< Job 38 >

1 Y RESPONDIÓ Jehová á Job desde un torbellino, y dijo:
Pagkatapos tinawag ni Yahweh si Job sa malakas na bagyo at sinabi,
2 ¿Quién es ése que oscurece el consejo con palabras sin sabiduría?
“Sino itong nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
3 Ahora ciñe como varón tus lomos; yo te preguntaré, y hazme saber tú.
Talian mo ang iyong baywang gaya ng isang lalaki dahil magtatanong ako sa iyo, at kailangan mo akong sagutin.
4 ¿Dónde estabas cuando yo fundaba la tierra? házme[lo] saber, si tienes inteligencia.
Nasaan ka nang inilatag ko ang pundasyon ng mundo? Sabihin mo sa akin, kung mayroon kang labis na kaunawaan.
5 ¿Quién ordenó sus medidas, si lo sabes? ¿ó quién extendió sobre ella cordel?
Sino ang nakaaalam ng lawak nito? Sabihin mo sa akin, kung alam mo. Sino ang nag-unat ng panukat dito?
6 ¿Sobre qué están fundadas sus basas? ¿ó quién puso su piedra angular,
Saan nakalatag ang mga pundasyon nito? Sino ang naglatag ng mga panulukang-bato nito
7 Cuando las estrellas todas del alba alababan, y se regocijaban todos los hijos de Dios?
nang magkakasamang kumanta ang mga bituin sa umaga at sumigaw sa galak ang lahat ng mga anak ng Diyos?
8 ¿Quién encerró con puertas la mar, cuando se derramaba por fuera [como] saliendo de madre;
Sino ang nagsara ng dagat gamit ang pinto kapag bumubulwak ito, na parang lumabas sa sinapupunan -
9 Cuando puse yo nubes por vestidura suya, y por su faja oscuridad.
nang ginawa ko ang mga ulap bilang damit nito, at makapal na kadiliman bilang mga bigkis nito?
10 Y establecí sobre ella mi decreto, y le puse puertas y cerrojo,
Iyon ay noong nilagyan ko ng tanda ang hangganan ng dagat, at naglagay ako ng mga rehas at mga pinto,
11 Y dije: Hasta aquí vendrás, y no pasarás adelante, y ahí parará la hinchazón de tus ondas?
at nang sinabi ko dito, 'Maari kang pumunta hanggang dito, pero hanggang dito lamang; dito ko ilalagay ang hangganan ng pagmamalaki ng iyong mga alon.'
12 ¿Has tú mandado á la mañana en tus días? ¿has mostrado al alba su lugar,
Binuksan mo na ba, buhat noong nagsimula ang iyong mga araw, na magbigay ng utos na magsimula ang umaga, at idulot ang bukang-liwayway na malaman ang lugar nito sa takbo ng mundo,
13 Para que ocupe los fines de la tierra, y que sean sacudidos de ella los impíos?
para mahawakan nito ang mga dako ng mundo para yanigin ang mga masasamang tao?
14 Trasmúdase como lodo bajo de sello, y viene á estar como [con] vestidura:
Nagbago ang anyo ng mundo gaya ng luwad na nagbabago sa ilalim ng tatak; nangingibabaw ang lahat ng naroroon gaya ng mga tiklop na piraso ng damit.
15 Mas la luz de los impíos es quitada de ellos, y el brazo enaltecido es quebrantado.
Mula sa masasamang tao ang kanilang 'liwanag' ay kinuha; sinira ang nakataas nilang braso.
16 ¿Has entrado tú hasta los profundos de la mar, y has andado escudriñando el abismo?
Nakapunta ka na ba sa mga pinagmumulan ng tubig sa dagat? Nakapaglakad ka na ba sa pinakamababang bahagi ng kailaliman?
17 ¿Hante sido descubiertas las puertas de la muerte, y has visto las puertas de la sombra de muerte?
Naipakita na ba sa iyo ang tarangkahan ng kamatayan? Nakita mo na ba ang mga tarangkahan ng anino ng kamatayan?
18 ¿Has tú considerado hasta las anchuras de la tierra? Declara si sabes todo esto.
Naintindihan mo ba ang kalawakan ng mundo? Sabihin mo sa akin, kung alam mo ang lahat ng ito.
19 ¿Por dónde va el camino á la habitación de la luz, y dónde está el lugar de las tinieblas?
Nasaan ang daan patungo sa kinalalagyan ng liwanag - para sa kadiliman, saan ito nakalagay?
20 ¿Si llevarás tú [ambas cosas] á sus términos, y entenderás las sendas de su casa?
Kaya mo bang dalahin ang liwanag at kadiliman sa kanilang pinagtatrabahuhan? Kaya mo bang hanapin ang pabalik sa bahay nila?
21 ¿Sabíaslo tú porque hubieses ya nacido, ó [porque es] grande el número de tus días?
