< Marcos 12 >

1 Les habló en parábolas: Un hombre plantó una viña. La cercó, excavó un estanque debajo del lagar y edificó una torre. La arrendó a unos labradores y salió de viaje.
Pagkatapos nagsimulang magturo sa kanila si Jesus ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang tao na gumawa ng ubasan, binakuran ang paligid nito, at gumawa ng hukay para sa pisaan ng ubas. Nagtayo siya ng toreng bantayan at pagkatapos ay pinaupahan niya ang ubasan sa mga katiwala ng ubas. Pagkatapos ay naglakbay siya.
2 A su debido tiempo envió un esclavo a los labradores para que le entregaran [su parte] de la cosecha.
Sa tamang panahon, ipinadala niya ang kaniyang lingkod sa mga tagapag-alaga ng ubas upang tanggapin mula sa kanila ang ilan sa mga bunga ng ubasan.
3 Pero ellos lo golpearon y lo enviaron con las manos vacías.
Ngunit kinuha nila siya, binugbog at pinalayas na walang dalang anuman.
4 De nuevo les envió otro esclavo, al cual golpearon en la cabeza y trataron con vergüenza.
Muli siyang nagpadala sa kanila ng iba pang lingkod, sinugatan nila ito sa ulo at ipinahiya.
5 Envió otro y lo asesinaron. Y a muchos otros [atacaron: ] golpearon a unos y asesinaron a otros.
Nagpadala siya ng isa pa, at pinatay rin nila ito. Ganito din ang pakikitungo nila sa mga iba pa, binugbog ang ilan at pinapatay ang iba.
6 Tenía un hijo amado. Lo envió a ellos de último y dijo: Respetarán a mi hijo.
Mayroon pa siyang isang taong maipapadala, ang pinakamamahal niyang anak. Siya ang pinakahuling taong ipinadala niya sa kanila. Sinabi niya, “Igagalang nila ang aking anak.”
7 Pero los labradores se dijeron: Éste es el heredero. Matémoslo y la heredad será nuestra.
Ngunit sinabi ng mga katiwala sa isa't isa, “Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at mapapasaatin ang kaniyang mana.”
8 Lo atraparon, lo asesinaron y lo echaron fuera de la viña.
Dinakip nila siya, pinatay at ipinatapon sa labas ng ubasan.
9 ¿Qué hará el señor de la viña? Vendrá y destruirá a los labradores y dará la viña a otros.
Kaya, ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Darating siya at papatayin ang mga katiwala ng ubas at ibibigay ang ubasan sa iba.
10 ¿Ni siquiera leyeron ustedes esta Escritura? Una piedra que los constructores desecharon Fue erigida como cabeza de ángulo.
Hindi ba ninyo nababasa ang kasulatang ito? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo, ang naging batong-panulukan.
11 Ésta fue hecha de parte del Señor, Y es maravilloso ante los ojos de ustedes.
Mula ito sa Panginoon at kamangha-mangha ito sa ating mga mata.”'
12 Procuraban arrestarlo, porque comprendieron que dijo la parábola con referencia a ellos, pero tuvieron miedo a la multitud. Lo dejaron y salieron.
Nais nilang hulihin si Jesus ngunit natakot sila sa maraming tao, sapagkat alam nilang sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Kaya iniwan nila siya at umalis.
13 Le enviaron algunos fariseos y herodianos para sorprenderlo en alguna palabra.
Pagkatapos, nagpadala sila sa kaniya ng ilan sa mga Pariseo at mga tauhan ni Herodes upang bitagin siya sa pamamagitan ng mga salita.
14 Llegaron y le dijeron: Maestro, sabemos que eres veraz y que no te inclinas a favor de nadie, pues no miras apariencia de hombres, sino enseñas en verdad el camino de Dios. ¿Es lícito pagar tributo a César, o no? ¿Que paguemos o no paguemos?
Nang makarating sila, sinabi nila sa kaniya, “Guro, alam namin na wala kayong pakialam sa saloobin ninuman at hindi kayo nagpapakita ng pagpanig sa pagitan ng mga tao. Tunay na iyong itinuturo ang daan ng Diyos. Naaayon ba sa kautusan na magbayad ng buwis kay Cesar o hindi? Kailangan ba kaming magbayad o hindi?”
15 Pero al entender la hipocresía de ellos, Él les preguntó: ¿Por qué me tientan? Tráiganme un denario para que [lo] vea.
