< Job 22 >
1 Y respondió Elifaz Temanita, y dijo:
Pagkatapos sumagot si Elifaz ang taga-Teman at sinabing,
2 ¿Traerá el hombre provecho a Dios? porque el sabio a sí mismo aprovecha.
“Magiging kagamit-gamit ba ang tao sa Diyos? Magiging kagamit-gamit ba ang matalino sa kaniya?
3 ¿Tiene su contentamiento el Omnipotente en que tú seas justificado? ¿o le viene algún provecho de que tú hagas perfectos tus caminos?
Kasiyahan ba para sa Makapangyarihan kung ikaw ay matuwid? Kapakinabangan ba para sa kaniya kung ginawa mong tuwid ang iyong pamamaraan?
4 ¿Si porque te teme, te castigará, y vendrá contigo a juicio?
Dahil ba sa iyong paggalang para sa kaniya kaya ka niya sinasaway at dinadala sa paghuhukom?
5 Por cierto tu malicia es grande: y tus maldades no tienen fin.
Hindi ba napakatindi ng kasamaan mo? Wala bang katapusan ang mga kasalanan mo?
6 Porque prendaste a tus hermanos sin causa, e hiciste desnudar las ropas de los desnudos.
Dahil naningil ka ng pangseguridad mula sa kapatid mong lalaki nang walang dahilan; hinubaran mo ang isang tao.
7 No diste de beber agua al cansado, y al hambriento detuviste el pan.
Hindi mo binigyan ng tubig na maiinom ang mga nanghihina; nagdamot ka ng tinapay mula sa mga nagugutom
8 Empero el violento tuvo la tierra, y el honrado habitó en ella.
bagaman ikaw, isang makapangyarihan, ay nagmamay-ari ng mundo, bagaman ikaw, na taong pinaparangalan, ay namumuhay dito.
9 Las viudas enviaste vacías, y los brazos de los huérfanos fueron quebrados,
Pinaalis mo ang mga balo nang walang dala; nabali ang mga bisig ng mga walang ama.
10 Por tanto hay lazos al derredor de ti, y te turba espanto repentino:
Kaya, nakapaligid sa iyo ang mga patibong, at binabagabag ka ng hindi inaasahang mga takot.
11 O tinieblas, porque no veas; y abundancia de agua te cubre.
Mayroong kadiliman, para hindi ka makakita; binabalutan ka ng kasaganaan ng mga tubig.
12 ¿No está Dios en la altura de los cielos? Mira la altura de las estrellas como son altas.
Hindi ba't nasa kalangitan ang Diyos? Pagmasdan mo ang taas ng mga tala, napakataas nila!
13 ¿Dirás pues: Qué sabe Dios? ¿cómo juzgará por medio de la oscuridad?
Sinasabi mo, 'Ano bang alam ng Diyos? Kaya ba niyang humatol sa makapal na kadiliman?
14 Las nubes son su escondedero, y no ve: y por el cerco del cielo se pasea.
Binabalutan siya ng makapal na mga ulap, para hindi niya tayo makita; lumalakad siya sa ibabaw ng arko ng langit.'
15 ¿Quieres tú guardar la senda antigua, que pisaron los varones perversos?
Papanatilihin mo ba ang dating daan kung saan lumakad ang masamang mga tao—
16 Los cuales fueron cortados antes de tiempo: cuyo fundamento fue como un río derramado:
ang mga dinampot palayo sa panahon nila, ang mga tinangay ang pundasyon katulad ng ilog,
17 Que decían a Dios: Apártate de nosotros: ¿y qué nos ha de hacer el Omnipotente?
ang mga nagsabi sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin'; ang mga nagsabing, 'Ano ba ang kayang gawin ng Makapangyarihan sa atin?'
18 Habiendo él henchido sus casas de bienes. Por tanto el consejo de ellos lejos sea de mí.
Pero pinuno niya ang kanilang mga tahanan ng mabubuting bagay; malayo sa akin ang mga balak ng mga masama.
19 Verán los justos, y gozarse han, y el inocente los escarnecerá.
Nakikita ang kanilang kapalaran ng mga taong tuwid at nagagalak; pinagtatawanan sila ng mga taong walang sala para hamakin.
20 ¿Fue cortada nuestra substancia, habiendo consumido el fuego el resto de ellos?
Sinasabi nila, 'Siguradong pinuputol ang mga tumayo laban sa atin; tinupok ng apoy ang kanilang mga pagmamay-ari.
21 Ahora pues conciértate con él, y tendrás paz, y por ello te vendrá bien.
Ngayon, sumang-ayon ka sa Diyos at makipagpayapaan sa kaniya; sa ganoong paraan, darating sa iyo ang kabutihan.
22 Toma ahora la ley de su boca, y pon sus palabras en tu corazón.
Pakiusap, tanggapin mo ang tagubilin mula sa kaniyang bibig; ingatan mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
23 Si te tornares hasta el Omnipotente, serás edificado: alejarás de tu tienda la iniquidad.
Kung babalik ka sa Makapangyarihan, kung itataboy mo ang hindi makatuwiran mula sa iyong mga tolda, maitatatag ka.
24 Y tendrás más oro que tierra, y como piedras de arroyos, oro de Ofir.
Ilatag mo ang iyong mga kayamanan sa alikabok, ang ginto ng Ofir sa gitna ng mga bato ng batis,
25 Y tu oro será el Todopoderoso; y tendrás plata a montones.
at ang Makapangyarihan ang iyong magiging kayamanan at mahalagang pilak sa iyo.
26 Porque entonces te deleitarás en el Omnipotente, y alzarás a Dios tu rostro.
Dahil sa ganoon masisiyahan ka sa Makapangyarihan; itataas mo ang iyong mukha sa Diyos.
27 Orarás a él, y él te oirá, y pagarás tus votos.
Mananalangin ka sa kaniya, at diringgin ka niya; tutuparin mo ang iyong mga pangako sa kaniya.
28 Y determinarás la cosa, y serte ha firme, y sobre tus caminos resplandecerá luz.
Mag-uutos ka rin ng kahit ano, at pagtitibayin ito para sa iyo; magliliwanag ang ilaw sa iyong daan.
29 Cuando los otros fueren abatidos, dirás tú: Ensalzamiento: y al humilde de ojos salvará.
Binababa ng Diyos ang mga mapagmataas, nililigtas niya ang mga nakababa ang mga mata.
30 Un inocente escapará una isla: y en la limpieza de tus manos será guardada.
Ililigtas niya ang taong walang sala; maliligtas ka sa pamamagitan ng kalinisan ng iyong mga kamay.”