< 2 Samuel 3 >
1 Y hubo larga guerra entre la casa de Saúl y la casa de David; mas David se iba fortificando, y la casa de Saúl iba en disminución.
Ngayon ay mayroong isang mahabang digmaan sa pagitan ng tahanan ni Saul at ng tahanan ni David. Patuloy na lumalakas ng lumakas si David pero ang tahanan ni Saul ay patuloy na humihina ng humihina.
2 Y nacieron hijos a David en Hebrón; su primogénito fue Amón, de Ahinoam jezreelita;
Ang mga anak na lalaki ay ipinanganak kay David sa Hebron. Ang kaniyang panganay ay si Amnon, kay Anihoam mula sa Jezreel.
3 su segundo Quileab, de Abigail la que era mujer de Nabal, el del Carmelo; el tercero, Absalón, hijo de Maaca, hija de Talmai rey de Gesur;
Ang kaniyang pangalawang anak, ay si Quileb, ay ipinanganak kay Abigail, ang biyuda ni Nabal mula sa Carmel. Ang pangatlo, ay si Absalom, anak ni Maaca, anak na babae ni Talmai, hari ng Gesur.
4 el cuarto, Adonías hijo de Haguit; el quinto, Sefatías hijo de Abital;
Si Adonias, ang ikaapat na anak na lalaki ni David, na anak na lalaki ni Haggit. Ang ikalima ay si Sheftias, anak na lalaki ni Abital,
5 el sexto, Itream, de Egla mujer de David. Estos nacieron a David en Hebrón.
at ang ika-anim, si Itream, anak na lalaki ng asawa ni David na si Egla. Ang mga anak na lalaki na to ay ipinanganak kay David sa Hebron.
6 Y como había guerra entre la casa de Saúl y la de David, aconteció que Abner hijo de Ner se esforzaba por la casa de Saúl.
Nangyari ito sa panahon ng digmaan sa pagitan sa tahanan ni Saul at sa tahanan ni David na si Abner ay nagawang palakasin ang tahanan ni Saul.
7 Y Saúl había tenido una concubina que se llamaba Rizpa, hija de Aja. Y dijo Is-boset a Abner: ¿Por qué has entrado a la concubina de mi padre?
May isang kerida si Saul na ang pangalan ay Rizpa, ang anak na babae ni Aya. Sinabi ni Isobet kay Abner, “Bakit mo sinipingan ang kerida ng aking ama?”
8 Y se enojó Abner en gran manera por las palabras de Is-boset, y dijo: ¿Soy yo cabeza de perros respecto de Judá? Yo he hecho hoy misericordia con la casa de Saúl tu padre, con sus hermanos, y con sus amigos, y no te he entregado en las manos de David; ¿y tú me haces hoy cargo del pecado de esta mujer?
Pagkatapos si Abner ay galit na galit sa mga salita ni Isobet at sinabi, “Ako ba ay ulo ng aso na pag-aari ng Juda? Sa araw na ito ay ipinapakita ko ang katapatan sa tahanan ni Saul, ang iyong ama, sa kaniyang mga kapatid na lalaki, at sa kaniyang mga kaibigan sa hindi ko pagbibigay sa iyo sa kamay ni David. At ngayon pinaparatangan mo ako sa araw na ito tungkol sa babaeng ito.
9 Así haga Dios a Abner y así le añada, si como ha jurado el SEÑOR a David no hiciere yo así con él,
Nawa gawin sa akin ng Diyos, Abner, at mas masama pa, kung hindi ko gagawin para kay David ang gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kaniya,
10 trasladando el reino de la casa de Saúl, y confirmando el trono de David sobre Israel y sobre Judá, desde Dan hasta Beerseba.
na ilipat ang kaharian mula sa tahanan ni Saul at itayo ang trono ni David sa buong Israel at sa buong Juda, mula Dan hanggang Beerseba.”
11 Y él no pudo responder palabra a Abner, porque le temía.
Hindi makasagot si Isobet kay Abner ng iba pang salita, dahil natakot siya sa kaniya.
12 Y envió Abner mensajeros a David de su parte, diciendo: ¿Cúya es la tierra? Y que le dijesen: Haz alianza conmigo, y he aquí que mi mano será contigo para volver a ti a todo Israel.
Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Abner kay David, para kausapin siya sa pagsasabing, “Kaninong lupa ito?” Gumawa ka ng isang kasunduan sa akin, at makikita mo na ang aking kamay ay nasa iyo, dalhin ang buong Israel sa iyo.”
13 Y David dijo: Bien; yo haré contigo alianza; mas una cosa te pido, y es que no me vengas a ver sin que primero traigas a Mical la hija de Saúl, cuando vinieres a verme.
Sumagot si David, “Mabuti, gagawa ako ng isang kasunduan sa iyo. Pero isang bagay ang hihingin ko mula sa iyo na hindi mo makikita ang aking mukha maliban na dalhin mo muna si Mical, ang anak na babae ni Saul, kapag nakipagkita ka sa akin.”
