque los habían llevado a la casa de José y dijeron: Es por el dinero que pusimos en nuestras maletas la primera vez; él está buscando algo en contra de nosotros, para tendernos una trampa sobre nosotros y nos lleve a nosotros y a nuestros asnos como sus siervos.
Natakot ang mga lalaki dahil sila ay dinala sa bahay ni Jose. Sinabi nila, “Ito ay dahil sa perang isinauli sa aming mga sako sa unang pagkakataon na pumunta kami dito, para makahanap siya ng pagkakataon laban sa amin. Maaari niya kaming hulihin at gawin lipin, at kunin ang aming mga asno.
19 Y subieron al siervo principal de José a la puerta de la casa,
Nilapitan nila ang katiwala ng bahay ni Jose, at siya ay kinausap nila sa may pintuan ng bahay,
20 Y dijo: Oh mi señor, solo bajamos la primera vez para comprar comida;
sinabing, “Aking amo, noong unang pagkakataon na pumunta kami dito ay para bumili ng pagkain.
21 Y cuando llegamos al lugar de descanso de nuestra noche, al abrir nuestras costales vimos que el dinero de cada hombre estaba en la boca de su bolsa, todo nuestro dinero en su totalidad: y lo tenemos con nosotros para devolverlo;
Nangyari na, nang makarating na kami sa lugar kung saan kami ay pansamantalang nakatira, na binuksan namin ang aming mga sako, at, tingnan, ang bawat pera ng tao ay nandoon sa bukasan ng kanilang sako, ang aming pera na sakto ang halaga. Ibinalik namin ito sa aming mga kamay.
22 Además de más dinero, para obtener comida: no tenemos idea de quién puso nuestro dinero en nuestros costales.
Ang ibang pera ay dinala rin namin sa aming kamay para bumili ng pagkain. Hindi namin alam kung sino ang naglagay ng pera sa aming mga sako.”
23 Entonces el siervo dijo: Paz a ustedes; no teman; su Dios, el Dios de su padre, ha puesto riquezas en sus bolsas para ustedes; yo tenía su dinero. Luego dejó que Simeón fuera con ellos.
Sinabi ng katiwala, “Ang kapayapaan ay sumainyo, huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos at ang Diyos ng inyong ama ang maaaring naglagay ng pera sa inyong mga sako. Natanggap ang iyong pera.” Inilabas naman ng katiwala si Simeon sa kanila.
24 Y el criado los tomó en la casa de José, y les dio agua para lavar sus pies; y les dio comida a sus asnos.
Dinala ng katiwala ang mga lalaki sa bahay ni Jose. Binigyan niya ito ng tubig, at hinugasan nila ang kanilang mga paa. Binigyan niya ng mga pagkain ang kanilang mga asno.
25 Y prepararon las cosas para José antes que él viniera a la mitad del día; porque se les había dado palabra de que allí tendrían que comer.
Inihanda nila ang mga regalo sa pagdating ni Jose sa tanghali, sapagkat narinig nila na sila ay kakain doon.
26 Y cuando entró José, le dieron las cosas que tenían para él, y se postraron hasta el suelo ante él.
Nang dumating si Jose sa bahay, dinala nila ang mga regalo na nasa kamay nila doon sa bahay, at sila'y yumuko sa harapan niya sa sahig.
27 Y él dijo: ¿Cómo están? ¿Está bien tu padre, el viejo de quien me estabas hablando? ¿Todavía vive?
Tinanong niya sila tungkol sa kanilang kalagayan at nagsabing, “Mabuti ba ang kalagayan ng inyong ama, ang matanda na inyong binabanggit? Buhay pa ba siya?”
28 Y ellos dijeron: Tu siervo, nuestro padre, está sano; él aún vive. Y cayeron sobre sus rostros delante de él.
Sila ay nagsalita, “Ang iyong lingkod ang aming ama ay mabuti naman. Siya ay buhay pa.” Sila ay dumapa at yumuko.
29 Entonces, levantando los ojos, vio a Benjamín, su hermano, el hijo de su madre, y dijo: ¿Es éste tu hermano menor al que me diste palabra? Y él dijo: Dios sea bueno contigo, hijo mío.
Itinuon niya ang kanyang mga mata pataas at nakita si Benjamin ang kanyang kapatid na lalaki, ang anak ng kanyang ina, na nagsasabing, “Ito ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid mo na iyong binabanggit sa akin? Sinabi niya, “Ang Diyos ay maging maawain sa iyo, aking anak”.
30 Entonces el corazón de José se llenó de compasión por su hermano, y él entró rápidamente en su habitación, porque se llenó de lágrimas.
Nagmamadali si Jose na lumabas sa loob, dahil labis siyang naantig tungkol sa kanyang kapatid na lalaki. Naghanap siya ng lugar upang iyakan. Pumunta siya sa kanyang silid at doon umiyak.
31 Luego, después de lavarse la cara, salió, y controlando sus sentimientos dijo: Pon comida delante de nosotros.
Naghilamos siya at lumabas. Pinigilan niya ang kanyang sarili, na nagsasabing “Ihain na ang pagkain”.
32 y le prepararon una comida aparte, solo para ellos y para los egipcios que estaban con él solos; porque los egipcios no pueden comer con los hebreos, porque eso los haría inmundos.
Pinagsilbihan ng mga lingkod si Jose na siya lang at ang kanyang mga kapatid na lalaki na sila lang. Ang mga taga-Ehipto ay kumain doon kasama niya ng sila-sila lang dahil ang taga-Ehipto ay hindi kumakain ng tinapay kasama ng mga Hebreo, dahil ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga taga-Ehipto.
33 Y se les dio a todos sus asientos delante de él en orden de nacimiento, desde el mayor hasta el más joven: de modo que se miraban con asombro.
Ang mga kapatid niya ay umupo sa tapat niya, ang panganay ayon sa kanyang karapatan, at ang pinaka bata ayon sa kanyang pagkabata. Ang mga lalaki ay sama-samang namangha.
34 Y José les envió comida de su mesa, pero envió cinco veces más a Benjamín que a cualquiera de los otros. Y tomaron vino libremente con él.
Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya.

< Génesis 43 >