< 1 Reyes 18 >

1 Pasados muchos días, vino la palabra del SEÑOR a Elías en el tercer año, diciendo: Ve, muéstrate a Acab, y yo daré lluvia sobre la faz de la tierra.
Kaya pagkalipas ng maraming araw ang salita ni Yahweh ay nakarating kay Elias sa ikatlong taon ng tagtuyot nagsasabing, “Elias ipakita mo ang iyong sarili kay Ahab, at magpapadala ako ng ulan sa lupain.”
2 Fue, pues, Elías a mostrarse a Acab; y había gran hambre en Samaria.
At pumunta si Elias at siya ay nagpakita kay Ahab; ngayon malubha ang taggutom sa Samaria.
3 Y Acab llamó a Abdías su mayordomo, el cual Abdías era en gran manera temeroso del SEÑOR;
Tinawag ni Ahab si Obadias, ang taga pangasiwa ng palasyo. Sa panahong iyon labis na pinarangalan ni Obadias si Yahweh,
4 porque cuando Jezabel talaba los profetas del SEÑOR, Abdías tomó cien profetas, los cuales escondió de cincuenta en cincuenta por cuevas, y los sustentó a pan y agua.
dahil nang ipinapapatay ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, sinama ni Obadias ang isandaang propeta at itinago niya sila ng tig limampo sa isang kuweba, at pinakain niya sila ng tinapay at tubig.
5 Y dijo Acab a Abdías: Ve por el país a todas las fuentes de aguas, y a todos los arroyos; si a dicha hallaremos grama con que conservemos la vida a los caballos y a las mulas, para que no nos quedemos sin bestias.
Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Lumibot ka sa lupain sa lahat ng mga bukal ng tubig at batis. Marahil tayo ay makakahanap ng damo at maililigtas ang mga kabayo at mga asno para hindi tayo maubusan ng lahat ng hayop.”
6 Y partieron entre sí el país para recorrerlo; Acab fue de por sí por un camino, y Abdías fue separadamente por otro.
Kaya hinati nila ang lupaing kanilang lalakaran at humanap ng tubig. Si Ahab ay naglakad mag isa, at si Obadias ay umiba ng daan.
7 Y yendo Abdías por el camino, se encontró con Elías; y cuando lo reconoció, se postró sobre su rostro, y dijo: ¿No eres tú mi señor Elías?
Habang si Obadias ay nasa daan, hindi inaasahan nasalubong siya ni Elias. Nakilala siya ni Obadias at nagpatirapa sa lupa. Kaniyang sinabi, “ikaw ba ito, ang panginoon kong si Elias?”
8 Y él respondió: Yo soy; ve, di a tu amo: He aquí Elías.
Sumagot si Elias, “Ako nga ito. Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon, 'Masdan narito, si Elias.'”
9 Pero él dijo: ¿En qué he pecado, para que tú entregues tu siervo en mano de Acab para que me mate?
Sumagot si Obadias, “Paano ako nagkasala upang ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Ahab, para patayin niya ako?
10 Vive el SEÑOR tu Dios, que no ha habido nación ni reino donde mi señor no haya enviado a buscarte; y respondiendo todos: No está aquí, él ha conjurado a reinos y naciones si te han hallado.
Si Yahweh ang iyong Diyos ay buhay, walang bansa o kaharian na kung saan ang aking panginoon ay hindi nagsugo ng kalalakihan para hanapin ka. Kapag ang isang bansa o kaharian ay nagsasabi, 'Wala rito si Elias,' pinasusumpa sila ni Ahab na hindi ka nila mahanap.
11 ¿Y ahora tú dices: Ve, di a tu amo: Aquí está Elías?
Pero ngayon iyong sinasabi, 'Pumunta ka, at sabihin mo sa panginoon mo na narito si Elias.'
12 Y acontecerá que, luego que yo haya partido de ti, el Espíritu del SEÑOR te llevará donde yo no sepa; y viniendo yo, y dando las nuevas a Acab, y no hallándote él, me matará; y tu siervo teme al SEÑOR desde su juventud.
Sa sandaling ako ay mawalay sa iyo, ikaw ay kaagad daldalhin ng Espiritu ni Yahweh sa isang lugar na hindi ko alam. Kapag ako ay pumunta at sabihin kay Ahab, at kung hindi ka niya makita, papatayin niya ako. Subalit ako, iyong lingkod, ay sumamba kay Yahweh mula pa sa aking kabataan.
