< Juan 5 >
1 Después de esto Jesús subió a Jerusalén a una fiesta de los judíos.
Pagkatapos nito mayroong isang kapistahan ang mga Judio, at si Jesus ay umakyat pa Jerusalem.
2 Junto a la puerta de La Oveja en Jerusalén, había un estanque llamado en hebreo Betzata que tenía cinco patios cubiertos
Ngayon, mayroon sa Jerusalem, sa may tarangkahan ng tupa, isang palanguyan na tinatawag sa Hebreo na Bethzata. Ito ay mayroong limang mga portico na may bubungan.
3 donde muchos enfermos, ciegos, cojos y paralíticos estaban tendidos.
Maraming bilang ng mga tao na may sakit, bulag, pilay, o lumpo ang mga nakahiga sa mga portico na ito.
( naghihintay sa paggalaw ng tubig)
5 Allí estaba un hombre que tenía 38 años enfermo.
Nandoon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon ng lumpo.
6 Cuando Jesús lo vio tendido y supo cuánto tiempo tenía enfermo, le preguntó: ¿Quieres ser sano?
Nang makita siya ni Jesus na nakahiga doon, at napag-alaman niyang matagal na siya nandoon, sinabi niya sa kaniya, “Ibig mo bang gumaling?”
7 El enfermo le respondió: Señor, no tengo alguien que me baje al estanque cuando se agita el agua. Mientras voy, otro baja antes de mí.
Sumagot ang lalaking may sakit, “Ginoo, wala akong sinumang magdadala sa akin sa palanguyan kapag napukaw ang tubig. Kapag aking sinusubukan, mayroong nauuna sa akin.”
8 Jesús le dijo: ¡Levántate, alza tu camilla y anda!
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumangon ka, kunin mo ang iyong banig, at lumakad ka.”
9 De inmediato el hombre fue sanado, alzó su camilla y andaba. Ese día era sábado.
Agad-agad gumaling ang lalaki, binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Ngayon ang araw na iyon ay Araw ng Pamamahinga.
10 Entonces los judíos decían al que fue sanado: [Hoy] es sábado. No es legal que cargues tu camilla.
Kaya sinabihan ng mga Judio sa kaniyang pinagaling, “Ito ang Araw ng Pamamahinga, at hindi ka pinapayagang magbuhat ng iyong banig.”
11 Pero él les respondió: El que me sanó, me dijo: Alza tu camilla y anda.
Sumagot siya, “Ang nagpagaling sa akin ang nagsabi sa akin, 'Damputin mo ang iyong banig at lumakad ka.'”
12 Le preguntaron: ¿Quién te dijo: Alza y anda?
Tinanong nila siya, “Sino ang taong nagsabi sa iyong, 'Damputin mo ang iyong banig at lumakad ka?'”
13 Pero el hombre no sabía quien lo sanó, porque Jesús se apartó de [la] multitud que estaba en el lugar.
Subalit, hindi kilala ng pinagaling kung sino siya sapagkat si Jesus ay palihim na umalis papalayo, dahil maraming ng tao sa lugar.
14 Después de esto Jesús lo halló en el Templo y le dijo: Fuiste sanado. Ya no peques más para que no te venga algo peor.
Pagkatapos, natagpuan siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, ikaw ay gumaling na! Huwag ka nang magkasala pa, baka may malala pang mangyari sa iyo.”
15 El hombre fue e informó a los judíos que Jesús lo sanó.
Ang lalaki ay umalis papalayo at pinagbigay-alam sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya.
16 Por esto los judíos perseguían a Jesús, porque hacía esto el sábado.
Ngayon dahil sa mga bagay na ito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat ginawa niya ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga.
17 Pero Él les decía: Mi Padre hasta ahora trabaja y Yo también.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa.
18 Por esto los judíos más procuraban matarlo, porque no solo quebrantaba el sábado, sino también llamaba a Dios su propio Padre y se igualaba a Dios.
