< Éxodo 12 >
1 Y HABLÓ Jehová á Moisés y á Aarón en la tierra de Egipto, diciendo:
Nakipag-usap si Yahweh kina Moises at Aaron sa lupain ng Ehipto. Sinabi niya,
2 Este mes os será principio de los meses; será este para vosotros el primero en los meses del año.
“Para sa inyo, ang buwan na ito ay magiging simula ng mga buwan, ang unang buwan ng taon sa inyo.
3 Hablad á toda la congregación de Israel, diciendo: En el diez de aqueste mes tómese cada uno un cordero por las familias de los padres, un cordero por familia:
Sabihan ang kapulungan ng Israel, 'Sa ikasampung araw ng buwan na ito dapat kumuha ang bawat isa ng isang tupa o batang kambing para sa kanilang mga sarili, gagawin ito ng bawat pamilya, isang tupa para sa bawat sambahayan.
4 Mas si la familia fuere pequeña que no baste á comer el cordero, entonces tomará á su vecino inmediato á su casa, [y] según el número de las personas, cada uno conforme á su comer, echaréis la cuenta sobre el cordero.
Kung ang sambahayan ay napakaliit para sa isang tupa, ang tao at sa kaniyang kapitbahay ay kukuha ng tupa o karne ng batang kambing na sapat para sa bilang ng tao. Dapat ito ay sapat para sa bawat isa na kakain, kaya kailangan nilang kumuha ng sapat na karne para ipakain sa kanilang lahat.
5 El cordero será sin defecto, macho de un año: tomaréislo de las ovejas ó de las cabras:
Ang inyong tupa o batang kambing ay dapat walang kapintasan, isang taong gulang na lalaki. Maaari ninyong kunin ang isa sa tupa o mga kambing.
6 Y habéis de guardarlo hasta el día catorce de este mes; y lo inmolará toda la congregación del pueblo de Israel entre las dos tardes.
Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
7 Y tomarán de la sangre, y pondrán en los dos postes y en el dintel de las casas en que lo han de comer.
Kailangan ninyong kumuha ng ilang dugo at ipahid sa dalawang magkabilang poste ng pintuan at sa itaas ng balangkas ng pintuan ng mga bahay na kung saan kakainin ninyo ang karne.
8 Y aquella noche comerán la carne asada al fuego, y panes sin levadura: con hierbas amargas lo comerán.
Dapat ninyong kainin ang karne sa gabing iyon, pagkatapos na ihawin ito sa apoy. Kainin ninyo ito ng may tinapay na walang lebadura, kasama ang mga mapapait na damong-gamot.
9 Ninguna cosa comeréis de él cruda, ni cocida en agua, sino asada al fuego; su cabeza con sus pies y sus intestinos.
Huwag ninyong kainin itong hilaw o pinakuluan sa tubig. Sa halip, ihawin ninyo ito sa apoy kasama ang ulo, mga binti at ng lamang-loob.
10 Ninguna cosa dejaréis de él hasta la mañana; y lo que habrá quedado hasta la mañana, habéis de quemarlo en el fuego.
Huwag ninyong hayaan na may matira nito hanggang umaga. Dapat ninyong sunugin ito anuman ang natira sa umaga.
11 Y así habéis de comerlo: ceñidos vuestros lomos, vuestros zapatos en vuestros pies, y vuestro bordón en vuestra mano; y lo comeréis apresuradamente: es la Pascua de Jehová.
Ganito dapat kung paano ninyo ito kakainin: Suot ang inyong sinturon sa inyong baywang, ang inyong mga sapatos sa inyong paa, at inyong tungkod sa kamay. Kailangan ninyong kainin ito ng mabilisan. Ito ang Paskua ni Yahweh.
12 Pues yo pasaré aquella noche por la tierra de Egipto, y heriré á todo primogénito en la tierra de Egipto, así en los hombres como en las bestias: y haré juicios en todos los dioses de Egipto. Yo JEHOVÁ.
Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
13 Y la sangre os será por señal en las casas donde vosotros estéis; y veré la sangre, y pasaré de vosotros, y no habrá en vosotros plaga de mortandad, cuando heriré la tierra de Egipto.
