< Zacarías 5 >

1 Y tornéme, y alcé mis ojos, y miré, y he aquí un volumen que volaba.
Pagkatapos, lumingon ako at tumingala ako, at nakita ko, masdan ito, nakakita ako ng isang lumilipad na binalumbong kasulatan!
2 Y díjome. ¿Qué ves? Y respondí: Veo un volumen volante de veinte codos de largo, y diez codos en ancho.
Sinabi sa akin ng anghel, “Ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Nakikita ko ang isang lumilipad na binalumbong kasulatan, dalawampung siko ang haba at sampung siko ang lawak.”
3 Y díjome: Esta es la maldición que sale sobre la haz de toda la tierra; porque todo aquel que hurta, (como está de la una parte del volumen ) será destruido; y todo aquel que jura, (como está de la otra parte del volumen ) será destruido.
Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Ito ang sumpa na darating sa ibabaw ng buong lupain, sapagkat mula ngayon, aalisin ang bawat magnanakaw batay sa sinasabi nito sa isang panig habang aalisin ang lahat ng nangako ng isang hindi totoong panata batay sa sinasabi nito sa kabilang panig, ayon sa kanilang mga salita.
4 Yo la sacaré, dijo Jehová de los ejércitos, y vendrá a la casa del ladrón, y a la casa del que jura en mi nombre falsamente; y permanecerá en medio de su casa, y consumirla ha, con sus maderas, y sus piedras.
'Ipapadala ko ito' — ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, 'kaya papasok ito sa tahanan ng magnanakaw at sa tahanan ng isang taong nangako ng hindi totoo sa pamamagitan ng aking pangalan. Mananatili ito sa kaniyang tahanan at tutupukin ang tabla at ang mga bato nito.'”
5 Y salió aquel ángel que hablaba conmigo, y díjome: Alza ahora tus ojos, y mira que es esto que sale.
Pagkatapos, lumabas ang anghel na nakikipag-usap sa akin at sinabi sa akin, “Tumingin ka sa taas at tingnan kung ano ang dumarating!”
6 Y dije: ¿Qué es? Y él dijo: Esta es la medida que sale. Y dijo: Este es el ojo que los mira en toda la tierra.
Sinabi ko, “Ano ito?” Sinabi niya, “Isang basket ito na naglalaman ng efa na paparating. Ito ang kanilang kasamaan sa buong lupain.”
7 Y he aquí que traían un talento de plomo, y una mujer estaba asentada en medio de aquella medida.
Pagkatapos, itinaas ang isang takip na tingga sa basket at may isang babae sa ilalim nito na nakaupo sa loob nito!
8 Y dijo: Esta es la maldad, y la echó dentro de la medida, y echó la piedra de plomo en su boca.
Sinabi ng anghel, “Kasamaan ito!” At itinapon niya ang babae pabalik sa loob ng basket at itinapon niya ang takip na tingga sa ibabaw nito.
9 Y alcé mis ojos, y miré, y he aquí dos mujeres que salían, y traían viento en sus alas, y tenían alas como de cigüeña; y alzaron la medida entre la tierra y los cielos.
Tumingala ako at nakita ko ang dalawang babaeng papalapit sa akin at ang hangin ay nasa kanilang mga pakpak—sapagkat may mga pakpak sila na tulad ng mga pakpak ng isang tagak. Itinaas nila ang basket sa pagitan ng lupa at langit.
10 Y dije a aquel ángel que hablaba conmigo: ¿Dónde llevan estas la medida?
Kaya sinabi ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang basket?”
11 Y él me respondió: Para que le sea edificada casa en tierra de Sennaar, y será asentada, y puesta allí sobre su asiento.
Sinabi niya sa akin, “Itatayo ang isang templo sa lupain ng Sinar para rito, upang kapag handa na ang templo, ilalagay doon ang basket sa inihandang patungan nito.”

< Zacarías 5 >