< Levítico 23 >

1 Y habló el SEÑOR a Moisés, diciendo:
Kinausap ni Yahweh si Moises:
2 Habla a los hijos de Israel, y diles: Las fiestas del SEÑOR, a las cuales haréis convocación general de todo el pueblo, estas serán mis fiestas.
“Kausapin mo ang bayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Ang itinalagang mga pista para kay Yahweh, kung saan dapat ninyong ipahayag bilang banal na mga pagpupulong, ay karaniwang mga pista sa akin.
3 Seis días se trabajará, y el séptimo día será sábado de reposo, convocación santa; ninguna obra haréis; sábado es del SEÑOR en todas vuestras habitaciones.
Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, ngunit sa ikapitong araw ay isang ganap na Araw ng Pamamahinga, isang banal na pagpupulong. Dapat hindi kayo magtatrabaho sapagkat ito ay isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
4 Estas son las fiestas del SEÑOR, las convocaciones santas, a las cuales convocaréis en sus tiempos determinados.
Ito ay ang mga itinalagang pista ni Yahweh, ang banal na mga pagpupulong na dapat ninyong ipahayag ayon sa kanilang itinalagang mga panahon:
5 En el mes primero, a los catorce del mes, entre las dos tardes, pascua al SEÑOR.
Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan sa takipsilim, ay Paskuwa ni Yahweh.
6 Y a los quince días de este mes es la fiesta de los ázimos al SEÑOR; siete días comeréis ázimos.
Sa ikalabing-limang araw sa parehong buwan ay ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura para kay Yahweh. Dapat ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw.
7 El primer día tendréis santa convocación; ninguna obra servil haréis.
Sa unang araw mayroon kayong isang pagpupulong na inihandog kay Yahweh, dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.
8 Y ofreceréis al SEÑOR siete días ofrenda encendida; el séptimo día será santa convocación; ninguna obra servil haréis.
Dapat kayong mag-alay ng isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang ikapitong araw ay isang pagpupulong na inihandog para kay Yahweh na kung saan dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.'”
9 Y habló el SEÑOR a Moisés, diciendo:
Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
10 Habla a Israel, y diles: Cuando hubiereis entrado en la tierra que yo os doy, y segareis su mies, traeréis al sacerdote un homer por primicia de los primeros frutos de vuestra siega;
“Kausapin mo ang mga bayan ng Israelita at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa loob ng lupain na ibibigay ko sa inyo, at kapag ginapas ninyo ang ani nito, sa gayon dapat dalhin ninyo sa pari ang isang tali ng mga unang prutas nito.
11 el cual mecerá el homer delante del SEÑOR, para que seáis aceptos; el siguiente día del sábado lo mecerá el sacerdote.
Itataas niya ang tali sa harap ni Yahweh at idulog ito kay Yahweh, upang tanggapin ito para sa ngalan mo. Ito ay sa araw pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga na itataas ito ng pari at idudulog ito sa akin.
12 Y el día que ofrezcáis el homer, ofreceréis un cordero de un año, sin defecto, en holocausto al SEÑOR.
Kapag sa araw na itinaas ninyo ang tali at idinulog ito sa akin, dapat ninyong ihandog ang isang taong gulang na lalaking tupa at walang dungis bilang isang handog na susunugin para kay Yahweh.
13 Con su presente, dos décimas de flor de harina amasada con aceite en ofrenda encendida al SEÑOR para olor aceptable; y su libación de vino, la cuarta parte de un hin.
Dapat ang handog na pagkaing butil dalawang ikapu ng isang epah ng pinong harina na hinaluan ng langis, isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh, para magpalabas ito ng isang mabangong amoy, at kasama dito ang isang inuming handog na alak, sa ikaapat na bahagi ng isang hin.
14 Y no comeréis pan, ni grano tostado, ni espiga fresca, hasta este mismo día, hasta que hayáis ofrecido la ofrenda de vuestro Dios; estatuto perpetuo es por vuestras edades en todas vuestras habitaciones.
Dapat hindi kayo kakain ng tinapay, ni inihaw o sariwang butil, hanggang sa parehong araw ng inyong pagdadala itong handog sa inyong Diyos. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga angkan, sa bawat lugar ng inyong titirhan.
15 Y os habéis de contar desde el siguiente día del sábado, desde el día en que ofrecisteis el homer de la ofrenda mecida; siete semanas cumplidas serán;
Magbibilang kayo kinabukasan mula sa Araw ng Pamamahinga, mula sa araw ng dinala ninyo ang tali na paghahandog para itaas at idinulog, pitong buong linggo, pitong Araw ng Pamamahinga,
16 hasta el siguiente día del sábado séptimo contaréis cincuenta días; entonces ofreceréis nuevo presente al SEÑOR.
hanggang ang araw pagkatapos ang ikapitong Araw ng Pamamahinga. Iyon ay, dapat kayong bumilang ng limampung araw. Pagkatapos dapat ninyong ialay ang isang handog ng bagong butil kay Yahweh.