Ang dugo ay magiging isang palatandaan sa inyong mga tahanan para sa pagdating ko sa inyo. Kapag nakita ko ang dugo, lalagpasan ko lang kayo kapag sinalakay ko ang lupain ng Ehipto. Ang salot na ito ay hindi dadapo sa inyo at wawasak sa inyo.
14 Y este día os ha de ser en memoria, y habéis de celebrarlo como solemne á Jehová durante vuestras generaciones: por estatuto perpetuo lo celebraréis.
Ang araw na ito ay magiging araw ng pag-alaala para sa inyo, kung saan dapat ninyong sundin bilang isang pista para kay Yahweh. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo, sa lahat ng inyong mga salinlahi, na dapat ninyong sundin ngayong araw.
15 Siete días comeréis panes sin levadura; y así el primer día haréis que no haya levadura en vuestras casas: porque cualquiera que comiere leudado desde el primer día hasta el séptimo, aquella alma será cortada de Israel.
Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
16 El primer día habrá santa convocación, y asimismo en el séptimo día tendréis una santa convocación: ninguna obra se hará en ellos, excepto solamente que aderecéis lo que cada cual hubiere de comer.
Sa unang araw magkakaroon ng isang pagpupulong para ilaan sa akin, at sa ika-pitong araw magkakaroon ng ibang ganoong pagtitipon. Walang trabahong gagawin sa mga araw na ito, maliban sa pagluluto para sa makakain ng lahat. Iyon lang dapat ang trabaho na maaari ninyong gawin.
17 Y guardaréis la [fiesta de] los ázimos, porque en aqueste mismo día saqué vuestros ejércitos de la tierra de Egipto: por tanto guardaréis este día en vuestras generaciones por costumbre perpetua.
Dapat ninyong pagmasdan ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura dahil sa araw na ito dadalhin ko ang inyong bayan, armadong grupo sa armadong grupo, palabas sa lupain ng Ehipto. Kaya dapat ninyong sundin ang araw na ito sa lahat ng salinlahi ng inyong bayan. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo.
18 En el [mes] primero, el día catorce del mes por la tarde, comeréis los panes sin levadura, hasta el veintiuno del mes por la tarde.
Dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura mula sa takipsilim ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan ng taon, hanggang sa takipsilim ng ikadalawampu't isang araw ng buwan.
19 Por siete días no se hallará levadura en vuestras casas, porque cualquiera que comiere leudado, así extranjero como natural del país, aquella alma será cortada de la congregación de Israel.
Sa loob ng pitong araw na ito, dapat walang lebadura ang makikita sa loob ng inyong mga tahanan. Kung sinuman ang kakain ng tinapay na may lebadura ay dapat itiwalag sa komunidad ng Israel, kahit na ang taong iyon ay isang dayuhan o isang taong ipinanganak sa inyong lupain.
20 Ninguna cosa leudada comeréis; en todas vuestras habitaciones comeréis panes sin levadura.
Dapat kayong kumain ng walang lebadura. Saanman kayo manirahan, dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura.'”
21 Y Moisés convocó á todos los ancianos de Israel, y díjoles: Sacad, y tomaos corderos por vuestras familias, y sacrificad la pascua.
Pagkatapos ipinatawag lahat ni Moises ang mga matatanda sa Israel at sinabi sa kanila, “Lumakad kayo at pumili ng mga tupa o mga maliliit na kambing na sapat para maipakain sa inyong mga pamilya at papatayin ang Paskuang tupa.
22 Y tomad un manojo de hisopo, y mojadle en la sangre que estará en una jofaina, y untad el dintel y los dos postes con la sangre que estará en la jofaina; y ninguno de vosotros salga de las puertas de su casa hasta la mañana.
Pagkatapos kumuha ng isang bigkis ng hisopo at isawsaw sa dugo na nasa isang palanggana. Ipahid ang dugo na nasa palanggana sa itaas ng balangkas ng pinto sa dalawang magkabilang poste. Wala sa inyo ni isa ang lalabas ng pintuan ng kaniyang tahanan hanggang sa umaga.
