< Deuteronomio 15 >
1 Al cabo de los siete años harás remisión.
Sa katapusan ng bawat pitong taon, dapat ninyong kanselahin ang mga utang.
2 Y ésta es la manera de la remisión: perdonará a su deudor todo aquél que hizo empréstito de su mano, con que adeudó a su prójimo; no lo demandará más a su prójimo, o a su hermano; porque la remisión del SEÑOR es pregonada.
Ito ang paraan ng pagpapalaya: ang lahat ng nagpapautang ay kanselahin ang alinmang pinautang sa kaniyang kapitbahay o kaniyang kapatid; hindi na niya ito hihigin dahil ang pagkakansela ni Yahweh ng mga utang ay nahayag na.
3 Del extranjero demandarás el reintegro; mas lo que tu hermano tuviere tuyo, lo soltará tu mano,
Maaari ninyong hingin ito mula sa isang dayuhan; pero anuman ang nasa inyong kapatid na inyong pag-aari ay dapat ng bitawan ng inyong kamay.
4 para que así no haya en ti mendigo; porque el SEÑOR te bendecirá con abundancia en la tierra que Dios te da por heredad para que la poseas,
Ganoon pa man, wala dapat sa inyo ang mahirap (sapagkat tiyak na pagpapalain kayo ni Yahweh sa lupain na ibibigay niya sa inyo bilang isang pamana para angkinin),
5 si empero escuchares fielmente la voz del SEÑOR tu Dios, para guardar y cumplir todos estos mandamientos que yo te mando hoy.
kung masigasig lamang kayong makinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng mga kautusan na ito na aking sinasabi sa inyo sa araw na ito.
6 Ya que el SEÑOR tu Dios te habrá bendecido, como te ha dicho, prestarás entonces a muchos gentiles, mas tú no tomarás prestado; y te enseñorearás de muchos gentiles, pero de ti no se enseñorearán.
Pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos, ayon sa ipinangako niya sa inyo; magpapautang kayo sa maraming mga bansa, pero hindi kayo hihiram; mamumuno kayo sa maraming mga bansa, pero hindi nila kayo pamumunuan.
7 Si hubiere en ti mendigo de entre tus hermanos en alguna de tus ciudades, en tu tierra que el SEÑOR tu Dios te da, no endurecerás tu corazón, ni cerrarás tu mano a tu hermano mendigo.
Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid;
8 Mas abrirás a él tu mano liberalmente, y le prestarás todo lo que necesite en lo que hubiere menester.
pero dapat ninyong tiyakin na bukas ang inyong kamay sa kaniya at tiyaking pautangin siya ng sapat para sa kaniyang kailangan.
9 Guárdate que no haya en tu corazón perverso pensamiento, diciendo: Cerca está el año séptimo, el de la remisión; y tu ojo sea maligno sobre tu hermano menesteroso para no darle; porque él clamará contra ti al SEÑOR, y te será por pecado.
Mag-ingat kayo sa pagkakaroon ng isang masamang pag-iisip sa inyong puso, sa pagsasabing, 'Ang ikapitong taon, ang taon ng pagpapalaya, ay malapit na,' para hindi kayo maging maramot patungkol sa mahirap ninyong kapatid at walang maibigay sa kaniya; baka siya ay umiyak kay Yahweh tungkol sa inyo, at maging kasalanan ito para sa inyo.
10 Sin falta le darás, y no sea tu corazón maligno cuando le dieres; que por ello te bendecirá el SEÑOR tu Dios en todos tus hechos, y en todo lo que pusiereis mano.
Dapat ninyong tiyaking magbigay sa kaniya, at hindi dapat magdamdam ang inyong puso kapag magbibigay sa kaniya, dahil ang kapalit nito ay pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gawain at sa lahat ng paglalagyan ng inyong kamay.
11 Porque no faltarán menesterosos de en medio de la tierra; por eso yo te mando, diciendo: Abrirás tu mano a tu hermano, a tu pobre, y a tu menesteroso en tu tierra.
Dahil hindi kailanman mawawala ang mahihirap sa lupain; kaya sinasabi ko ito sa inyo, 'Dapat ninyong tiyaking bukas ang inyong kamay sa inyong kapatid, sa mga nangangailangan sa inyo, at sa mga mahihirap sa inyong lupain.'