17 De vuestras habitaciones traeréis dos panes para ofrenda mecida, que serán de dos décimas de flor de harina, cocidos con levadura, por primicias al SEÑOR.
Dapat ninyong ilabas sa inyong mga bahay ang dalawang tinapay na ginawa mula sa dalawang ikapu ng isang epah. Dapat ginawa ang mga ito mula sa pinong harina at inihurno kasama ang lebadura; isang paghahandog ang mga ito mula sa unang mga prutas na itataas at idinulog kay Yahweh.
18 Y ofreceréis con el pan siete corderos de un año sin defecto, y un novillo de la vacada y dos carneros; serán holocausto al SEÑOR, con su presente y sus libaciones, en ofrenda encendida de olor muy aceptable al SEÑOR.
Dapat ninyong idulog kasama ang tinapay, pitong tupa isang taong gulang at walang dungis, isang batang toro, at dalawang lalaking tupa. Dapat itong maging isang handog na susunugin para kay Yahweh, kasama ang kanilang handog ng pagkaing butil at kanilang mga inuming handog, isang paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng apoy at maglalabas ng isang mabangong amoy para kay Yahweh.
19 Ofreceréis además un macho cabrío por expiación; y dos corderos de un año en sacrificio de paz.
Maghahandog kayo ng isang lalaking kambing para sa isang handog para sa kasalanan, at dalawang tupang lalaki na isang taong gulang para isang alay, bilang mga handog ng pagtitipon-tipon.
20 Y el sacerdote los presentará en ofrenda mecida delante del SEÑOR, con el pan de las primicias, y los dos corderos; santidad serán del SEÑOR para el sacerdote.
Dapat itataas ng pari ang mga ito sa harapan ni Yahweh, kasama ang tinapay sa unang mga prutas, at idulog ang mga ito sa kanya bilang isang paghahandog kasama ang dalawang tupa. Mga banal na handog ito kay Yahweh para sa pari.
21 Y convocaréis en este mismo día; os será santa convocación; ninguna obra servil haréis; estatuto perpetuo en todas vuestras habitaciones por vuestras edades.
Dapat gumawa kayo ng isang pahayag sa parehong araw na iyon. Magkakaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
22 Y cuando segareis la mies de vuestra tierra, no acabarás de segar el rincón de tu campo, ni espigarás tu siega; para el pobre, y para el extranjero la dejarás. Yo soy el SEÑOR vuestro Dios.
Kapag gagapasin ninyo ang ani ng inyong lupain, dapat hindi ninyo gagapasin nang lubos ang mga sulok ng inyong mga bukirin, at dapat hindi ninyo iipunin ang mga naipon ninyong ani. Dapat ninyong iwanan ang mga ito para sa mga mahihirap at para sa mga dayuhan. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'”
23 Y habló el SEÑOR a Moisés, diciendo:
Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
24 Habla a los hijos de Israel, y diles: En el mes séptimo, al primero del mes tendréis sábado, una conmemoración al son de trompetas, y una santa convocación.
“Kausapin ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sa ikapitong buwan, ang unang araw ng buwan na iyon magiging isang mataimtim na pahinga para sa inyo, isang alaala sa pamamagitan ng pag-ihip ng mga trumpeta, at isang banal na pagpupulong.
25 Ninguna obra servil haréis; y ofreceréis ofrenda encendida al SEÑOR.
Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho, at dapat ninyong ialay ang isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh.'”
26 Y habló el SEÑOR a Moisés, diciendo:
Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
27 Pero a los diez de este mes séptimo será el día de las expiaciones; tendréis santa convocación, y afligiréis vuestras almas, y ofreceréis ofrenda encendida al SEÑOR.
“Ngayon ang ika-sampung araw ng ikapitong buwan magiging Araw ng Pambayad ng Kasalanan. Dapat magiging isang pagpupulong na inilaan kay Yahweh, dapat magpakumbaba kayo at gumawa ng isang handog na inialay sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh.
28 Ninguna obra haréis en este mismo día; porque es día de expiaciones, para reconciliaros delante del SEÑOR vuestro Dios.
Dapat hindi kayo magtatrabaho sa araw na iyon sapagkat ito ay ang Araw ng Pambayad ng Kasalanan, upang gawin ang pambayad ng kasalanan para sa inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos.
29 Porque toda persona que no se afligiere en este mismo día, será cortada de su pueblo.
Ang sinumang hindi magpapakumbaba ng kaniyang sarili sa araw na iyon dapat ihiwalay mula sa kaniyang mga tao.
30 Y cualquiera persona que hiciere obra alguna en este mismo día, yo destruiré la tal persona de entre su pueblo.
Ang sinumang gagawa ng trabaho sa araw na iyon, Ako, Yahweh, lilipulin ko siya mula sa kanyang mga tao.