14 Después de esto envió David mensajeros a Is-boset hijo de Saúl, diciendo: Restitúyeme a mi mujer Mical, la cual yo desposé conmigo por cien prepucios de filisteos.
Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isobet, anak na lalaki ni Saul, na nagsasabing, “Ibigay mo sa akin ang aking asawa na si Mical, na aking binayaran na nagkakahalaga ng isangdaang balat ng mga taga-Filisteo.”
15 Entonces Is-boset envió, y la quitó a su marido Paltiel, hijo de Lais.
Kaya ipinakuha ni Isobet si Mical at kinuha siya sa kaniyang asawa, na si Patiel anak na lalaki ni Lais.
16 Y su marido fue con ella, siguiéndola y llorando hasta Bahurim. Y le dijo Abner: Anda, vuélvete. Entonces él se volvió.
Sumama ang kaniyang asawa sa kaniya, umiiyak habang papaalis, at sinundan siya sa Bahurim. Pagkatapos sinabi ni Abner sa kaniya, “Bumalik sa bahay mo ngayon.” Kaya nagbalik siya.
17 Y habló Abner con los ancianos de Israel, diciendo: Ayer y anteayer procurabais que David fuese rey sobre vosotros;
Kinausap ni Abner ang mga nakatatanda sa Israel sa pagsasabing, “Nang nakaraan sinusubukan ninyo na mag hari si David sa inyo.
18 ahora, pues, hacedlo; porque el SEÑOR ha hablado a David, diciendo: Por la mano de mi siervo David libraré a mi pueblo Israel de mano de los filisteos, y de mano de todos sus enemigos.
Ngayon gawin ito. Dahil nakipag-usap si Yahweh kay David sinasabing, 'Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ililigtas ko ang aking mga tao ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Filisteo at sa lahat ng kanilang mga kaaway.””
19 Y habló también Abner a los de Benjamín; y fue también Abner a Hebrón a decir a David todo el parecer de los de Israel y de toda la casa de Benjamín.
Kinausap din mismo ni Abner ang bayan ng Benjamin. Pagkatapos pumunta rin si Abner upang makipag-usap kay David sa Hebron para ipaliwanag ang lahat ng bagay na ninanais ng Israel at ng buong sambahayan ni Benjamin na nais tapusin.
20 Vino, pues, Abner a David en Hebrón, y con él veinte hombres; y David hizo banquete a Abner y a los que con él habían venido.
Nang dumating sa Hebron si Abner at ang dalawampu sa kaniyang mga tauhan para makipagkita kay David, naghanda si David ng isang piging para sa kanila.
21 Y dijo Abner a David: Yo me levantaré e iré, y juntaré a mi señor el rey a todo Israel, para que hagan contigo alianza, y tú reines como deseas. David despidió luego a Abner, y él se fue en paz.
Ipinaliwanag ni Abner kay David, “Ako ay aalis at titipunin ang buong Israel para sa iyo, aking panginoon ang hari, nang sa gayon gagawa sila ng isang kasunduan sa iyo, nang sa gayon maaari kang maghari sa lahat ng nanaisin mo.” Kaya pinaalis ni David si Abner, at umalis si Abner ng may kapayapaan.
22 Y he aquí los siervos de David y Joab, que venían del campo, y traían consigo gran presa. Mas Abner ya no estaba con David en Hebrón, que ya lo había él despedido, y él se había ido en paz.
Pagkatapos dumating ang mga sundalo ni David at Joab galing sa pagsalakay at may dalang maraming mga bagay na kanilang nakuha sa panloloob. Pero si Abner ay hindi kasama ni David sa Hebron. Pinaalis siya ni David, at umalis si Abner ng may kapayapaan.
23 Y luego que llegó Joab y todo el ejército que con él estaba, fue dado aviso a Joab, diciendo: Abner hijo de Ner ha venido al rey, y él le ha despedido, y se fue en paz.
Nang si Joab at lahat ng hukbo na kasama niya ay dumating, sinabi nila kay Joab, “Si Abner anak na lalaki ni Ner ay nagpunta sa hari, at ang hari ay pinaalis na siya, at umalis si Abner ng may kapayapaan.”
24 Entonces Joab vino al rey, y le dijo: ¿Qué has hecho? He aquí habíase venido Abner a ti; ¿por qué pues lo dejaste que se fuese?
Pagkatapos pumunta si Joab sa hari at sinabi, “Ano ang ginawa mo? Tingnan mo, pumunta si Abner sa iyo! Bakit mo siya pinaalis, at siya ay nakaalis na?
25 ¿Sabes tú que Abner hijo de Ner ha venido para engañarte, y a saber tu salida y tu entrada, y por entender todo lo que tú haces?
Hindi mo ba alam na pumunta si Abner anak na lalaki ni Ner para lokohin ka, at alamin ang iyong mga plano at malaman ang lahat ng bagay na gagawin mo?”
26 Y saliéndose Joab de con David, envió mensajeros tras Abner, los cuales le hicieron volver desde el pozo de Sira, sin saberlo David.