12 Cuando se vendiere a ti tu hermano hebreo o hebrea, y te hubiere servido seis años, al séptimo año le enviarás de ti libre.
Kung ang inyong kapatid, ay isang Hebreong lalaki, o isang Hebreong babae, ay binenta sa inyo at pinaglingkuran kayo nang anim na taon, kung gayon sa ikapitong taon dapat ninyo siyang palayain.
13 Y cuando lo enviares de ti libre, no lo enviarás vacío.
Kapag hinayaan ninyo siyang makalaya, huwag ninyo dapat siyang hayaan na makaalis na walang dala.
14 Le abastecerás liberalmente de tus ovejas, de tu era, y de tu lagar; le darás de aquello en que el SEÑOR te hubiere bendecido.
Dapat magbigay kayo ng masagana sa kaniya mula sa inyong kawan, mula sa inyong giikan ng palapag, at mula sa inyong pigaan ng ubas. Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos, dapat kayong magbigay sa kaniya.
15 Y te acordarás que fuiste siervo en la tierra de Egipto, y que el SEÑOR tu Dios te rescató; por tanto yo te mando esto hoy.
Dapat ninyong alalahanin na kayo ay mga alipin sa lupain ng Ehipto, at si Yahweh na inyong Diyos ang tumubos sa inyo; kaya sinasabi ko sa inyo ngayon na gawin ito.
16 Y será que, si él te dijere: No saldré de contigo; porque te ama a ti y a tu casa, que le va bien contigo;
Mangyayari ito kung sinabi niya sa inyo, 'hindi ako lalayo sa inyo; dahil minamahal niya kayo at ang inyong tahanan, at dahil siya ay nasa mabuting kalagayan kasama ninyo,
17 entonces tomarás una lesna, y horadarás su oreja junto a la puerta, y será tu siervo para siempre; así también harás a tu criada.
kung gayon dapat kayong kumuha ng isang pambutas at itusok ito sa kaniyang tainga sa isang pintuan, at siya ay magiging lingkod ninyo habang buhay. At gagawin rin ninyo ito sa inyong aliping babae.
18 No te parezca duro cuando le enviares libre de ti; que por la mitad del costo del jornalero te sirvió seis años; y el SEÑOR tu Dios te bendecirá en todo cuanto hicieres.
Hindi dapat maging mahirap para sa inyo na siya ay palayain mula sa inyo, dahil pinagsilbihan niya kayo ng anim na taon at binigyan ng dobleng halaga ang inupahang tao. Pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gagawin.
19 Santificarás al SEÑOR tu Dios todo primerizo macho que nacerá de tus vacas y de tus ovejas; no te sirvas del primerizo de tus vacas, ni trasquiles el primerizo de tus ovejas.
Dapat ninyong ihandog kay Yahweh na inyong Diyos ang lahat ng mga panganay na lalaki sa inyong mga alagang hayop at sa inyong kawan; hindi kayo magtatrabaho gamit ang inyong panganay na alagang hayop, ni gupitan ang panganay sa inyong kawan.
20 Delante del SEÑOR tu Dios los comerás cada año, tú y tu casa, en el lugar que el SEÑOR escogiere.
Dapat ninyong kainin ang panganay na lalaki sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos taon-taon sa lugar na pipiliin ni Yahweh, kayo at ng inyong sambahayan.
21 Y si hubiere en él tacha, si fuere ciego o cojo, o hubiere en él cualquier falta maligna, no lo sacrificarás al SEÑOR tu Dios.
Kung ito ay may anumang kapintasan—halimbawa, kung ito ay pilay o bulag, o mayroon kahit anong kapintasan—hindi ninyo dapat ito ialay kay Yahweh na inyong Diyos.
22 En tus poblaciones lo comerás; el inmundo lo mismo que el limpio comerán de él, como de un corzo o de un ciervo.
Kakainin ninyo ito sa loob ng inyong mga tarangkahan; dapat itong kainin ng taong marumi at malinis, tulad ng pagkain ninyo sa isang gasel o isang usa.
23 Solamente que no comas su sangre; sobre la tierra la derramarás como agua.
Huwag ninyo kainin ang dugo nito; kailangan ninyong ibuhos ang dugo nito sa lupa tulad ng tubig.