< Deuteronomio 26 >

1 Y SERÁ que, cuando hubieres entrado en la tierra que Jehová tu Dios te da por heredad, y la poseyeres, y habitares en ella;
Kapag dumating kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos bilang pamana, at naangkin na ninyo iyon at nanirahan doon,
2 Entonces tomarás de las primicias de todos los frutos de la tierra, que sacares de tu tierra que Jehová tu Dios te da, y lo pondrás en un canastillo, é irás al lugar que Jehová tu Dios escogiere para hacer habitar allí su nombre.
sa gayon dapat ninyong kunin ang ilan sa lahat ng mga naunang ani sa lupain na dinala ninyo mula sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat ninyong ilagay iyon sa basket at pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na kaniyang santuwaryo.
3 Y llegarás al sacerdote que fuere en aquellos días, y le dirás: Reconozco hoy á Jehová tu Dios que he entrado en la tierra que juró Jehová á nuestros padres que nos había de dar.
Dapat kayong pumunta sa pari na naglilingkod sa mga araw na iyon at sabihin sa kaniya, 'Kinikilala ko ngayon si Yahweh na iyong Diyos kaya pumarito ako sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa ating mga ninuno na ibibigay sa atin.'
4 Y el sacerdote tomará el canastillo de tu mano, y pondrálo delante del altar de Jehová tu Dios.
Kukunin ng pari ang basket mula sa inyong kamay at ilalagay ito sa harapan ng altar ni Yahweh na inyong Diyos.
5 Entonces hablarás y dirás delante de Jehová tu Dios: Un Siro á punto de perecer fué mi padre, el cual descendió á Egipto y peregrinó allá con pocos hombres, y allí creció en gente grande, fuerte y numerosa:
Dapat ninyong sabihin sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, 'Ang aking ninuno ay isang pagala-galang Arameo. Bumaba siya sa Ehipto at nanatili roon, at ang kaniyang lahi ay kakaunti ang bilang. Doon siya ay naging dakila, malakas at mataong bansa.
6 Y los Egipcios nos maltrataron, y nos afligieron, y pusieron sobre nosotros dura servidumbre.
Ang mga taga-Ehipto ay pinakitunguhan kami ng masama at pinahirapan kami. Pinagawa nila sa amin ang gawain ng mga alipin.
7 Y clamamos á Jehová Dios de nuestros padres; y oyó Jehová nuestra voz, y vió nuestra aflicción, y nuestro trabajo, y nuestra opresión:
Humingi kami ng tulong kay Yahweh, ang Diyos ng aming mga ama, at narinig niya ang aming boses at nakita ang aming paghihirap, ang aming trabaho, at ang aming pagtitiis sa hirap.
8 Y sacónos Jehová de Egipto con mano fuerte, y con brazo extendido, y con grande espanto, y con señales y con milagros:
Inilabas kami ni Yahweh mula sa Ehipto na may makapangyarihang kamay, nang pagpapakita ng kaniyang kapangyarihan, na labis na nakakatakot, na may mga tanda, at mga kamangha-manghang bagay;
9 Y trájonos á este lugar, y diónos esta tierra, tierra que fluye leche y miel.
at dinala kami sa lugar na ito at ibinigay sa amin ang lupaing ito, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
10 Y ahora, he aquí, he traído las primicias del fruto de la tierra que me diste, oh Jehová. Y lo dejarás delante de Jehová tu Dios, é inclinarte has delante de Jehová tu Dios.
Ngayon tingnan, dinala ko ang unang ani ng lupain sa iyo Yahweh, na nagbigay sa akin.' Dapat ninyong ilagay ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at siya'y sambahin sa kaniyang harapan;
11 Y te alegrarás con todo el bien que Jehová tu Dios te hubiere dado [á ti] y á tu casa, tú y el Levita, y el extranjero que está en medio de ti.
at dapat kayong magsaya sa lahat ng mabuting ginawa ni Yahwen na inyong Diyos para sa inyo, para sa inyong tahanan—kayo, at ang Levita, at ang dayuhang kasama ninyo.
