< Salmos 35 >
1 Pleitea, o! Jehová, con mis pleiteantes; pelea con mis peleadores.
Kumilos ka laban sa mga kumikilos laban sa akin O Yahweh; labanan mo ang mga lumalaban sa akin.
2 Echa mano al escudo y al pavés, y levántate en mi socorro.
Kunin mo ang iyong maliit na pananggalang at malaking pananggalang; bumangon ka at ako ay iyong tulungan.
3 Y saca la lanza, y cierra contra mis perseguidores; di a mi alma: Yo soy tu salud.
Sa mga humahabol sa akin gamitin mo ang iyong mga sibat at palakol; sa kaluluwa ko ay iyong sabihin, “Ako ang iyong kaligtasan.”
4 Y avergüéncense, y confúndanse los que buscan mi alma; vuelvan atrás, y sean avergonzados los que piensan mi mal.
Nawa ang mga naghahangad sa aking buhay ay mapahiya at masira ang puri. Nawa ang mga nagbabalak na saktan ako ay tumalikod at malito.
5 Sean como el tamo delante del viento: y el ángel de Jehová el que rempuje.
Nawa (sila) ay maging tulad ng hinanging ipa, sa pagtataboy ng anghel ni Yahweh sa kanila.
6 Sea su camino oscuridad y resbaladeros: y el ángel de Jehová el que los persiga.
Nawa ang kanilang daraanan ay maging madilim at madulas, habang tinutugis (sila) ng anghel ni Yahweh.
7 Porque sin causa escondieron para mí el hoyo de su red: sin causa hicieron hoyo a mi alma.
Nang walang dahilan, naglagay (sila) ng lambat para sa akin; nang walang dahilan nagbungkal (sila) ng hukay para sa aking buhay.
8 Véngale el quebrantamiento que no sepa: y su red que escondió, le prenda: con quebrantamiento caiga en ella.
Hayaan mo na dumating sa kanila nang hindi inaasahan ang pagkawasak. Hayaan mo na mahuli (sila) ng inilagay nilang lambat. Sa kanilang pagkawasak, hayaan mong (sila) ay bumagsak.
9 Y regocíjese mi alma en Jehová: y alégrese en su salud.
Pero magsasaya ako kay Yahweh at magagalak sa kaniyang kaligtasan.
10 Todos mis huesos dirán, Jehová, ¿quién como tú? Que escapas al afligido del más fuerte que él: y al pobre y menesteroso del que le roba.
Sa aking buong lakas sasabihin ko, “Sino ang katulad mo, Yahweh, na siyang nagliligtas sa mga api mula sa mas malakas kaysa sa kanila at ang mahihirap at nangangailangan mula sa mga nagtatangka na nakawan (sila)
11 Levantáronse testigos falsos: lo que no sabía, me demandaron.
Dumarami ang masasamang saksi; pinararatangan nila ako nang hindi totoo.
12 Volviéronme mal por bien, orfandad a mi alma.
Binayaran nila ng kasamaan ang aking kabutihan. Ako ay nagdadalamhati.
13 Y yo, cuando ellos enfermaron, me vestí de saco: afligí con ayuno a mi alma, y mi oración se revolvía en mi seno.
Pero, nang maysakit (sila) nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib.
14 Como por mi compañero, como por mi hermano andaba; como el que trae luto por su madre, enlutado me humillaba.
Nagdalamhati ako para sa aking mga kapatid; lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina.
15 Y en mi cojera se alegraron, y se juntaron: juntáronse sobre mí entristecidos, y yo no lo entendía: me despedazaban, y no cesaban;
Pero nang ako ay natisod, natuwa (sila) at nagsama-sama; nagsama-sama (sila) laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay.
16 Con los lisonjeros escarnecedores de escarnio crujiendo sobre mí sus dientes.
Walang galang nila akong hinamak; nangalit ang kanilang mga ngipin sa akin.
17 Señor, ¿hasta cuándo verás? Haz volver mi alma de sus quebrantamientos, mi única de los leones.
Panginoon hanggang kailan ka titingin? Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kanilang mga mapangwasak na pag-atake, ang buhay ko mula sa mga leon.
18 Confesarte he en grande congregación: en pueblo fuerte te alabaré.
Pagkatapos magpapasalamat ako sa iyo sa dakilang pagpupulong; pupurihin kita sa maraming tao.
19 No se alegren de mí mis enemigos sin porqué: ni los que me aborrecen sin causa, hagan del ojo.
Huwag mong hayaang magdiwang sa akin ang mapanlinlang kong mga kaaway; huwag mo silang hayaang magawa ang kanilang masasamang mga balak.
20 Porque no hablan paz: y contra los mansos de la tierra piensan palabras engañosas.
Dahil hindi (sila) nagsasalita ng kapayapaan, sa halip, nagpaplano (sila) ng mga salitang mapanlinlang laban sa naninirahan sa aming lupain na mapayapang namumuhay.
21 Y ensancharon sobre mí su boca; dijeron: Hola, hola, nuestros ojos lo han visto.
Binubuka nila ng malaki ang kanilang mga bibig laban sa akin; sabi nila, “Ha, ha, nakita namin ito.”
22 Visto has, o! Jehová, no calles: Señor, no te alejes de mí.
Nakita mo ito, Yahweh, huwag kang manahimik; huwag kang lumayo sa akin Panginoon.
23 Recuerda, y despierta para mi juicio, Dios mío, y Señor mío, para mi causa.
Bumangon ka at gumising para ipagtanggol ako; aking Diyos at Panginoon, ipagtanggol mo ang aking panig.
24 Júzgame conforme a tu justicia, Jehová, Dios mío, y no se alegren de mí.
Ipagtanggol mo ako, Yahweh aking Diyos, dahil sa iyong katuwiran; huwag mo silang hayaang magalak sa akin.
25 No digan en su corazón: Hola, nuestra alma. No digan: Deshecho le hemos.
Huwag mong hayaang sabihin nila sa kanilang puso na, “Aha, nakuha na namin ang aming nais.” Huwag mong hayaan na sabihin nila, “Nilamon namin siya.”
26 Avergüéncense, y sean confundidos a una, los que se alegran de mi mal: vístanse de vergüenza y de confusión, los que se engrandecen contra mí.
Ilagay mo (sila) sa kahihiyan at lituhin mo silang nagnanais na saktan ako. Nawa ang mga gustong humamak sa akin ay mabalot ng kahihiyan at kasiraan.
27 Canten, y alégrense los que se huelgan de mi justicia; y digan siempre: Sea ensalzado Jehová, el que ama la paz de su siervo.
Hayaan mong ang mga nagnanais ng paglaya ko ay sumigaw sa galak at matuwa; nawa patuloy nilang sabihin, “Purihin si Yahweh, siya na nasisiyahan sa kapakanan ng kaniyang lingkod.”
28 Y mi lengua hablará de tu justicia; todo el día de tu loor.
Pagkatapos nito ang katarungan mo at kapurihan ay buong araw kong ihahayag.