< 1 Crónicas 24 >

1 También los hijos de Aarón tuvieron sus repartimientos. Los hijos de Aarón fueron; Nadab, Abiú, Eleazar, Itamar,
At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.
2 Mas Nadab y Abiú murieron antes de su padre, y no tuvieron hijos: Eleazar e Itamar tuvieron el sacerdocio.
Nguni't si Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote.
3 Y David los repartió: Sadoc era de los hijos de Eleazar, y Aquimelec de los hijos de Itamar, en su cuenta, en su ministerio.
At si David na kasama ni Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod.
4 Y los hijos de Eleazar fueron hallados muchos más, en cuanto a sus principales varones, que los hijos de Itamar; y repartiéronlos así: De los hijos de Eleazar diez y seis cabezas por las familias de sus padres: y de los hijos de Itamar por las familias de sus padres, ocho.
At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo.
5 Y repartiéronlos por suerte los unos con los otros: porque de los hijos de Eleazar, y de los hijos de Itamar, hubo príncipes del santuario, y príncipes de Dios.
Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar.
6 Y Semeías, hijo de Natanael, escriba de los Levitas, los escribió delante del rey, y de los príncipes, y delante de Sadoc el sacerdote, y de Aquimelec, hijo de Abiatar, y de los príncipes de las familias de los sacerdotes y Levitas: y a Eleazar atribuyeron una familia, y a Itamar fue atribuida otra.
At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.
7 Y la primera suerte salió por Joiarib, la segunda por Jedei,
Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia;
8 La tercera por Harim, la cuarta por Seorim,
Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;
9 La quinta por Melquías, la sexta por Maimán,
Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim;
10 La séptima por Accos, la octava por Abías,
Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;
11 La nona por Jesúa, la décima por Sequemias,
Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania;
12 La undécima por Eliasib, la duodécima por Jacim,
Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim;
13 La trecena por Hopfa, la catorcena por Isbaab,
Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab;
14 La quincena por Belga, la dieziseisena por Emmer,
Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer;
15 La decimaséptima por Hezir, la décimaoctava por Afses,
Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses;
16 La décimanona por Feceia, la vigésima por Hezeciel,
Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel;
17 La veinte y una por Joaquim, la veinte y dos por Gamul,
Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul;
18 La veinte y tres por Dalaiau, la veinte y cuatro por Maaziau.
Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia.
19 Estos fueron contados en su ministerio, para que entrasen en la casa de Jehová conforme a su costumbre, debajo de la mano de Aarón su padre, de la manera que le había mandado Jehová el Dios de Israel.
Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
20 Y de los hijos de Leví que quedaron: De los hijos de Amram era Subael: y de los hijos de Subael, Jehedeias.
At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.
21 Y de los hijos de Rohobias, Jesías el principal.
Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno.
22 De Isaari, Salemot: e hijo de Salemot fue Jahat.
Sa mga Isharita, si Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath.
23 Y su primer hijo fue Jeriau, el segundo Amarías, el tercero Jahaziel, el cuatro Jecmaam.
At sa mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.
24 Hijo de Oziel fue Mica, e hijo de Mica fue Samir.
Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni Micha, si Samir.
25 Hermano de Mica fue Jesía, e hijo de Jesía fue Zacarías.
Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.
26 Los hijos de Merari fueron Moholi, y Musi: hijo de Oziau fue Benno.
Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.
27 Los hijos de Merari de Oziau fueron Benno y Soam, Zacur y Hebri,
Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.
28 Y Eleazar de Moholi, el cual no tuvo hijos.
Kay Mahali: si Eleazar, na hindi nagkaanak.
29 Hijo de Cis fue Jerameel.
Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.
30 Los hijos de Musi fueron Moholi, Eder, y Jerimot. Estos fueron los hijos de los Levitas conforme a las casas de sus familias.
At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
31 Estos también echaron suertes contra sus hermanos los hijos de Aarón delante del rey David, y de Sadoc, y de Aquimelec, y de los príncipes de las familias de los sacerdotes, y de los Levitas, el principal de los padres contra su hermano menor.
Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.

< 1 Crónicas 24 >