13 ¿No ha sido dicho a mi señor lo que hice, cuando Jezabel mataba a los profetas del SEÑOR; que escondí de los profetas del SEÑOR cien varones de cincuenta en cincuenta en cuevas, y los mantuve a pan y agua?
Hindi ba sinabi sa inyo, aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, kung paanong tinago ko ang isang daan na propeta ni Yahweh, tiglampu sa isang kuweba at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
14 ¿Y ahora dices tú: Ve, di a tu amo: Aquí está Elías; para que él me mate?
At ngayon sinasabi mo, 'Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon na narito si Elias', kaya papatayin niya ako.”
15 Y le dijo Elías: Vive el SEÑOR de los ejércitos, delante del cual estoy, que hoy me mostraré a él.
Sumagot si Elias, “Buhay si Yahweh ng mga hukbo, sa harapan niya ako ay nakatayo, tinitiyak ko na ipapakita ko ang aking sarili kay Ahab ngayon.”
16 Entonces Abdías fue a encontrarse con Acab, y le dio el aviso; y Acab vino a recibir a Elías.
Kaya si Obadias ay nagpunta para makipagkita kay Ahab; sinabi niya sa kaniya, at nagpunta si Ahab para makipagkita kay Elias.
17 Y cuando Acab vio a Elías, le dijo Acab: ¿Eres tú el que turbas a Israel?
Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
18 Y él respondió: Yo no he turbado a Israel, sino tú y la casa de tu padre, dejando los mandamientos del SEÑOR, y siguiendo a los baales.
At sumagot si Elias, “Hindi ko ginulo ang Israel, pero ikaw at ang sambahayan ng iyong ama ang nanggugulo sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga utos ni Yahweh at sa pagsunod sa mga diyus-diyosan ni Baal.
19 Envía pues ahora y júntame a todo Israel en el monte del Carmelo, y los cuatrocientos cincuenta profetas de Baal, y los cuatrocientos profetas de los bosques, que comen de la mesa de Jezabel.
Kaya ngayon, magpasabi ka at tipunin sa akin ang buong Isarel sa Bundok Carmelo, kasama ang 450 propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera, na kumakain sa lamesa ni Jezebel.”
20 Entonces Acab envió a todos los hijos de Israel, y juntó los profetas en el monte del Carmelo.
Kaya nagpasabi si Ahab sa lahat ng tao sa Israel at tinipon ang mga propetang magkakasama sa Bundok Carmelo.
21 Y acercándose Elías a todo el pueblo, dijo: ¿Hasta cuándo cojearéis vosotros entre dos pensamientos? Si el SEÑOR es Dios, seguidle; y si Baal, id en pos de él. Y el pueblo no respondió palabra.
Si Elias ay lumapit sa lahat ng tao at sinabi niya, “Gaano katagal ninyong babaguhin ang inyong kaisipan? Kung si Yahweh ay Diyos, sumunod kayo sa kaniya. Ngunit kung si Baal ay Diyos, sundin siya.” Subalit ang mga tao ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
22 Y Elías tornó a decir al pueblo: Sólo yo he quedado profeta del SEÑOR; mas de los profetas de Baal hay cuatrocientos cincuenta varones.
Pagkatapos sinabi ni Elias sa mga tao, “Ako, ako lamang, ang natitira bilang propeta ni Yahweh, pero ang mga propeta ni Baal ay 450 kalalakihan.
23 Dénsenos, pues, dos bueyes, y escójanse ellos uno, y córtenlo en pedazos, y pónganlo sobre leña, mas no pongan fuego debajo; y yo aparejaré el otro buey, y lo pondré sobre leña, y ningún fuego pondré debajo.
Kaya hayaang bigyan nila tayo ng dalawang toro. Hayaan silang pumili ng isang toro para sa kanilang sarili at putulin ito ng pira-piraso, at ilalatag sa kahoy, pero huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito. Pagkatapos ihahanda ang isang pang toro at ilalatag sa kahoy, at huwag lalagyan ng apoy sa ilalim nito.
24 Invocad luego vosotros en el nombre de vuestros dioses, y yo invocaré en el nombre del SEÑOR; y será que el Dios que respondiere por fuego, sea el Dios. Y todo el pueblo respondió, diciendo: Bien dicho.
Pagkatapos tatawagin ninyo ang pangalan ng inyong diyos, at ako ay tatawag sa pangalan ni Yahweh, at ang Diyos na sasagot sa pamamagitan ng apoy, siya ang magiging Diyos.” Kaya ang lahat ng tao ay sumagot, at sinabi, “Mabuti ito.”