Ngunit batid ni Jesus ang kanilang pagkukunwari at sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako sinusubok? Dalhan ninyo ako ng denario upang matingnan ko ito.”
16 Entonces ellos [lo] llevaron. Y les preguntó: ¿De quién es esta imagen y la inscripción? Ellos le respondieron: De César.
Nagdala sila ng isa kay Jesus. Sinabi niya sa kanila, “Kaninong larawan at tatak ito?” Sumagot sila, “Kay Cesar.”
17 Entonces Jesús les dijo: Paguen a César lo de César, y a Dios lo de Dios. Y [se] admiraron grandemente de Él.
Sinabi ni Jesus, “Ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” Namangha sila sa kaniya.
18 Unos saduceos, quienes dicen que no hay resurrección, se acercaron a Él y le preguntaron:
Pagkatapos pumunta sa kaniya ang mga Saduceo na nagsasabing walang pagkabuhay muli. Tinanong nila siya na nagsasabi,
19 Maestro, Moisés nos escribió: Si un hombre muere y deja viuda sin hijos, que su hermano se case con la viuda y levante descendencia a su hermano.
“Guro, sumulat si Moises para sa atin, 'Kung namatay ang kapatid na lalaki ng isang lalaki at maiwan niya ang asawa, ngunit walang anak, kailangang kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng mga anak para sa kaniyang kapatid.'
20 Había siete hermanos. El primero tomó esposa, murió y no dejó descendencia.
Mayroong pitong magkakapatid na lalaki; ang una ay nakapangasawa at pagkatapos ay namatay na walang naiwang anak.
21 El segundo la tomó, y murió sin dejar descendencia. Lo mismo sucedió al tercero.
Pagkatapos kinuha siya upang mapangasawa ng ikalawa at namatay na walang naiwang anak. At gayundin ang ikatlo.
22 Igual pasó con los siete: No dejaron descendencia. Después de morir todos, la mujer también murió.
At walang naiwang anak ang pito. Sa huli namatay din ang babae.
23 En la resurrección, ¿de cuál de ellos será esposa? Porque los siete la tuvieron como esposa.
Sa muling pagkabuhay, kapag sila ay bumangon muli, sino ang kaniyang magiging asawa? Gayong napangasawa niya ang lahat ng pitong magkakapatid.”
24 Jesús les preguntó: ¿Por el hecho de no entender las Escrituras y el poder de Dios, no están [ustedes] equivocados?
Sinabi ni Jesus, “Hindi ba ito ang dahilan kaya kayo nagkakamali, dahil hindi ninyo nalalaman ang kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos?
25 Porque cuando resuciten de entre los muertos, no se casan, ni son dados en matrimonio, sino son como ángeles en los cielos.
Sapagkat kapag bumangon sila mula sa mga patay, hindi na sila mag-aasawa o makapag-aasawa, ngunit katulad sila ng mga anghel sa langit.
26 Pero en cuanto a que los muertos resucitan, ¿no leyeron [ustedes] en el rollo de Moisés lo de la zarza, cómo Dios le habló? Yo soy el Dios de Abraham, Dios de Isaac y Dios de Jacob.
Ngunit tungkol sa mga patay na ibinangon, hindi ba ninyo nabasa sa Aklat ni Moises, sa salaysay tungkol sa mababang punong kahoy, kung paano nangusap sa kaniya ang Diyos at sinabi, 'Ako ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob?'
27 Él no es Dios de muertos, sino de vivos. [Ustedes] están muy equivocados.
Hindi siya ang Diyos ng mga patay, ngunit ng mga buhay. Nagkakamali kayo.
28 Uno de los escribas que los oyó discutir y oyó que les respondió bien, le preguntó: ¿Cuál es [el] primer Mandamiento de todos?
Isa sa mga eskriba ang nagpunta at nakarinig sa kanilang pag-uusap, nakita niyang mahusay silang sinagot ni Jesus. Tinanong niya ito, “Ano ang pinakamahalagang kautusan sa lahat?”
29 Jesús respondió: El primero es: Oye, Israel, el Señor nuestro Dios, el Señor es Uno.
Sumagot si Jesus, “Ang pinakamahalagang kautusan ay, 'Makinig kayo, Israel, ang Panginoong ating Diyos, ang Panginoon ay iisa.