23 Porque Jehová pasará hiriendo á los Egipcios; y como verá la sangre en el dintel y en los dos postes, pasará Jehová aquella puerta, y no dejará entrar al heridor en vuestras casas para herir.
Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
24 Y guardaréis esto por estatuto para vosotros y para vuestros hijos para siempre.
Dapat ninyong ipagdiwang ang pangyayaring ito. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan.
25 Y será, cuando habréis entrado en la tierra que Jehová os dará, como tiene hablado, que guardaréis este rito.
Kung kayo ay papasok sa lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo, tulad ng ipinangako niyang gagawin, dapat ninyong sundin ang pagsambang gawain na ito.
26 Y cuando os dijeren vuestros hijos: ¿Qué rito es este vuestro?
Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?'
27 Vosotros responderéis: Es la víctima de la Pascua de Jehová, el cual pasó las casas de los hijos de Israel en Egipto, cuando hirió á los Egipcios, y libró nuestras casas. Entonces el pueblo se inclinó y adoró.
At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
28 Y los hijos de Israel se fueron, é hicieron puntualmente así; como Jehová había mandado á Moisés y á Aarón.
Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
29 Y aconteció que á la medianoche Jehová hirió á todo primogénito en la tierra de Egipto, desde el primogénito de Faraón que se sentaba sobre su trono, hasta el primogénito del cautivo que estaba en la cárcel, y todo primogénito de los animales.
Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
30 Y levantóse aquella noche Faraón, él y todos sus siervos, y todos los Egipcios; y había un gran clamor en Egipto, porque no había casa donde no hubiese muerto.
Nagising si Paraon sa gabing iyon—siya, at ang lahat ng kaniyang alipin, at lahat ng mga taga-Ehipto. Nagkaroon ng malakas na pagdadalamhati sa Ehipto, dahil wala ni isang tahanan ang naroroon ang walang namatay.
31 E hizo llamar á Moisés y á Aarón de noche, y díjoles: Salid de en medio de mi pueblo vosotros, y los hijos de Israel; é id, servid á Jehová, como habéis dicho.
Pinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron sa gabing iyon at sinabing, “Tumayo kayo at lumayas mula sa bayan ko, kayo at ang mga Israelita. Umalis na kayo, at sumamba kay Yahweh, gaya ng sinabi ninyo na nais ninyong gawin.
32 Tomad también vuestras ovejas y vuestras vacas, como habéis dicho, é idos; y bendecidme también á mí.
Kunin na ninyo ang mga alagang hayop at mga kawan, tulad ng sinabi ninyo, at alis na, at pagpalain ninyo rin ako.”
33 Y los Egipcios apremiaban al pueblo, dándose priesa á echarlos de la tierra; porque decían: Todos somos muertos.
Ang mga taga-Ehipto ay nasa isang matinding pagmamadali para ipadala sila palabas ng lupain, dahil sinabi nila, “Lahat tayo ay taong patay na.”
34 Y llevó el pueblo su masa antes que se leudase, sus masas envueltas en sus sábanas sobre sus hombros.
Kaya kinuha ng mga tao ang kanilang masa na walang idinagdag na lebadura. Ang kanilang pinagmamasahang mangkok ay binalot nila sa kanilang mga damit na nakalagay sa kanilang mga balikat.
35 E hicieron los hijos de Israel conforme al mandamiento de Moisés, demandando á los Egipcios vasos de plata, y vasos de oro, y vestidos.
Ginawa ngayon ng bayang Israelita ang ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. Humingi sila sa mga taga-Ehipto ng mga hiyas na pilak, ginto at damit.
36 Y Jehová dió gracia al pueblo delante de los Egipcios, y prestáronles; y ellos despojaron á los Egipcios.
Ginawang sabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Kaya binigay ng mga taga-Ehipto ang anumang hingin nila. Sa ganitong paraan, nakuha ng mga Israelita ang yaman ng mga taga-Ehipto.
37 Y partieron los hijos de Israel de Rameses á Succoth, como seiscientos mil hombres de á pie, sin [contar] los niños.
Naglakbay ang mga Israelita mula sa Rameses hanggang Sucot. Ang kanilang bilang ay 600, 000 na mga lalaki, dagdag pa rito ang mga babae at mga bata.
