< Éxodo 7 >

1 Y él Señor dijo a Moisés: Mira, yo te he puesto por dios a Faraón, y tu hermano Aarón será tu profeta.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Tingnan mo, ginawa kitang parang isang diyos kay Paraon. Si Aaron na iyong kapatid ang magiging propeta mo.
2 Di todo lo que te ordene que digas: y tu hermano Aarón dará palabra a Faraón para que los hijos de Israel salgan de su tierra.
Sasabihin mo ang lahat ng inutos kong sabihin mo. Ang kapatid mong si Aaron ay makikipag-usap kay Paraon para payagan niya ang bayan ng Israel na umalis mula sa kaniyang lupain.
3 Y haré arder el corazón de Faraón, y mis señales y maravillas aumentarán en la tierra de Egipto.
Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto.
4 Pero Faraón no los escuchará, y pondré mi mano sobre Egipto y sacaré a mis ejércitos, a mi pueblo, a los hijos de Israel, de Egipto, después de grandes castigos.
Pero si Paraon ay hindi makikinig sa iyo, kaya ilalagay ko ang kamay ko sa Ehipto at ilalabas ang aking mga pangkat ng mandirigmang kalalakihan, aking bayan, ang mga kaapu-apuhan ni Israel, palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang mga gawa ng pagpaparusa.
5 Y los egipcios verán que yo soy el Señor, cuando mi mano se extienda sobre Egipto, y saque a los hijos de Israel de entre ellos.
Malalaman ng mga taga-Ehipto na ako si Yahweh kapag iniabot ko ang aking kamay sa Ehipto at inilabas ang mga Israelita mula sa kanila.”
6 Y Moisés y Aarón lo hicieron así como el Señor les dio órdenes, así lo hicieron.
Ginawa iyon nina Moises at Aaron; ginawa nila tulad ng inutos ni Yahweh sa kanila.
7 Y Moisés tenía ochenta años, y Aarón ochenta y tres años, cuando dieron la palabra del Señor a Faraón.
Si Moises ay walumpung taong gulang, at si Aaaron ay walumpu't tatlong taong gulang nang nakipag-usap sila kay Paraon.
8 Y el Señor dijo a Moisés y Aarón,
Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
9 Si Faraón te dice: “Déjame ver una maravilla”, entonces dile a Aarón: Toma tu vara y ponla en la tierra delante de Faraón para que se convierta en serpiente.
“Kapag sinabi ni Paraon sa inyo, 'Gumawa kayo ng isang himala,' sa gayon sasabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at itapon sa harap ni Paraon, para ito ay maging isang ahas.'”
10 Entonces Moisés y Aarón fueron a Faraón e hicieron como el Señor había dicho: y Aarón posó su vara sobre el suelo delante de Faraón y sus siervos, y se hizo serpiente.
Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at ginawa nila ayon sa inutos ni Yahweh. Tinapon ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harapan ni Paraon at kaniyang mga lingkod, at ito ay naging isang ahas.
11 Entonces Faraón envió a los hombres sabios y los magos, y ellos, los magos de Egipto, hicieron lo mismo con sus artes secretas.
Pagkatapos tinawag din ni Paraon ang kaniyang mga matatalino at salamangkero. Gumawa sila ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka.
12 Porque cada uno de ellos bajó su vara sobre la tierra, y se convirtieron en serpientes; pero la vara de Aarón se tragó las varas de ellos.
Bawat isang lalaki ay itinapon ang kaniyang tungkod at ang mga tungkod ay naging mga ahas. Pero ang tungkod ni Aaron ay nilamon ng kanilang mga ahas.
13 Pero el corazón de Faraón se endureció, y no los escuchó, como el Señor había dicho.
Ang puso ni Paraon ay tumigas, at hindi siya nakinig, tulad ng naunang pinahayag ni Yahweh.
14 Y el SEÑOR dijo a Moisés y Aarón: El corazón de Faraón no ha cambiado; él no dejará ir a la gente.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Matigas ang puso ni Paraon, at tumatanggi siyang payagang umalis ang ang mga tao.
