< Sofonías 2 >
1 ¡Reúnanse en asamblea, oh nación desvergonzada!
Bansang walang kahihiyan, magtulungan kayo at magtipun-tipon,
2 Antes que entre en vigencia el decreto del día que arrebatará la concha del grano trillado, antes que venga sobre ustedes el día de la ira de Yavé,
bago isagawa ng kautusan ang kahihinantan, bago lumipas ang araw na gaya ng ipa, bago dumating ang matinding galit ni Yahweh sa inyo! Bago dumating ang araw ng matinding poot ni Yahweh sa inyo!
3 ¡busquen a Yavé, todos los humildes de la tierra! Los que cumplen sus Preceptos busquen la justicia y busquen la humildad. Tal vez sean escondidos el día de la ira de Yavé.
Hanapin ninyo si Yahweh, kayong mga mapagpakumbabang tao sa lupa na sumusunod sa kaniyang mga kautusan! Hanapin ninyo ang katuwiran! Hanapin ninyo ang kababaang-loob at marahil na iingatan kayo sa araw ng matinding poot ni Yahweh!
4 Gaza será desamparada, Ascalón asolada. Asdod será desterrada al mediodía, y Ecrón será desarraigada.
Sapagkat pababayaan ang Gaza at mawawasak ang Ashkelon! Palalayasin nila ang mga Asdon sa tanghali at bubunutin nila ang Ekron!
5 ¡Ay de los habitantes de la costa, del pueblo de los cereteos! La Palabra de Yavé está contra ustedes, oh Canaán, tierra de filisteos. Haré que seas arrasada hasta que no quede algún habitante.
Kaawa-awa ang mga naninirahan sa tabing-dagat, ang bansa ng mga Queretita! Nagsalita si Yahweh laban sa inyo, Canaan, ang lupain ng mga Filisteo! Lilipulin ko kayo hanggang sa walang matira sa mga naninirahan!
6 Entonces la costa marítima se convertirá en pastizales con cabañas de pastores y apriscos para ovejas.
Kaya ang tabing-dagat ay magiging pastulan para sa mga pastol at para sa kulungan ng mga tupa.
7 La costa será para el remanente de la Casa de Judá. Allí apacentarán, y al llegar la noche se recogerán en las casas de Ascalón, pues Yavé su ʼElohim los visitará y los hará volver de su cautiverio.
Mapapabilang ang baybaying rehiyon sa mga nalalabi sa sambahayan ng Juda na magpapastol ng kanilang mga kawan doon. Sa gabi, mahihiga ang kanilang mga tao sa mga tahanan ng Ashkelon, sapagkat iingatan sila ni Yahweh na kanilang Diyos at panunumbalikin ang kanilang mga kapalaran.
8 Oí los insultos de Moab y las ofensas con las cuales los hijos de Amón afrentaron a mi pueblo, y cómo se expandieron al invadir los territorios de Israel.
“Narinig ko ang mga panghahamak ng mga Moabita at ang pagsisiwalat ng mga Ammonita nang hamakin nila ang aking mga tao at nilabag ang kanilang mga hangganan.
9 Por tanto, vivo Yo, Yavé de las huestes, el ʼElohim de Israel, dice: Ciertamente Moab será como Sodoma, y los hijos de Amón como Gomorra: campo de ortigas, salina y desolación perpetua. El remanente de mi pueblo los saqueará y el resto de mi nación los heredará.
Kaya, ako ay nabubuhay, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Magiging katulad ng Moab ang Sodoma at tulad ng mga Ammonita ang Gomorra, isang madamong lugar at hukay na asin, na pinabayaan magpakailanman! Ngunit nanakawan sila ng mga nalalabi kong tao at mamanahin ng aking mga natitirang tao ang mga nagmula sa kanila!”
10 Esto tendrán por su orgullo, porque se mofaron y se jactaron contra el pueblo de Yavé de las huestes.
Mangyayari ito sa Moab at Amon dahil sa kanilang pagmamataas, sapagkat hinamak at kinutya nila ang mga tao ni Yahweh ng mga hukbo!
11 Terrible será Yavé contra ellos, porque dejará pasar hambre a todos los ʼelohim de la tierra. Y todas las costas de las naciones, cada una desde su lugar, se inclinarán ante Él.
At matatakot sila kay Yahweh sapagkat hahamakin niya ang lahat ng diyos sa lupa. Sasambahin siya ng lahat, lahat ng nagmula sa kaniyang sariling lupain at mula sa bawat dalampasigan!
12 También ustedes, los etíopes, serán muertos con mi espada.
Mamamatay din kayong mga taga-Kush sa pamamagitan ng aking espada
13 Extenderá su mano contra el norte y destruirá a Asiria, y hará de Nínive una desolación, árida como el desierto.
at sasalakayin ng kamay ng Diyos ang hilaga at wawasakin ang Asiria upang pabayaang ganap na mawasak ang Nineve gaya ng tuyong disyerto.
14 Se echarán en medio de ella las manadas y toda bestia del campo. Se alojarán la lechuza y el erizo en sus capiteles, y su voz resonará en las ventanas. Habrá desolación en las puertas, pues su enmaderado de cedro quedará descubierto.
Pagkatapos, hihiga ang mga kawan sa kalagitnaan ng Asiria, ang bawat hayop ng mga bansa at magpupugad ang mga ibon at mga kuwago sa taas ng kaniyang mga haligi. Magkakaroon ng tunog na huhuni sa mga bintana at tatawag ang mga uwak sa kanilang pintuan sapagkat inilantad niya ang mga kahoy na cedar.
15 Esta es la ciudad alegre que vivía confiadamente, que decía en su corazón: Yo, y ningún otro. ¡Cómo fue convertida en horror, en madriguera de fieras! Cualquiera que pase junto a ella se burlará y agitará su mano.
Ito ang pinakamasayang lungsod na namuhay nang walang takot, na nagsabi sa kaniyang puso, “Ako nga, at wala akong katulad!” Paano siya naging isang katatakutan, isang lugar na hinihigaan ng mga mababangis na hayop! Susutsot ang bawat daraan sa kaniya at ikukumpas ang kaniyang kamao sa kaniya!