Nang iniwan ni Joab si David, nagpadala siya ng mga mensahero kay Abner, at dinala siya pabalik mula sa balon ng Sira, pero hindi alam ito ni David.
27 Y cuando Abner volvió a Hebrón, lo apartó Joab al medio de la puerta, hablando con él blandamente, y allí le hirió por la quinta costilla, a causa de la muerte de Asael su hermano, y murió.
Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
28 Cuando David supo después esto, dijo: Limpio estoy yo y mi reino, por el SEÑOR, para siempre, de la sangre de Abner hijo de Ner.
Nang marinig ni David ang tungkol dito, sinabi niya, “Ako at ang aking kaharian ay inosente sa harapan ni Yahweh magpakailanman hinggil sa dugo ni Abner anak na lalaki ni Ner.
29 Caiga sobre la cabeza de Joab, y sobre toda la casa de su padre; que nunca falte de la casa de Joab quien padezca flujo, ni leproso, ni quien ande con báculo, ni quien muera a cuchillo, ni quien tenga falta de pan.
Hayaan ang kasalanan sa pagkamatay ni Abner ay bumagsak sa ulo ni Joab at sa lahat ng sambahayan ng kaniyang ama. Nawa'y hindi ito maalis sa pamilya ni Joab isang tao na mayroong tumutulong sugat o sakit sa balat o isang pilay at dapat lumakad na mayroong isang tungkod o pinatay sa pamamagitan ng espada o umaalis na walang pagkain.
30 Joab, pues, y Abisai su hermano mataron a Abner, porque él había muerto a Asael, hermano de ellos en la batalla de Gabaón.
Kaya si Joab at Abisai ang kaniyang kapatid na lalaki ay pinatay si Abner, dahil pinatay niya sa labanan ang kanilang kapatid na lalaki na si Asahel sa Gibeon.
31 Entonces dijo David a Joab, y a todo el pueblo que con él estaba: Romped vuestros vestidos, y ceñíos de cilicio, y haced duelo delante de Abner. Y el rey iba detrás del féretro.
Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng tao na kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit, maglagay ng telang magaspang, at manangis sa harapan ng bangkay ni Abner.” At si Haring David ay lumakad sa likod ng bangkay sa paghahatid sa libingan.
32 Y sepultaron a Abner en Hebrón; y alzando el rey su voz, lloró junto al sepulcro de Abner; y lloró también todo el pueblo.
Inilibing nila si Abner sa Hebron. Umiyak ang hari at nanangis ng malakas sa puntod ni Abner, at lahat din ng tao ay nag iyakan.
33 Y endechando el rey al mismo Abner, decía: ¡Murió Abner como muere un loco!
Ang hari ay nanangis para kay Abner, at umawit. “Kailangan bang mamatay ni Abner gaya sa pagkamatay ng isang mangmang?
34 Tus manos no estaban atadas, ni tus pies ligados con grillos. Caíste como los que caen delante de malos hombres. Y todo el pueblo volvió a llorar sobre él.
Ang iyong mga kamay ay hindi nakatali. Ang iyong mga paa ay hindi nakakadena. habang ang isang lalaki ay bumabagsak sa harapan ng mga anak na lalaki ng walang hustisya, kaya ikaw ay bumagsak. “Muli ang lahat ng tao ay nagsiiyakan sa kaniya.
35 Y como todo el pueblo viniese a dar de comer pan a David siendo aún de día, David juró, diciendo: Así me haga Dios y así me añada, si antes que se ponga el sol gustare yo pan, o cualquier otra cosa.
Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw.”
36 Así entendió todo el pueblo, y agradó a sus ojos; porque todo lo que el rey hacía parecía bien en ojos de todo el pueblo.
Kaya napansin ng lahat ng tao ang pighati ni David, at nalugod sila, gaya ng ginawa ng hari na nakalulugod sa kanila.
37 Y todo el pueblo y aun todo Israel entendieron aquel día, que no había venido del rey que Abner hijo de Ner muriese.
Kaya naintindihan ng lahat ng tao at ng buong Israel nang araw na iyon na hindi ito nais ng hari na patayin si Abner anak na lalaki ni Ner.
38 Entonces el rey dijo a sus siervos: ¿No sabéis que ha caído hoy en Israel un príncipe, y grande?
Sinabi ng hari sa kanyang mga lingkod, “Hindi ba ninyo alam na isang prinsipe at dakilang lalaki ang bumagsak sa araw na ito sa Israel?
39 Que yo ahora aún soy tierno rey ungido; y estos hombres, los hijos de Sarvia, muy duros me son; el SEÑOR dé el pago al que mal hace, conforme a su malicia.
At ako ay mahina sa araw na ito, kahit na ako ang nahirang na hari. ang mga kalalakihang ito, ang anak na lalaki ni Zeruias, ay napakalupit para sa akin. Nawa'y si Yahweh ang magbayad sa masamang tao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kaniya para sa kaniyang kasamaan, gaya ng nararapat sa kaniya.”