Dahil dito, hinangad lalo ng mga Judio na patayin siya sapagkat hindi lamang niya nilabag ang Araw ng Pamamahinga, ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang Ama, at ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
19 Jesús declaró: En verdad, en verdad les digo: El Hijo nada puede hacer por iniciativa propia, sino lo que ve que el Padre hace. Lo que el Padre hace, también lo hace el Hijo.
Sinagot sila ni Jesus, “Tunay nga, walang magagawa ang Anak sa kaniyang sarili lamang, maliban lamang sa anong nakikita niya na ginagawa ng Ama, sapagkat anuman ang ginagawa ng Ama, ang mga bagay na ito ay ginagawa din ng Anak.
20 Porque el Padre ama al Hijo y le muestra todo lo que Él hace. Y mayores obras le mostrará para que ustedes se maravillen.
Sapagkat iniibig ng Ama ang Anak, at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng kaniyang ginagawa, at ipapakita niya ang mga mas dakilang bagay kaysa sa mga ito para kayo ay mamangha.
21 Porque como el Padre resucita a los muertos y les da vida, así también el Hijo da vida a los que quiere.
Sapagkat tulad ng Ama na binabangon ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayun din naman ang Anak ay nagbibigay ng buhay kung kanino niya naisin.
22 Porque ni aun el Padre juzga a alguno, sino todo el juicio encomendó al Hijo,
Sapagkat walang hinuhusgahan ang Ama, kundi ibinigay na niya ang lahat ng paghuhusga sa Anak
23 para que todos honren al Hijo como honran al Padre. El que no honra al Hijo, no honra al Padre Quien lo envió.
upang ang lahat ay parangalan ang Anak katulad ng pagparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
24 En verdad, en verdad les digo: El que oye mi Palabra y cree al que me envió, tiene vida eterna. No va a juicio, sino pasa de la muerte a la vida. (aiōnios )
Tunay nga, ang nakarinig ng aking salita at naniwala sa kaniya na nagsugo sa akin ay mayroong buhay na walang hanggan at hindi mahahatulan. Sa halip, nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay. (aiōnios )
25 En verdad, en verdad les digo: Viene una hora y ya llegó, cuando los muertos oirán la voz del Hijo de Dios, y los que [la] oigan vivirán.
Tunay nga, sinasabi ko sa inyo na darating ang panahon at narito na, na maririnig ng patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang mga nakarinig ay mabubuhay.
26 Porque como el Padre tiene vida en Él mismo, así también concedió al Hijo que tuviera vida en Él mismo.
Sapagkat tulad ng Ama na may buhay sa kaniyang sarili, kaya binigyan din niya ang Anak ng buhay sa kaniyang sarili,
27 Le dio autoridad para juzgar, porque es el Hijo del Hombre.
at binigyan ng Ama ang Anak ng kapangyarihan na gampanan ang paghahatol sapagkat siya ang Anak ng Tao.
28 No se maravillen de esto, porque viene la hora cuando todos los que están en los sepulcros oirán su voz.
Huwag mamangha dito, sapagkat darating ang panahon kung saan lahat ng nasa libingan ay maririnig ang kaniyang tinig
29 Los que hicieron lo bueno saldrán a resurrección de vida, pero los que hicieron lo malo, a resurrección de juicio.
at sila ay magsilabasan: iyong mga nakagawa ng mabuti sa pagkabuhay muli sa buhay, at iyong mga nakagawa ng masama sa pagkabuhay na muli sa paghahatol.
30 Yo nada puedo hacer por iniciativa propia. Como oigo, juzgo. Mi juicio es justo, porque no busco mi voluntad, sino la voluntad de Quien me envió.
Wala akong magagawa mula sa aking sarili. Kung anon narinig ko, humahatol ako, at ang aking hatol ay matuwid dahil hindi ko hinahangad ang sarili kong kalooban ngunit ang kalooban ng nagpadala sa akin.
