< Números 23 >
1 Y BALAAM dijo á Balac: Edifícame aquí siete altares, y prepárame aquí siete becerros y siete carneros.
Sinabi ni Balaam kay Balak, “Gumawa ka ng pitong altar dito para sa akin at maglaan ka ng pitong toro at pitong lalaking tupa.
2 Y Balac hizo como le dijo Balaam: y ofrecieron Balac y Balaam un becerro y un carnero en cada altar.
Kaya ginawa ni Balak ayon sa hiniling ni Balaam. Pagkatapos, naghandog si Balak at Balaam ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
3 Y Balaam dijo á Balac: Ponte junto á tu holocausto, y yo iré: quizá Jehová me vendrá al encuentro, y cualquiera cosa que me mostrare, te la noticiaré. Y así se fué solo.
Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Tumayo ka malapit sa handog na susunugin at pupunta ako. Marahil darating si Yahweh upang makipagkita sa akin. Anuman ang ipapakita niya sa akin sasabihin ko sa iyo.”Kaya umalis siya patungo sa isang burol na walang mga puno.
4 Y vino Dios al encuentro de Balaam, y [éste] le dijo: Siete altares he ordenado, y en cada altar he ofrecido un becerro y un carnero.
Nakipagkita ang Diyos sa kaniya, at sinabi ni Balaam sa kaniya, “Gumawa ako ng pitong altar, at nag-alay ako ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat isa”.
5 Y Jehová puso palabra en la boca de Balaam, y díjole: Vuelve á Balac, y has de hablar así.
Naglagay ng isang mensahe si Yahweh sa bibig ni Balaam at sinabi, “Bumalik ka kay Balak at magsalita ka sa kaniya.”
6 Y volvió á él, y he aquí estaba él junto á su holocausto, él y todos los príncipes de Moab.
Kaya bumalik si Balaam kay Balak, na nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at lahat ng mga pinuno ng Moab na kasama niya.
7 Y él tomó su parábola, y dijo: De Aram me trajo Balac, rey de Moab, de los montes del oriente: ven, maldíceme á Jacob; y ven, execra á Israel.
At nagsimulang sabihin ni Balaam ang kaniyang propesiya at sinabi, “Dinala ako ni Balak mula sa Aram. Ang hari ng Moab mula sa mga bundok sa silangan. 'Halika, isumpa mo si Jacob para sa akin,' sinabi niya. 'Halika, labanan mo ang Israel.'
8 ¿Por qué maldeciré yo al que Dios no maldijo? ¿y por qué he de execrar al que Jehová no ha execrado?
Paano ko isusumpa ang mga taong hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko lalabanan ang mga hindi nilabanan ni Yahweh?
9 Porque de la cumbre de las peñas lo veré, y desde los collados lo miraré: he aquí un pueblo que habitará confiado, y no será contado entre las gentes.
Sapagkat nakikita ko siya mula sa tuktok ng mga bato; mula sa mga burol tinitingnan ko siya. Tingnan mo, may mga taong naninirahang mag-isa at hindi itinuturing ang kanilang sarili bilang isang karaniwang bansa.
10 ¿Quién contará el polvo de Jacob, o el número de la cuarta parte de Israel? Muera mi persona de la muerte de los rectos, y mi postrimería sea como la suya.
Sino ang makakapagbilang sa alikabok ni Jacob o makakapagbilang kahit na ang ikaapat lamang ng Israel? Hayaan akong akong mamatay sa kamatayan ng isang matuwid na tao, at hayaang maging katulad niya ang wakas ng aking buhay!”
11 Entonces Balac dijo á Balaam: ¿Qué me has hecho? hete tomado para que maldigas á mis enemigos, y he aquí has proferido bendiciones.
Sinabi ni Balak kay Balaam, “Anong ginawa mo sa akin? Dinala kita upang isumpa ang aking mga kalaban, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila.”
12 Y él respondió, y dijo: ¿No observaré yo lo que Jehová pusiere en mi boca para decirlo?
Sumagot si Balaam at sinabi, “Hindi ba dapat akong maging maingat na sabihin lamang kung ano ang inilagay ni Yahweh sa aking bibig?”
13 Y dijo Balac: Ruégote que vengas conmigo á otro lugar desde el cual lo veas; su extremidad solamente verás, que no lo verás todo; y desde allí me lo maldecirás.
Kaya sinabi ni Balak sa kaniya, “Pakiusap sumama ka sa akin sa isang lugar kung saan makikita mo sila. Makikita mo lamang ang pinakamalapit sa kanila, hindi silang lahat. Doon isusumpa mo sila para sa akin.”
14 Y llevólo al campo de Sophim, á la cumbre de Pisga, y edificó siete altares, y ofreció un becerro y un carnero en cada altar.