12 Cuando hubieres acabado de diezmar todo el diezmo de tus frutos en el año tercero, el año del diezmo, darás también al Levita, al extranjero, al huérfano y á la viuda; y comerán en tus villas, y se saciarán.
Kapag natapos kayo sa pagbibigay ng lahat ng ikapu ng inyong ani sa ikatlong taon, iyon ay, ang taon ng pag-iikapu, kung gayon dapat ninyong ibigay ito sa Levita, sa dayuhan, sa ulila, at sa balo, para makakain sila sa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod at mabusog.
13 Y dirás delante de Jehová tu Dios: Yo he sacado lo consagrado de mi casa, y también lo he dado al Levita, y al extranjero, y al huérfano, y á la viuda, conforme á todos tus mandamientos que me ordenaste: no he traspasado tus mandamientos, ni me he olvidado de ellos:
Dapat ninyong sabihin sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, 'Inilabas ko mula sa aking tahanan ang mga bagay na nabibilang kay Yahweh, at ibinigay ang mga iyon sa Levita, sa dayuhan, sa ulila, at sa balo, ayon sa lahat ng mga utos na ibinigay mo sa akin. Hindi ako sumuway sa anuman sa iyong mga utos, ni kalimutan ang mga ito.
14 No he comido de ello en mi luto, ni he sacado de ello en inmundicia, ni de ello he dado para mortuorio: he obedecido á la voz de Jehová mi Dios, he hecho conforme á todo lo que me has mandado.
Hindi ko kinain ang anuman sa mga ito sa aking pagluluksa, ni inilagay ito sa ibang lugar nang ako ay marumi, hindi ko ibinigay ang anuman nito sa karangalan ng patay. Nakinig ako sa boses ni Yahweh na aking Diyos; sinunod ko lahat ng bagay na inutos mong gawin ko.
15 Mira desde la morada de tu santidad, desde el cielo, y bendice á tu pueblo Israel, y á la tierra que nos has dado, como juraste á nuestros padres, tierra que fluye leche y miel.
Tumingin pababa mula sa banal na lugar kung saan ka nakatira, mula sa langit, at pagpalain ang iyong bayang Israel, at ang lupaing ibinigay mo sa amin, tulad ng ipinangako mo sa aming mga ama, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.'
16 Jehová tu Dios te manda hoy que cumplas estos estatutos y derechos; cuida, pues, de ponerlos por obra con todo tu corazón, y con toda tu alma.
Sa araw na ito si Yahweh na inyong Diyos ay inuutusan kayong sundin ang mga batas at panuntunang ito; sa gayon panatilihin ninyo ang mga ito at gawin ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa.
17 A Jehová has ensalzado hoy para que te sea por Dios, y para andar en sus caminos, y para guardar sus estatutos y sus mandamientos y sus derechos, y para oir su voz:
Kinilala ninyo ngayon na si Yahweh ay inyong Diyos, at lalakad kayo sa kaniyang mga kaparaanan at susundin ang kaniyang mga batas, kaniyang mga utos, at kaniyang mga panuntunan, at makikinig kayo sa kaniyang boses.
18 Y Jehová te ha ensalzado hoy para que le seas su peculiar pueblo, como él te lo ha dicho, y para que guardes todos sus mandamientos;
At sa araw na ito kayo ay kinilala ni Yahweh na mga taong kaniyang pag-aari, tulad ng pinangako niyang gawin sa inyo, at ndapat ninyong sundin ang lahat ng kaniyang mga utos.
19 Y para ponerte alto sobre todas las gentes que hizo, para loor, y fama, y gloria; y para que seas pueblo santo á Jehová tu Dios, como él ha dicho.
Si Yahweh ay kinilala ngayon na ilalagay niya kayo ng mataas sa ibabaw ng lahat ng ibang mga bansang ginawa niya, sa respeto para papurihan, para sa pagkakilala, at para prangalan. Kayo ay magiging mga taong ibinukod para kay Yahweh na inyong Diyos, gaya ng sinabi niya.”

< Deuteronomio 26 >