< Ezequiel 15 >

1 Y vino Palabra del SEÑOR a mí, diciendo:
Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 Hijo de hombre, ¿qué es el palo de la vid más que todo palo? ¿El sarmiento qué es entre los maderos del bosque?
“Anak ng tao, paanong mas higit ang isang puno ng ubas kaysa sa anumang punong may mga sanga na nasa isang kagubatan?
3 ¿Tomarán de él madera para hacer alguna obra? ¿Tomarán de él una estaca para colgar de ella algún vaso?
Makakakuha ba ng kahoy ang mga tao mula sa puno ng ubas upang gumawa ng anumang bagay? O makakagawa ba sila ng tulos mula dito upang pagsabitan ng anumang bagay?
4 He aquí, que es puesto en el fuego para ser consumido; sus dos extremos consumió el fuego, y la parte del medio se quemó; ¿aprovechará para obra alguna?
Tingnan mo! Kung ihahagis ito sa apoy bilang panggatong, at kung natupok na ng apoy ang magkabilang dulo nito, pati na ang gitna, may pakinabang pa ba ito?
5 He aquí que cuando estaba entero no era para obra alguna, ¿cuánto menos después que el fuego lo hubiere consumido, y fuere quemado? ¿Será más para alguna obra?
Tingnan mo! Nang ito ay buo pa, walang magagawang anumang bagay dito, kapag nasunog ng apoy, tiyak na hindi pa rin ito mapakikinabangan!
6 Por tanto, así dijo el Señor DIOS: Como el palo de la vid entre los maderos del bosque, el cual yo entregué al fuego para que lo consuma, así he entregado a los moradores de Jerusalén.
Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, di gaya ng mga puno sa mga kagubatan, ibinigay ko ang puno ng ubas bilang panggatong sa apoy; ganoon ding paraan ang gagawin ko sa mga naninirahan sa Jerusalem.
7 Y pondré mi rostro contra ellos; de un fuego salieron, y otro fuego los consumirá; y sabréis que yo soy el SEÑOR, cuando pusiere mi rostro contra ellos.
Sapagkat itatakda ko ang aking mukha laban sa kanila. Kahit na makalabas sila mula sa apoy, matutupok parin sila ng apoy, kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh, kapag itinakda ko ang aking mukha laban sa kanila.
8 Y tornaré la tierra en asolamiento, por cuanto se rebelaron completamente, dijo el Señor DIOS.
At gagawin kong tinalikuran at walang naninirahan ang kanilang lupain dahil sa ginawa nilang kasalanan—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”

< Ezequiel 15 >