38 Y también subió con ellos grande multitud de diversa suerte de gentes; y ovejas, y ganados muy muchos.
Isang halu-halong pangkat ng hindi Israelita ay sumama rin sa kanila, kasama ang kanilang mga alagang hayop at mga kawan, isang malaking bilang ng mga baka.
39 Y cocieron tortas sin levadura de la masa que habían sacado de Egipto; porque no había leudado, por cuanto echándolos los Egipcios, no habían podido detenerse, ni aun prepararse comida.
Naghurno sila ng tinapay na walang lebadura sa ilalim ng masa na dinala nila mula sa Ehipto. Ito ay walang lebadura dahil sila ay pinalayas sa Ehipto at hindi maaaring ipagpaliban ang paghahanda ng pagkain.
40 El tiempo que los hijos de Israel habitaron en Egipto, fué cuatrocientos treinta años.
Ang mga Israelita ay nanirahan sa Ehipto sa loob ng 430 na taon.
41 Y pasados cuatrocientos treinta años, en el mismo día salieron todos los ejércitos de Jehová de la tierra de Egipto.
Matapos ang 430 na taon, sa araw ding iyon, lahat ng mga armadong grupo ni Yahweh ay umalis palabas mula sa lupain ng Ehipto.
42 Es noche de guardar á Jehová, por haberlos sacado [en ella] de la tierra de Egipto. Esta noche [deben] guardar á Jehová todos los hijos de Israel en sus generaciones.
Ito ay isang gabing dapat manatiling gising, para ilabas sila ni Yahweh mula sa lupain ng Ehipto. Ito ay gabi ni Yahweh na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga Israelita sa lahat ng salinlahi ng kanilang bayan.
43 Y Jehová dijo á Moisés y á Aarón: Esta es la ordenanza de la Pascua: Ningún extraño comerá de ella:
Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ito ang mga alituntunin para sa Paskua: walang dayuhan ang maaaring makibahagi sa pagkain na ito.
44 Mas todo siervo humano comprado por dinero, comerá de ella después que lo hubieres circuncidado.
Kahit na, ang bawat alipin ng mga Israelita, na binili ng pera, ay maaaring makakain nito matapos ninyo silang tuliin.
45 El extranjero y el asalariado no comerán de ella.
Hindi makakain ang mga dayuhan at upahang lingkod ng alinmang pagkain.
46 En una casa se comerá, y no llevarás de aquella carne fuera de casa, ni quebraréis hueso suyo.
Dapat kainin ang pagkain sa isang bahay. Huwag kayong magdadala ng anumang karne sa labas ng inyong bahay, at hindi ninyo dapat baliin ang kahit anumang buto nito.
47 Toda la congregación de Israel le sacrificará.
Dapat obsebahan ng lahat ng mga komunidad ng Israel ang pagdiriwang.
48 Mas si algún extranjero peregrinare contigo, y quisiere hacer la pascua á Jehová, séale circuncidado todo varón, y entonces se llegará á hacerla, y será como el natural de la tierra; pero ningún incircunciso comerá de ella.
Kapag maninirahan ang isang dayuhan sa inyo at gustong obserbahan ang Paskua para kay Yahweh, lahat ng kaniyang lalaking kamag-anak ay dapat tuliin. Pagkatapos siya ay maaaring dumating at sundin ito. Siya ay magiging katulad ng mga taong ipinanganak sa lupain. Ganun pa man, walang sinumang taong hindi tuli ang makakakain ng anumang pagkain.
49 La misma ley será para el natural y para el extranjero que peregrinare entre vosotros.
Parehong batas ang siyang gagamitin sa kapwa katutubo o dayuhan na naninirahan kasama ninyong lahat.”
50 Así lo hicieron todos los hijos de Israel; como mandó Jehová á Moisés y á Aarón, así lo hicieron.
Kaya sinunod ng lahat ng mga Israelita nang lubusan ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
51 Y en aquel mismo día sacó Jehová á los hijos de Israel de la tierra de Egipto por sus escuadrones.
Dumating ang araw na iyon na dinala ni Yahweh ang Israel palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng kanilang mga armadong grupo.