Siguradong alam mo, dahil pinanganak ka roon; ang bilang ng iyong mga araw ay napakahaba!
22 ¿Has tú entrado en los tesoros de la nieve, ó has visto los tesoros del granizo,
Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe, o nakita mo na ba ang mga imbakan ng yelo,
23 Lo cual tengo yo reservado para el tiempo de angustia, para el día de la guerra y de la batalla?
ang mga bagay na itinatago kong ito ay para sa panahon ng kaguluhan, para sa araw ng labanan at digmaan?
24 ¿Por qué camino se reparte la luz, y se esparce el viento solano sobre la tierra?
Saang daanan binabahagi ang mga kidlat o saan kinakalat ang mga hangin mula sa silangan para sa buong mundo?
25 ¿Quién repartió conducto al turbión, y camino á los relámpagos y truenos,
Sino ang gumawa ng mga agusan ng mga pagbaha ng ulan, o sino ang gumawa ng mga daanan ng mga dagundong ng kulog,
26 Haciendo llover sobre la tierra deshabitada, sobre el desierto, donde no hay hombre,
para idulot ito na umulan sa mga lupain kung saan walang tao ang nabubuhay, at sa ilang, kung saan walang ni isang tao,
27 Para hartar la [tierra] desierta é inculta, y para hacer brotar la tierna hierba?
para matugunan ang mga pangangailangan ng baog at malungkot na mga rehiyon, at para pasibulin ang sariwang damo?
28 ¿Tiene la lluvia padre? ¿ó quién engendró las gotas del rocío?
May ama ba ang ulan? Sino ang nagbunga ng mga patak ng hamog?
29 ¿De qué vientre salió el hielo? y la escarcha del cielo, ¿quién la engendró?
Kaninong sinapupunan galing ang yelo? Sino ang nagsilang ng puting hamog ng yelo mula sa himpapawid?
30 Las aguas se endurecen á manera de piedra, y congélase la haz del abismo.
Tinago ng mga tubig ang kanilang mga sarili at naging gaya ng bato; tumigas ang ibabaw ng kailaliman.
31 ¿Podrás tú impedir las delicias de las Pléyades, ó desatarás las ligaduras del Orión?
Kaya mo bang ikandado ang mga kadena sa Pleyades, o kalagan ang mga tali ng Orion?
32 ¿Sacarás tú á su tiempo los signos de los cielos, ó guiarás el Arcturo con sus hijos?
Kaya mo bang patnubayan ang mga bituin para lumitaw sa kanilang nararapat na mga panahon? Kaya mo bang patnubayan ang Oso sa kaniyang mga anak?
33 ¿Supiste tú las ordenanzas de los cielos? ¿dispondrás tú de su potestad en la tierra?
Alam mo ba ang mga batas sa himpapawid? Kaya mo bang ipatupad ang batas ng himpapawid sa mundo?
34 ¿Alzarás tú á las nubes tu voz, para que te cubra muchedumbre de aguas?
Kaya mo bang sumigaw sa mga ulap, para masaganang bumuhos ang ulan sa iyo?
35 ¿Enviarás tú los relámpagos, para que ellos vayan? ¿y diránte ellos: Henos aquí?
Kaya mo bang ipadala ang mga kidlat para makalabas sila, na sasabihin nila sa iyo, 'Narito na kami'?
36 ¿Quién puso la sabiduría en el interior? ¿ó quién dió al entendimiento la inteligencia?
Sino ang naglagay ng karunungan sa mga ulap o nagbigay ng pang-unawa sa mga ambon?
37 ¿Quién puso por cuenta los cielos con sabiduría? y los odres de los cielos, ¿quién los hace parar,
Sino ang makabibilang ng mga ulap sa pamamagitan ng kaniyang kahusayan? Sino ang kayang magbuhos ng tubig sa himpapawid
38 Cuando el polvo se ha convertido en dureza, y los terrones se han pegado unos con otros?
kapag nagsama-sama ang maraming alikabok at nagkumpulan nang magkakasama ang tipak ng lupa?
39 ¿CAZARÁS tú la presa para el león? ¿y saciarás el hambre de los leoncillos,
Kaya mo bang maghanap ng biktima para sa babaeng leon o pawiin ang gutom ng mga batang leon
40 Cuando están echados en las cuevas, ó se están en sus guaridas para acechar?
kapag yumuyukyok sila sa kanilang mga lungga at nakahigang naghihintay sa kanilang taguan?
41 ¿Quién preparó al cuervo su alimento, cuando sus pollos claman á Dios, bullendo de un lado á otro por carecer de comida?
Sino ang nagbibigay ng biktima sa mga uwak kapag umiiyak ang mga batang uwak sa Diyos at sumusuray dahil sa kakulangan ng pagkain?

< Job 38 >