25 Entonces Elías dijo a los profetas de Baal: Escogeos un buey, y haced primero, pues que vosotros sois los más; e invocad en el nombre de vuestros dioses, mas no pongáis fuego debajo.
Kaya sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, “Pumili kayo ng isang toro para sa inyo at mauna na itong ihanda, dahil kayo ay marami. Pagkatapos tumawag kayo sa inyong diyos, pero huwag ninyong lagyan ng apoy ang ilalim ng toro.”
26 Y ellos tomaron el buey que les fue dado, y lo aparejaron, e invocaron en el nombre de Baal desde la mañana hasta el mediodía, diciendo: ¡Baal, respóndenos! Mas no había voz, ni quien respondiese; entre tanto, ellos andaban saltando cerca del altar que habían hecho.
At kanilang kinuha ang toro na nakalaan sa kanila at inihanda ito, at tinawag ang pangalan ni Baal mula umaga hanggang sa katanghaliang tapat, sinasabi, “Baal, pakinggan mo kami. “Pero walang tinig, o sinumang sumagot. Sila ay nagsayaw sa paligid ng altar na kanilang ginawa.
27 Y aconteció al mediodía, que Elías se burlaba de ellos, diciendo: Gritad en alta voz, que dios es; por ventura está conversando, o tiene algún empeño, o va de camino; o duerme, y despertará.
Sa kinatanghalian tapat kinutya sila ni Elias at sinabi, “Sumigaw kayo ng malakas! Siya ay diyos! Marahil siya ay nagiisip, o siya ay nasa palikuran, o siya ay nasa isang paglalakbay, o marahil siya ay natutulog at dapat siyang gisingin.
28 Y ellos clamaban a grandes voces, y se sajaban con cuchillos y con lancetas conforme a su costumbre, hasta cubrirse de sangre.
“Kaya sila ay sumigaw pa ng mas malakas, at hiniwa nila ang kanilang sarili, tulad ng kanilang ginagawa, gamit ang mga espada at mga sibat, hanggang sa umagos ang dugo sa kanilang sarili.
29 Y cuando pasó el mediodía, y ellos aun profetizaron hasta el tiempo del ofrecimiento del sacrificio de la tarde, y no había voz, ni quien respondiese ni escuchase;
Lumipas ang tanghaling tapat, at sila ay nahihibang pa rin hanggang sa oras ng pag-aalay handog na pang gabi, pero walang boses o sinumang sumasagot; wala kahit sino ang nagbigay pansin sa kanilang mga pagsusumamo.
30 entonces Elías dijo a todo el pueblo: Acercaos a mí. Y todo el pueblo se llegó a él; y él reparó el altar del SEÑOR que estaba arruinado.
Pagkatapos sinabi ni Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin,” at ang lahat ng tao ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos kaniyang inayos ang altar ni Yahweh na nasira.
31 Y tomando Elías doce piedras, conforme al número de las tribus de los hijos de Jacob, al cual había sido dada palabra del SEÑOR, diciendo: Israel será tu nombre;
Kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ang bawat bato na kumakatawan sa mga lipi ng mga anak ni Jacob — ito ay kay Jacob na ang salita ni Yahweh ay dumating, sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.”
32 edificó con las piedras un altar en el nombre del SEÑOR; después hizo una zanja alrededor del altar, en que cupieran dos medidas de simiente.
Sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang tinayo ang altar sa pangalan ni Yahweh, at humukay siya ng isang kanal sa palibot ng altar na ang laki tama lang para magkasya ang dalawang salop na mga binhi.
33 Compuso luego la leña, y cortó el buey en pedazos, y lo puso sobre la leña.
Pagkatapos kaniyang inilagay ang kahoy para sa apoy at ang toro ay pinutol sa piraso, at ipinatong ang mga pira-piraso sa ibabaw ng kahoy. At kaniyang sinabi,”Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig at ibuhos ninyo sa handog na susunugin at sa kahoy.”
34 Y dijo: Llenad cuatro cántaros de agua, y derramadla sobre el holocausto, y sobre la leña. Y dijo: Hacedlo otra vez; y otra vez lo hicieron. Y dijo: Hacedlo la tercera vez; y lo hicieron la tercera vez.
At kaniyang sinabi, “Gawin ninyo ito ng pangalawang ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangalawang ulit, pagkatapos sinabi niya, “Gawin ninyo ito sa pangatlong ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangatlong ulit.
35 De tal manera que las aguas corrían alrededor del altar; y también había llenado de agua la zanja.
Ang tubig ay umagos sa palibot ng altar at napuno ang kanal.