30 Amarás al Señor tu Dios con todo tu corazón, con toda tu alma, con toda tu mente y con toda tu fuerza.
Ibigin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong kalakasan.'
31 [El] segundo es: Amarás a tu prójimo como a ti mismo. No hay Mandamiento mayor que éstos.
Ito ang ikalawang kautusan, 'Ibigin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili.' Wala nang iba pang kautusang higit na dakila kaysa mga ito.”
32 El escriba le dijo: Bien, Maestro, con verdad dijiste que Él es Uno solo, y no hay otro sino Él;
Sinabi ng eskriba, “Mahusay, Guro! Tunay na nasabi ninyong iisa ang Diyos, at wala ng iba pa maliban sa kaniya.
33 y amarlo con todo el corazón, con todo el entendimiento, con toda la fuerza y amar al prójimo como a él mismo, es más que todos los holocaustos y sacrificios.
Ang ibigin siya nang buong puso, nang buong pang-unawa, nang buong kalakasan, at ang ibigin ang kapwa gaya ng sarili ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng mga susunuging mga alay at mga hain.”
34 Jesús, al entender que respondió sabiamente, le dijo: No estás lejos del reino de Dios. Y ya nadie se atrevía a preguntarle algo.
Nang makita ni Jesus na siya ay nagbigay ng matalinong kasagutan, sinabi niya sa kaniya, “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.” Matapos iyon walang sinumang nangahas magtanong kay Jesus ng anumang mga katanungan.
35 Mientras Jesús enseñaba la Palabra en el Santuario, preguntó: ¿Cómo dicen los escribas que el Cristo es Hijo de David?
At tumugon si Jesus, habang nangangaral siya sa templo, sinabi niya, “Paano ito nasasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?
36 El mismo David dijo por medio del Espíritu Santo: Dijo [el] Señor a mi Señor: Siéntate a mi mano derecha, hasta que ponga a tus enemigos debajo de tus pies.
Si David mismo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagsabi, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, umupo ka sa aking kanang kamay, hanggang magawa kong tapakan ng paa mo ang iyong mga kaaway.'
37 Si el mismo David lo llama Señor, ¿en qué sentido es su Hijo? Y una gran multitud lo escuchaba con gusto.
Mismong si David ay tinawag na Cristo ang 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?” Masayang nakinig sa kaniya ang napakaraming tao.
38 En su enseñanza, decía: Guárdense de los escribas, que anhelan andar con largas ropas y saludos en las plazas,
Sa kaniyang pagtuturo, sinabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na nagnanais na maglakad ng may mahabang mga balabal at batiin sa mga pamilihan
39 y ocupar [los] primeros asientos en las congregaciones y puestos de honor en los banquetes,
at magkaroon ng mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at sa mga pangunahing lugar sa mga kapistahan.
40 que devoran las casas de las viudas y como excusa [hacen] largas conversaciones con Dios. Éstos recibirán una sentencia más rigurosa.
Kinakamkam din nila ang mga bahay ng mga balo at nananalangin sila ng mga mahahabang panalangin upang makita ng mga tao. Makatatanggap ang mga taong ito ng mas mabigat na parusa.”
41 Cuando se sentó al frente del arca de las ofrendas, observaba cómo la gente echaba cobre en el arca. Y muchos ricos echaban mucho.
Pagkatapos umupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng kaloob sa templo; pinagmamasdan niya ang mga tao habang inihuhulog nila ang kanilang pera sa kahon. Maraming mayayamang tao ang naglalagay ng malalaking halagang pera.
42 Al llegar una viuda pobre, echó dos blancas, equivalentes a un cuadrante.
At dumating ang isang mahirap na balo at naglagay ng dalawang kusing na nagkakahalaga ng isang pera.
43 Llamó a sus discípulos y les dijo: En verdad les digo que esta pobre viuda echó más que los demás.
At tinawag niya ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Mahalaga itong sinasabi ko sa inyo, ang mahirap na balong ito ay nakapaglagay ng higit kaysa lahat ng nagbigay sa lalagyan ng kaloob
44 Porque todos echaron de su abundancia, pero ella, de su pobreza, depositó todo lo que tenía, todo su sustento.
Sapagkat nagbigay ang lahat sa kanila mula sa kanilang kasaganahan. Ngunit ang balong ito, sa kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat ng perang mayroon siya na kaniyang ikabubuhay.”

< Marcos 12 >