< Oseas 14 >

1 CONVIÉRTETE, oh Israel, á Jehová tu Dios: porque por tu pecado has caído.
Manumbalik ka Israel, kay Yahweh na inyong Diyos, sapagkat ikaw ay bumagsak dahil sa iyong kasamaan.
2 Tomad con vosotros palabras, y convertíos á Jehová, y decidle: Quita toda iniquidad, y acepta el bien, y daremos becerros de nuestros labios.
Magpahayag kayo ng mga salita ng pagsisisi at manumbalik kay Yahweh. Sabihin ninyo sa kaniya, “Tanggalin mo ang lahat ng aming mga kasamaan at tanggapin mo kami sa pamamagitan ng iyong habag, upang makapaghandog kami sa iyo ng aming papuri, ang bunga ng aming mga labi.
3 No nos librará Assur; no subiremos sobre caballos, ni nunca más diremos á la obra de nuestras manos: Dioses nuestros: porque en ti el huérfano alcanzará misericordia.
Hindi kami ililigtas ng Asiria; hindi kami sasakay sa mga kabayo sa digmaan. Ni magsasabi ng anupaman sa gawa ng aming mga kamay, 'Kayo ang aming mga diyos,' sapagkat sa iyo nakatagpo ng habag ang mga taong ulila.”
4 Yo medicinaré su rebelión, amarélos de voluntad: porque mi furor se apartó de ellos.
Pagagalingin ko sila kapag manumbalik sila sa akin pagkatapos nila akong iwan; Malaya ko silang mamahalin, sapagkat nawala na ang galit ko sa kanila.
5 Yo seré á Israel como rocío; él florecerá como lirio, y extenderá sus raíces como el Líbano.
Magiging tulad ako ng hamog sa Israel; mamumulaklak siya tulad ng liryo at magkaka-ugat na tulad sa isang sedar sa Lebanon.
6 Extenderse han sus ramos, y será su gloria como la de la oliva, y olerá como el Líbano.
Lumatag ang kaniyang mga sanga; magiging tulad sa mga puno ng olibo ang kaniyang kagandahan, at ang kaniyang halimuyak na tulad ng mga sedar sa Lebanon.
7 Volverán, y se sentarán bajo de su sombra: serán vivificados [como] trigo, y florecerán como la vid: su olor, como de vino del Líbano.
Babalik ang mga taong naninirahan sa kaniyang lilim; sila ay muling mabubuhay tulad ng butil at mamumulaklak tulad ng mga puno ng mga ubas. Tulad ng alak ng Lebanon ang kaniyang katanyagan.
8 Ephraim [dirá]: ¿Qué más tendré ya con los ídolos? Yo lo oiré, y miraré; yo [seré á él] como la haya verde: de mí será hallado tu fruto.
Sasabihin ni Efraim, 'Ano pa ang aking gagawin sa mga diyus-diyosan? Tutugon ako sa kaniya at pangangalagaan ko siya. Tulad ako ng isang sipres na ang mga dahon ay laging luntian; nanggagaling sa akin ang iyong bunga.
9 ¿Quién es sabio para que entienda esto, y prudente para que lo sepa? Porque los caminos de Jehová son derechos, y los justos andarán por ellos: mas los rebeldes en ellos caerán.
Sino ang matalino upang maunawaan niya ang mga bagay na ito? Sino ang nakakaunawa sa mga bagay na ito upang kaniyang makilala ang mga ito? Sapagkat ang mga daan ni Yahweh ay matuwid, at ang matuwid ay lalakad sa mga ito, ngunit ang mga sumusuway ay madadapa sa mga ito.

< Oseas 14 >