31 Ninguna obra haréis; estatuto perpetuo será por vuestras edades en todas vuestras habitaciones.
Dapat hindi kayo gagawa ng kahit anong trabaho sa araw na iyon. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
32 Sábado de sábados será a vosotros, y afligiréis vuestras almas, comenzando a los nueve del mes en la tarde; de tarde a tarde reposaréis vuestro sábado.
Dapat ang araw na ito ay maging isang mataimtim na Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at magpakumbaba kayo sa ikasiyam na buwan. Mula sa gabi hanggang sa susunod na gabi dapat ninyong panatilihin ang Araw ng inyong Pamamahinga.'
33 Y habló el SEÑOR a Moisés, diciendo:
Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
34 Habla a los hijos de Israel, y diles: A los quince días de este mes séptimo será la fiesta de los tabernáculos al SEÑOR por siete días.
“Kausapin ang mga bayan ng Israel, sinasabi, 'Sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan magiging Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh. Magtatagal ito ng pitong araw.
35 El primer día será santa convocación: ninguna obra servil haréis.
Dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong sa unang araw. Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.
36 Siete días ofreceréis ofrenda encendida al SEÑOR; el octavo día tendréis santa convocación, y ofreceréis ofrenda encendida al SEÑOR; es fiesta, ninguna obra servil haréis.
Sa loob ng pitong araw dapat kayong maghandog ng isang alay na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Sa ikawalong araw dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat kayong gumawa ng isang alay na ihahandog sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ito ay isang mataimtin na pagpupulong, at hindi kayo gagawa kahit anong karaniwang trabaho.
37 Estas son las fiestas del SEÑOR, a las que convocaréis; santas convocaciones, para ofrecer ofrenda encendida al SEÑOR, holocausto y presente, sacrificio y libaciones, cada cosa en su tiempo;
Ito ay ang itinalagang mga pista para kay Yahweh, na dapat ninyong ipahayag bilang banal na mga pagpupulong para maghandog ng alay na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh, isang handog na susunugin at isang handog na pagkaing butil, mga alay at mga inuming handog, isa sa bawat araw nito.
38 además de los sábados del SEÑOR de cada semana y además de vuestros dones, y a más de todos vuestros votos, y además de todas vuestras ofrendas voluntarias, que daréis al SEÑOR.
Mga pistang ito'y magiging dagdag sa mga Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh at inyong mga regalo, lahat ninyong mga panata at lahat ninyong kusang loob na mga handog na inyong ibibigay kay Yahweh.
39 Pero a los quince del mes séptimo, cuando hubiereis recogido el fruto de la tierra, haréis fiesta al SEÑOR por siete días; el primer día será sábado; y el octavo día también será sábado.
Tungkol sa Pista ng mga Kanlungan, sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan, kapag inipon ninyo ang mga prutas ng mga lupain, dapat ninyong panatilihin ang pista ni Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang unang araw magiging isang mataimtim na pahinga, at ang ikawalong araw magiging isa ring mataimtim na pahinga.
40 Y tomaréis el primer día gajos con fruto de algún árbol hermoso, ramos de palmas, y ramas de árboles espesos, y sauces de los arroyos; y os regocijaréis delante del SEÑOR vuestro Dios por siete días.
Sa unang araw dapat magdala kayo ng pinakamainam na prutas mula sa mga puno, mga sanga ng mga puno ng palma, at madahong mga sanga na mayabong sa mga puno, at mga puno mula sa batis, at magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa pitong araw.
41 Y le haréis fiesta al SEÑOR por siete días cada año; será estatuto perpetuo por vuestras edades; en el mes séptimo la haréis.
Sa pitong araw ng bawat taon, dapat ninyong ipagdiwang itong pista para kay Yahweh. Magiging permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira. Dapat ninyong ipagdiwang itong pista sa ikapitong buwan.
42 En tabernáculos habitaréis siete días; todo natural de Israel habitará en tabernáculos;
Dapat kayong manirahan sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw. Lahat ng likas na ipinanganak na mga Israelita dapat tumira sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw,
43 para que sepan vuestros descendientes que en tabernáculos hice yo habitar a los hijos de Israel, cuando los saqué de la tierra de Egipto. Yo soy el SEÑOR vuestro Dios.
para ang inyong mga kaapu-apuhan, angkan sa mga angkan, maaaring malaman kung papaano ko ginawa ang mga bayan ng Israel na manirahan sa ganoong mga kanlungan nang inilabas ko sila sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh ang inyong Diyos,'”
44 Así habló Moisés a los hijos de Israel de las fiestas del SEÑOR.
Sa ganitong paraan, ipinahayag ni Moises sa mga bayan ng Israel ang itinalagang kapistahan para kay Yahweh.

< Levítico 23 >