36 Y cuando llegó la hora de ofrecerse el holocausto de la tarde, se acercó el profeta Elías, y dijo: SEÑOR Dios de Abraham, de Isaac, y de Israel, sea hoy manifiesto que tú eres Dios en Israel, y que yo soy tu siervo, y que por mandato tuyo he hecho todas estas cosas.
Ito ang naganap sa oras ng pag-aalay ng pang gabing handog, si Elias na propeta ay lumapit at sinabi, “Yahweh, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel, hayaang malaman sa araw na ito na ikaw ang Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginagawa ang lahat ng bagay sa iyong salita.
37 Respóndeme, SEÑOR, respóndeme; para que conozca este pueblo que tú, oh SEÑOR, eres el Dios, y que tú convertirás de nuevo el corazón de ellos a ti.
Pakinggan mo ako, O Yahweh, pakinggan mo ako, para malaman ng mga tao na ikaw, Yahweh, ay Diyos, at iyong ibabalik muli ang kanilang puso sa iyong sarili.”
38 Entonces cayó fuego del SEÑOR, el cual consumió el holocausto, y la leña, y las piedras, y el polvo, y aun lamió las aguas que estaban en la zanja.
Pagkatapos kaagad ang apoy ni Yahweh ay bumaba, at tinupok ang handog na susunugin, maging ang kahoy, ang mga bato, at ang lupa, at tinuyo ang tubig na nasa kanal.
39 Y viéndolo, todo el pueblo, cayeron sobre sus rostros, y dijeron: ¡El SEÑOR es el Dios! ¡El SEÑOR es el Dios!
Nang makita ng buong bayan ito, sila ay nagpatirapa sa lupa at sinabi, “Si Yahweh, siya ay Diyos! Si Yahweh, siya Diyos!”
40 Y les dijo Elías: Prended a los profetas de Baal, que no escape ninguno. Y ellos los prendieron; y los llevó Elías al arroyo de Cisón, y allí los mató.
Kaya sinabi ni Elias sa kanila, “Dalhin ninyo ang mga propeta ni Baal. Huwag hayaang makatakas ni isa sa kanila”’ Kaya kinuha sila, at dinala ni Elias ang mga propeta ni Baal sa ibaba ng batis ng Cison at pinatay sila roon.
41 Entonces Elías dijo a Acab: Sube, come y bebe; porque una gran lluvia suena.
Sinabi ni Elias kay Ahab, “Bumangon ka, kumain at uminom, sapagkat may ingay ng malakas na ulan.
42 Y Acab subió a comer y a beber. Y Elías subió a la cumbre del Carmelo; y postrándose en tierra, puso su rostro entre las rodillas.
Kaya si Ahab ay bumangon para kumain at para uminom. Pagkatapos si Elias ay nagpunta sa tuktok ng Carmelo, siya ay yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod.
43 Y dijo a su criado: Sube ahora, y mira hacia el mar. Y él subió, y miró, y dijo: No hay nada. Y él le volvió a decir: Vuelve siete veces.
Kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, “Pumanhik ka ngayon, tumingin ka sa gawing dagat.” Ang kaniyang lingkod ay pumanhik at tumingin at sinabi, “Wala naman.” Kaya sinabi ni Elias, “Pumunta ka muli, ng pitong ulit.”
44 Y a la séptima vez dijo: He aquí una pequeña nube como la palma de la mano de un hombre, que sube del mar. Y él dijo: Ve, y di a Acab: Unce tu carro y desciende, para que la lluvia no te ataje.
Sa ikapitong ulit sinabi ng lingkod, “Tingnan mo, may isang ulap na umakyat mula sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang tao.” Sumagot si Elias, “Pumunta ka at sabihin mo kay Ahab, 'Ihanda mo ang iyong karwahe, at bumaba bago ka mapigilan ng ulan.'”
45 Y aconteció, estando en esto, que los cielos se oscurecieron con nubes y viento; y hubo una gran lluvia. Y subiendo Acab, vino a Jezreel.
Di nagtagal ito ay nangyari na ang kalangitan ay nagdilim sa mga ulap at hangin, at bumuhos ng napakalakas na ulan. Sumakay si Ahab at nagpunta kay Jezreel,
46 Y la mano del SEÑOR fue sobre Elías, el cual ciñó sus lomos, y vino corriendo delante de Acab hasta llegar a Jezreel.
pero ang kamay ni Yahweh ay na kay Elias. Sinuksok niya ang kaniyang balabal sa kaniyang sinturon at naunang tumakbo kay Ahab sa pasukan ng Jezreel.

< 1 Reyes 18 >