< 1 Timoteo 6 >
1 Todos los que son siervos bajo el yugo dan toda la honra a sus amos, para que no se diga nada malo contra el nombre de Dios y su enseñanza.
Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan.
2 Y aquellos cuyos amos son creyentes, tengan respeto por ellos porque son hermanos, trabajando para ellos más fácilmente, porque aquellos que toman parte en el buen trabajo son de la fe y son queridos. exhorta y enseña sobre estas cosas.
At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.
3 Si alguno enseña diferentes enseñanzas, no de acuerdo con las palabras verdaderas de nuestro Señor Jesucristo, y con las enseñanzas que están de acuerdo con la verdadera religión,
Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan;
4 Él tiene una opinión altísima de sí mismo; está sin conocimiento, es como una enfermedad, siempre discutiendo controversias de preguntas y guerras de palabras, del cual vienen envidias, peleas, palabras crueles, pensamientos malvados,
Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.
5 Disputas perversas, de mentes corruptas que no conocen la verdad, y toman la religión como una forma de obtener ganancias.
Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.
6 Pero gran ganancia es la santidad, con contentamiento.
Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan:
7 Porque nosotros hemos venido al mundo sin nada, y no podemos sacar nada cuando muramos;
Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;
8 Pero si tenemos comida y un techo sobre nosotros, que sea suficiente.
Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.
9 Pero aquellos que tienen un deseo de riqueza están cayendo en peligro, y son tomados como en una red por una cantidad de deseos necios y dañinos, a través de los cuales los hombres son alcanzados por la muerte y la destrucción.
Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.
10 Porque la raíz de todos los males es el amor al dinero; y aquellos cuyos corazones estaban fijos en él, se apartaron de la fe y fueron heridos de innumerables dolores.
Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.
11 Pero tú, oh hombre de Dios, aléjate de estas cosas, y busca la justicia, la santidad, la fe, el amor, la paz, la conducta gentil.
Datapuwa't ikaw, Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.
12 Pelea la buena batalla de la fe; toma para ti la vida eterna, por la cual asimismo fuiste llamado, y de la cual diste testimonio a los ojos de todos. (aiōnios )
Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi. (aiōnios )
13 Te doy órdenes delante de Dios, el dador de vida a todo lo que existe, y de Cristo Jesús, que también ante Poncio Pilato dio testimonio de la fe,
Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;
14 Que mantengas la palabra intacta de todo mal, clara de toda vergüenza, hasta la revelación de nuestro Señor Jesucristo:
Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:
15 Que en el momento correcto mostrará, quién es el Bendito soberano eterno y único, Rey de reyes y Señor de señores;
Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;
16 Que solo tiene vida para siempre, viviendo en luz inaccesible; a quien ningún hombre ha visto o puede ver: a quien sea honor y poder para siempre. Que así sea. (aiōnios )
Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa. (aiōnios )
17 Ordene a aquellos que tienen dinero y bienes en esta vida, que no sean altivos, ni que pongan su esperanza en las oportunidades inciertas de riqueza, sino en él Dios vivo que nos da todas las cosas en abundancia para que las disfrutemos; (aiōn )
Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak; (aiōn )
18 Y hacer el bien, que sean ricos en buenas obras, generosos, que estén dispuestos a compartir lo que tienen;
Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;
19 Preparándose un lugar seguro para el tiempo venidero, para que la vida verdadera sea suya.
Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.
20 Oh Timoteo, cuídate bien de lo que te es dado, aléjate de las conversaciones y argumentos equivocados y tontos de ese conocimiento que es falsamente llamado ciencia;
Oh Timoteo, ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;
21 A través del cual algunos, desviaron de la fe, se han apartado de la fe. La gracia estará contigo.
Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.