31 Si Yo doy testimonio con respecto a Mí mismo, mi testimonio no es verdadero.
Kung ako ay magpapatotoo tungkol sa aking sarili lamang, ang aking patotoo ay hindi magiging tunay.
32 Otro es quien da testimonio de Mí, y sé que su testimonio es verdadero.
Mayroong isa pa na siyang nagpapatotoo patungkol sa akin, at alam ko na ang patotoo na ibibigay niya tungkol sa akin ay tunay.
33 Ustedes enviaron [mensajeros] a Juan, y [él] dio testimonio de la Verdad.
Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya sa katotohanan.
34 Pero Yo no recibo el testimonio de parte de un hombre. Digo esto para que ustedes sean salvos.
Subalit, ang patotoo na aking natanggap ay hindi galing sa tao. Sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas.
35 Aquél era la antorcha que ardía y alumbraba, y ustedes quisieron regocijarse en su luz por un tiempo.
Si Juan ay isang lamparang nagniningas at nagliliwanag, at kayo ay kusang nagalak ng isang kapanahunan sa kaniyang liwanag.
36 Pero Yo tengo un testimonio mayor que el de Juan, porque hago las obras que el Padre me mandó que hiciera, las cuales dan testimonio de que el Padre me envió.
Ngunit ang patotoo na mayroon ako ay higit na dakila kaysa kay Juan, sapagkat ang mga gawaing ibinigay sa akin ng Ama na dapat kong ganapin, ang mismong mga gawain na ginagawa ko, ay nagpapatotoo tungkol sa akin na ako ay isinugo ng Ama.
37 El Padre que me envió también dio testimonio de Mí. Ustedes jamás oyeron su voz, ni vieron su apariencia,
Ang Ama na siyang nagpadala sa akin ang siya ring nagpatotoo tungkol sa akin. Hindi ninyo kailanman narinig ang kaniyang tinig o nakita ang kaniyang anyo.
38 ni su Palabra permanece en ustedes, porque ustedes no creen en el que Él envió.
Hindi nananatili ang kaniyang salita sa inyo, sapagkat hindi kayo naniniwala sa kaniyang isinugo.
39 [Ustedes] escudriñan las Escrituras porque les parece que allí tienen vida eterna. Ellas son las que dan testimonio de Mí. (aiōnios )
Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin, (aiōnios )
40 ¡Y ustedes no quieren venir a Mí para que tengan vida!
at hindi ninyo gustong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
41 No recibo alabanzas de hombres.
Hindi ako tumatanggap ng papuri mula sa mga tao,
42 Pero sé que ustedes no tienen el amor de Dios.
ngunit alam ko na wala ang pag-ibig ng Diyos sa inyong mga sarili.
43 Yo vine en Nombre de mi Padre, y no me reciben. Si otro viene en su propio nombre, lo recibirían.
Ako ay dumating sa ngalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinatanggap. Kung may iba na dumating sa kaniyang sariling pangalan, tatanggapin ninyo siya.
44 ¿Cómo pueden creer ustedes quienes reciben honor los unos de los otros, y no buscan el honor del único Dios?
Papaano kayo maniniwala, kayo na tumatanggap ng papuri mula sa isa't isa ngunit hindi naghahangad ng papuri na nagmumula sa kaisa-isang Diyos?
45 No piensen que Yo los acusaré delante del Padre. Los acusa Moisés, en quien ustedes esperan.
Huwag ninyong isipin na ako mismo ang magpaparatang sa inyo sa harap ng Ama. Ang nagpaparatang sa inyo ay si Moises, na pinaglalagyan ninyo ng inyong mga pag-asa.
46 Porque si creyeran a Moisés, me creerían a Mí, porque él escribió con respecto a Mí.
Kung naniniwala kayo kay Moises, maniniwala kayo sa akin sapagkat sumulat siya tungkol sa akin.
47 Pero si no creen sus escritos, ¿cómo creerán mis Palabras?
Kung hindi kayo nanininwala sa kaniyang mga isinulat, paano kayo maniniwala sa aking mga salita?”