15 Ve a Faraón por la mañana; cuando salga al agua, lo estarás esperando al borde del Nilo, con la vara que se convirtió en una serpiente en tu mano;
Pumunta ka kay Paraon sa umaga kapag lumabas siya papunta sa tubig. Tumayo ka sa pampang ng ilog para salabungin siya, at hawakan ang tungkod na naging ahas sa iyong kamay.
16 Y dile: el Señor, el Dios de los hebreos, me ha enviado a ti, diciendo: Deja ir a mi pueblo, para que me den culto en el desierto; pero hasta ahora no has escuchado sus palabras.
Sabihin mo sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay pinadala ako sa iyo para sabihin, “Payagan mong umalis ang aking bayan, para sambahin nila ako sa ilang. Hanggang ngayon ay hindi ka nakikinig.”
17 Entonces el Señor dice: En esto puedes estar seguro de que yo soy el Señor; mira, con el toque de esta vara en mi mano, las aguas del Nilo se volverán sangre;
Sinasabi ito ni Yahweh: “Sa pamamagitan nito ay makikilala mong ako si Yahweh. Hahampasin ko ang tubig ng Ilog Nilo ng tungkod na nasa kamay ko, at ang tubig ay magiging dugo.
18 Y los peces en el Nilo vendrán a la destrucción, y el río arrojará un mal olor, y los egipcios no podrán, por disgusto, hacer uso del agua del Nilo para beber.
Ang mga isda na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay mangangamoy. Ang mga taga-Ehipto ay hindi makakainom ng tubig mula sa ilog.”
19 Y el SEÑOR dijo: Di a Aarón: Extiende la vara que tienes en la mano sobre las aguas de Egipto, sobre los ríos, arroyos, y sobre toda extensión de aguas, para que se conviertan a sangre; y habrá sangre por toda la tierra de Egipto, en vasos de madera y en vasos de piedra.
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'”
20 Y Moisés y Aarón hicieron como Él Señor lo había dicho; y cuando su vara se alzó y se extendió sobre las aguas del Nilo ante los ojos de Faraón y sus siervos, toda el agua en el Nilo se convirtió en sangre;
Ginawa nina Moises at Aaron ayon sa inutos ni Yahweh. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig sa ilog, sa paningin nina Paraon at ng kaniyang mga lingkod. Lahat ng tubig sa ilog ay naging dugo.
21 Y los peces en el Nilo llegaron a ser destruidos, y salió un mal olor del río, y los egipcios no pudieron usar el agua del Nilo para beber; y hubo sangre en toda la tierra de Egipto.
Ang mga isda sa ilog ay namatay, at ang ilog ay nagsimulang mangamoy. Hindi makainom ang mga taga-Ehipto ng tubig mula sa ilog, at ang dugo ay nasa lahat ng dako sa lupain ng Ehipto.
22 Y las magos de Egipto hicieron lo mismo con sus artes secretas; pero el corazón de Faraón se endureció, y no los escuchó, como el Señor había dicho.
Pero ang mga salamangkero ng Ehipto ay gumawa ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka. Kaya ang puso ni Paraon ay tumigas, at tumanggi siyang makinig kay Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
23 Entonces Faraón entró en su casa, y no se tomó esto en serio.
Pagkatapos tumalikod si Paraon at nagpunta sa kaniyang bahay. Hindi man lamang niya binigyang pansin ito.
24 Y todos los egipcios hicieron agujeros alrededor del Nilo para obtener agua potable, porque no podían usar el agua del Nilo.
Lahat ng mga taga-Ehipto ay naghukay sa palibot ng ilog para sa tubig na maiinom, pero hindi nila mainom ang mismong tubig ng ilog.
25 Y pasaron siete días, después que el Señor puso su mano en el Nilo.
Pitong araw ang lumipas matapos salakayin ni Yahweh ang ilog.

< Éxodo 7 >