< Josué 14 >

1 Esto es lo que los hijos de Israel heredaron en tierra de Canaán, que les repartieron Eleazar, el sacerdote, Josué, hijo de Nun, y los jefes de las casas paternas de las tribus de los hijos de Israel,
Ito ang mga lugar ng lupain na tinanggap ng bayan ng Israel bilang kanilang mana sa lupain ng Canaan, na nakalaan para sa kanila ni Eleazar na pari, ni Josue na anak na lalaki ni Nun, at ng mga pinuno ng mga lipi ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel.
2 tal como Yavé ordenó por medio de Moisés. La heredad se dio por sorteo a las nueve tribus y a la media tribu.
Ang kanilang pamana ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan para sa siyam at kalahating mga lipi, gaya lamang ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises,
3 Porque Moisés dio heredades a las dos tribus y a la otra media tribu en la otra parte del Jordán. A los levitas no les dio herencia entre ellos.
Dahil ibinigay ni Moises ang pamana sa dalawa at kalahating mga lipi sa ibayong Jordan, pero sa mga Levita, wala siyang pamana.
4 Pues los hijos de José formaron dos tribus: Manasés y Efraín. No dieron porción de la tierra a los levitas, sino solo ciudades para vivir, con sus pastizales para sus ganados y sus rebaños.
Ang lipi ni Jose ay talagang dalawang lipi, Manases at Ephraim. At walang bahagi ng pamana ang ibinigay sa mga Levita doon sa lupain, pero may mga lungsod lamang para matirahan, kasama ang kanilang mga lupang-pastulan para sa kanilang alagang baka at para sa kanilang sariling materyal na pangangailangan.
5 Los hijos de Israel hicieron como Yavé ordenó a Moisés, y se repartieron la tierra.
Ginawa ng bayan ng Israel ang iniutos ni Yahweh kay Moises, kaya naitalaga nila ang lupain.
6 Los hijos de Judá acudieron a Josué en Gilgal. Caleb, hijo de Jefone, ceneceo, le dijo: Tú sabes lo que Yavé dijo a Moisés, varón de ʼElohim, con respecto a mí y a ti en Cades Barnea.
Pagkatapos nagpunta ang lipi ni Juda kay Josue sa Gilgal. Sinabi ni Caleb na anak ni Jepunne na Canezeo, sinabi sa kaniya, “Alam mo kung ano ang sinabi ni Yahweh kay Moises na lingkod ng Diyos tungkol sa iyo at sa akin sa Kades Barnea.
7 Yo tenía 40 años cuando Moisés, esclavo de Yavé, me envió desde Cades Barnea a reconocer la tierra. Le llevé información conforme a lo que tenía en mi corazón.
Apatnapung taong gulang ako nang isinugo ako ni Moises na lingkod ni Yahweh mula sa Kades Barnea para magmanman sa lupain. Muli akong nagdala nang isang ulat sa kaniya na parang ito ay nasa puso ko para gawin.
8 Pero mis hermanos, los que subieron conmigo, hicieron desfallecer el corazón del pueblo, aunque yo seguí con integridad a Yavé, mi ʼElohim.
Pero ang aking mga kapatid ay sumama sa akin na nagawang matakot ang puso ng bayan. Pero lubos akong sumunod kay Yahweh na aking Diyos.
9 Aquel día Moisés juró: Ciertamente la tierra que tu pie pisó será herencia tuya y de tus hijos para siempre, por cuanto seguiste con integridad a Yavé, mi ʼElohim.
Sumumpa si Moises sa araw na iyon na sinasabing, 'Tiyak na ang lupang nilakaran mo ay magiging isang pamana para sa iyo at para sa iyong mga anak magpakailanman, dahil lubos kang sumunod kay Yahweh na aking Diyos.'
10 Ahora bien, Yavé me permitió vivir, como Él dijo, estos 45 años desde cuando Él habló esta palabra a Moisés, cuando Israel vagaba por el desierto. Ahora, mira, hoy tengo 85 años de edad.
Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako.
11 Aún estoy tan fuerte como el día cuando Moisés me envió. Como era entonces mi fuerza, así es ahora para la guerra, tanto para salir como para entrar.
Malakas pa rin ako ngayon gaya noong araw na isinugo ako ni Moises. Ang lakas ko ngayon ay katulad ng lakas ko noon, para sa digmaan at para sa pag-alis at sa pagdating.
12 Ahora pues, dame esta región montañosa, de la cual Yavé habló aquel día, porque tú mismo oíste aquel día que los anaceos estaban allí, y que hay ciudades grandes y fortificadas. Tal vez Yavé esté conmigo y yo pueda echarlos, como Yavé dijo.
Kaya ngayon ibigay mo sa akin ang maburol na bansang ito, na ipinangako sa akin ni Yahweh ng araw na iyon. Dahil narinig mo sa araw na iyon ang Anakim ay mayroong malalaking pinagtibay na mga lungsod. Maaaring si Yahweh ay magiging kasama ko at paalisin ko sila, gaya nang sinabi ni Yahweh.”
13 Entonces Josué lo bendijo, y dio Hebrón como heredad a Caleb, hijo de Jefone.
Pagkatapos pinagpala siya ni Josue at ibinigay ang Hebron bilang isang pamana kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne.
14 Por tanto Hebrón fue la herencia de Caleb, hijo de Jefone, ceneceo, hasta hoy, porque siguió cumplidamente a Yavé ʼElohim de Israel.
Kaya naging pamana ang Hebron kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne na Cenezeo hanggang sa araw na ito, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
15 Pero, el nombre de Hebrón antiguamente fue Quiriat-arba, porque Arba fue un hombre grande entre los anaceos. Entonces la tierra tuvo reposo de la guerra.
Ngayon, Kiriat Arba ang dating pangalan ng Hebron. (Si Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim). Pagkatapos nagkaroon ng kapahingahan ang lupain mula sa digmaan.

< Josué 14 >