< 1 Crónicas 13 >
1 ENTONCES David tomó consejo con los capitanes de millares y de cientos, y con todos los jefes.
Sumangguni si David sa mga pinuno ng libu-libo at daan-daan, sa bawat pinuno.
2 Y dijo David á todo el congreso de Israel: Si os parece bien y de Jehová nuestro Dios, enviaremos á todas partes [á llamar] nuestros hermanos que han quedado en todas las tierras de Israel, y á los sacerdotes y Levitas [que están] con ellos en sus ciudades y ejidos que se junten con nosotros;
Sinabi ni David sa buong kapulungan ng Israel, 'Kung ito ang mabuti para sa inyo at kung ito ay nagmula kay Yahweh na ating Diyos, magpadala tayo ng mga mensahero sa lahat ng lugar kung saan naroon ang ating mga kapatiran na nananatili sa lahat ng mga rehiyon ng Israel at sa mga pari at mga Levita na nasa kanilang mga lungsod. Sabihan sila na sumama sila sa atin.
3 Y traigamos el arca de nuestro Dios á nosotros, porque desde el tiempo de Saúl no hemos hecho caso de ella.
Ibalik natin ang kaban ng tipan sa atin, sapagkat hindi natin sinangguni ang kaniyang kalooban sa panahon ng paghahari ni Saul.”
4 Y dijo todo el congreso que se hiciese así, porque la cosa parecía bien á todo el pueblo.
Sumang-ayon ang buong kapulungan na gawin ang mga bagay na ito, dahil tila tama ito sa paningin ng lahat ng mga tao.
5 Entonces juntó David á todo Israel, desde Sihor de Egipto hasta entrar en Hamath, para que trajesen el arca de Dios de Chîriath-jearim.
Kaya, tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa ilog ng Sihor sa Egipto hanggang Lebo Hamat, upang kunin ang kaban ng Diyos mula sa Kiriath Jearim.
6 Y subió David con todo Israel á Baala de Chîriath-jearim, que es en Judá, para pasar de allí el arca de Jehová Dios que habita entre los querubines, sobre la cual su nombre es invocado.
Si David at ang lahat ng Israel ay umakyat sa Baala, iyan ay ang, Kiriath Jearim, na sakop ng Juda, upang kunin doon ang kaban ng Diyos, na ang tawag ay Yahweh, na nakaupo sa trono sa ibabaw ng kerubim.
7 Y lleváronse el arca de Dios de la casa de Abinadab en un carro nuevo; y Uzza y su hermano guiaban el carro.
Kaya inilagay nila ang kaban ng Diyos sa bagong kariton. Inilabas nila ito mula sa bahay ni Abinadab. Sina Uza at Ahio ang umaalalay sa kariton.
8 Y David y todo Israel hacían alegrías delante de Dios con todas sus fuerzas, con canciones, arpas, salterios, tamboriles, címbalos y trompetas.
Si David at ang lahat ng Israelita ay nagdiriwang sa harapan ng Diyos ng kanilang buong lakas. Sila ay umaawit na may mga instrumentong may kuwerdas, mga tamburin, mga pompiyang at mga trumpeta.
9 Y como llegaron á la era de Chidón, Uzza extendió su mano al arca para tenerla, porque los bueyes se desmandaban.
Nang makarating sila sa giikan sa Quidon, biglang hinawakan ni Uza ang kaban, dahil natisod ang baka.
10 Y el furor de Jehová se encendió contra Uzza, é hiriólo, porque había extendido su mano al arca: y murió allí delante de Dios.
Pagkatapos, nagalab ang galit ni Yahweh laban kay Uza at pinatay siya ni Yahweh dahil hinawakan ni Uza ang kaban. Namatay siya doon sa harap ng Diyos.
11 Y David tuvo pesar, porque Jehová había hecho rotura en Uzza; por lo que llamó aquel lugar Pérez-uzza, hasta hoy.
Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uza. Ang lugar na iyon ay tinawag na Perez Uza hanggang sa araw na ito.
12 Y David temió á Dios aquel día, y dijo: ¿Cómo he de traer á mi casa el arca de Dios?
Natakot si David sa Diyos sa araw na iyon. Sinabi niya, “Paano ko maiuuwi ang kaban ng tipan ng Diyos?”
13 Y no trajo David el arca á su casa en la ciudad de David, sino llevóla á casa de Obed-edom Getheo.
Kaya hindi inilipat ni David ang kaban ng tipan sa lungsod ni David, ngunit inilagak ito sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat.
14 Y el arca de Dios estuvo en casa de Obed-edom, en su casa, tres meses: y bendijo Jehová la casa de Obed-edom, y todas las cosas que tenía.
Ang kaban ng Diyos ay nanatili sa tahanan ni Obed-edom ng tatlong buwan. Kaya pinagpala ni Yahweh ang kaniyang tahanan at ang lahat ng kaniyang ari-arian.