Kaya dinala niya si Balaam sa bukid ng Zopim, sa tuktok ng Bundok Pisga, at gumawa ng pito pang altar. Naghandog siya ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
15 Entonces él dijo á Balac: Ponte aquí junto á tu holocausto, y yo iré á encontrar [á Dios] allí.
Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, habang nakikipagkita ako kay Yahweh doon.”
16 Y Jehová salió al encuentro de Balaam, y puso palabra en su boca, y díjole: Vuelve á Balac, y así has de decir.
Kaya nakipagkita si Yahweh kay Balaam at inilagay ang isang mensahe sa kaniyang bibig. Sinabi niya, “Bumalik ka kay Balak at ibigay mo sa kaniya ang aking mensahe.”
17 Y vino á él, y he aquí que él estaba junto á su holocausto, y con él los príncipes de Moab: y díjole Balac: ¿Qué ha dicho Jehová?
Bumalik si Balaam sa kaniya, at masdam, nakatayo siya sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at kasama niya ang mga pinuno ng Moab. At sinabi ni Balak sa kaniya, “Ano ang sinabi ni Yahweh?”
18 Entonces él tomó su parábola, y dijo: Balac, levántate y oye; escucha mis palabras, hijo de Zippor:
Sinimulan ni Balaam ang kaniyang propesiya. Sinabi niya, “Tumayo ka, Balak, at dinggin mo. Makinig ka sa akin, ikaw na anak ni Zippor.
19 Dios no es hombre, para que mienta; ni hijo de hombre para que se arrepienta: el dijo, ¿y no hará?; habló, ¿y no lo ejecutará?
Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
20 He aquí, yo he tomado bendición: y él bendijo, y no podré revocarla.
Tingnan mo, inutusan ako upang magpala. Binigyan ako ng Diyos ng isang biyaya, at hindi ko kayang baliktarin ito.
21 No ha notado iniquidad en Jacob, ni ha visto perversidad en Israel: Jehová su Dios es con él, y júbilo de rey en él.
Wala siyang nakikitang paghihirap kay Jacob o kaguluhan sa Israel. Kasama nila si Yahweh na kanilang Diyos, at sumisigaw sapagkat kasama nila ang kanilang hari.
22 Dios los ha sacado de Egipto; tiene fuerzas como de unicornio.
Inilabas sila ng Diyos mula sa Ihipto nang may lakas katulad ng isang mabangis na kapong baka.
23 Porque en Jacob no hay agüero, ni adivinación en Israel: como ahora, será dicho de Jacob y de Israel: ¡Lo que ha hecho Dios!
Walang kulam ang tatalab laban kay Jacob, at walang panghuhula ang makakapinsala sa Israel. Sa halip, dapat itong sabihin tungkol kay Jacob at kay Israel, 'Tingnan mo kung ano ang ginawa ng Diyos!'
24 He aquí el pueblo, que como león se levantará, y como león se erguirá: no se echará hasta que coma la presa, y beba la sangre de los muertos.
Tingnan mo, tumayo ang mga tao katulad ng isang babaeng leon, gaya ng isang leong lumabas at sumalakay. Hindi siya humihiga hanggang sa makain niya ang kaniyang biktima at inumin ang dugo ng kaniyang napatay.”
25 Entonces Balac dijo á Balaam: Ya que no lo maldices, ni tampoco lo bendigas.
Pagkatapos sinabi ni Balak kay Balaam, “Huwag mo silang isumpa o pagpalain.”
26 Y Balaam respondió, y dijo á Balac: ¿No te he dicho que todo lo que Jehová me dijere, aquello tengo de hacer?
Ngunit sumagot si Balaam at sinabi kay Balak, “Hindi ko ba sinabi sa iyo na dapat kong sabihin ang lahat ng sinabi ni Yahweh na sasabihin ko?”
27 Y dijo Balac á Balaam: Ruégote que vengas, te llevaré á otro lugar; por ventura parecerá bien á Dios que desde allí me lo maldigas.
Kaya sumagot si Balak kay Balaam, “Pumarito ka ngayon, dadalhin kita sa ibang lugar. Marahil makakalugod ito sa Diyos para isumpa mo sila roon para sa akin.”
28 Y Balac llevó á Balaam á la cumbre de Peor, que mira hacia Jesimón.
Kaya dinala ni Balak si Balaam sa tuktok ng Bundok Peor, na natatanawan ang ilang sa ibaba.
29 Entonces Balaam dijo á Balac: Edifícame aquí siete altares, y prepárame aquí siete becerros y siete carneros.
Sinabi ni Balaam kay Balak, “Magtayo ka para sa akin ng pitong altar dito at maghanda ng pitong toro at pitong lalaking tupa.”
30 Y Balac hizo como Balaam [le] dijo; y ofreció un becerro y un carnero en cada altar.
Kaya ginawa ni Balak ayon sa sinabi ni Balaam; nag-alay siya ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.