< Job 3 >
1 Después de esto Job abrió su boca y maldijo su día.
Pagkatapos nito, binuksan ni Job ang kaniyang bibig at isinumpa ang araw ng kapanganakan niya.
3 Perezca el día cuando nací y la noche cuando se dijo: Un varón fue concebido.
“Sana napuksa na lang ang araw na ipinanganak ako, ang gabi na binalitang 'isang sanggol na lalaki ang ipinanganak.'
4 Sea aquel día oscuridad. No pregunte ʼElohim desde lo alto por él, ni claridad lo ilumine.
Sana napuno na lang ng kadiliman ang araw na iyon, huwag na sana itong maalala ng Diyos, o kaya sikatan pa ito ng araw.
5 Que la oscuridad y las tinieblas reclamen [ese día] para ellas, repose sobre él una nube, llénelo de terror la calina del día.
Sana angkinin na lang ito ng kadiliman at ng anino ng kamatayan; balutan na lang ng madilim na ulap at ang lahat na nagpapadilim sa umaga ay gawing mas kalagim-lagim.
6 Que la oscuridad se apodere de aquella noche. No se cuente entre los días del año ni aparezca en el número de los meses.
At sa gabing iyon, hayaan na lang na makapal na kadiliman ang bumalot dito: huwag na itong hayaan na magalak sa mga araw ng taon, huwag na itong paabutin sa hustong bilang ng mga buwan.
7 Sea esa noche estéril y los gritos de júbilo no penetren en ella.
Masdan mo, sana naging baog na lang ang gabing iyon, at walang masayang tinig ang narinig.
8 Maldíganla los que maldicen en el día, los que se aprestan a excitar al cocodrilo.
Hayaan na lang na isumpa ang araw na iyon ng mga marunong gumising sa Leviatan.
9 Oscurézcanse las estrellas de su alborada. Espere la luz, y no le venga, ni contemple los destellos de la aurora,
Hayaan na ang mga bituin sa hating-gabi ay magdilim. Hayaan na maghanap ng liwanag ang araw na iyon pero walang matagpuan, o kaya ang mga talukap ng mga mata ay huwag nang makakita ng bukang liwayway,
10 porque no cerró las puertas de la matriz donde yo estaba, ni escondió la miseria de mis ojos.
dahil hindi nito sinara ang pintuan ng sinapupunan ng aking ina, ni itinago ang kaguluhan mula sa aking mga mata.
11 ¿Por qué no morí yo en la matriz o expiré al salir del vientre?
Bakit hindi pa ako namatay noong ako ay lumabas sa sinapupunan? Bakit hindi ko pa isinuko ang aking espiritu noong ako ay ipinagbubuntis pa lang ng aking ina?
12 ¿Por qué hallé rodillas que me acogieron y pechos que me amamantaron?
Bakit pa ako kinandong sa kaniyang mga tuhod? O tinanggap ng kaniyang didbdib para ako ay makasuso?
13 Pues ahora yacería tranquilo, dormiría y tendría descanso
Dapat sana tahimik na akong nakahiga ngayon, nakatulog na sana ako at namamahinga
14 con reyes y consejeros de la tierra que reedificaron ruinas para ellos,
kasama ng mga hari at taga-payo sa lupa, na nagtayo ng mga puntod para sa kanilang mga sarili na ngayon ay gumuho na.
15 o con príncipes que tuvieron oro, que llenaron de plata sus palacios.
O kaya naman ay nakahiga na kasama ang mga prinsipe na minsan nang nagkaroon ng maraming ginto, na pinuno ang kanilang mga bahay ng pilak.
16 ¡Oh! ¿Por qué no fui escondido como aborto, como los fetos que nunca ven la luz?
O kaya, patay na ako nang ipinanganak, tulad ng mga sanggol na hindi na nasilayan ang liwanag.
17 Allí dejan de perturbar los perversos. Allí descansan los de agotadas fuerzas.
Sa lugar na iyon, ang mga masasama ay wala nang kaguluhan, at ang mga pagod ay nakakapagpahinga.
18 Allí también los cautivos gozan del reposo, sin oír la voz del capataz.
Na kung saan ang mga bilanggo ay nagkakasundo, hindi na nila maririnig ang boses ng mga tagapamahala sa kanila.
19 Allí están el pequeño y el grande, y el esclavo está libre de su amo.
Ang mga karaniwan at mga tanyag na tao ay naroroon, ang lingkod doon ay malaya mula sa kayang amo.
20 ¿Por qué se da luz al desdichado, y vida a los de ánimo amargado,
Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong naghihirap, bakit pa ibinigay ang buhay sa taong ang kaluluwa ay puno ng pait;
21 a los que ansían la muerte y no les llega aunque la busquen más que tesoros escondidos,
ang taong gusto nang mamatay pero hindi mamatay-matay, ang taong naghahanap ng kamatayan higit pa sa paghahanap ng kayamanan?
22 a los que se alegran grandemente, y se regocijan cuando hallan la tumba,
Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong lubos na masaya at nagagalak kung hinahanap naman niya ay libingan?
23 al hombre para quien su camino está oculto, y a quien ʼElohim tiene acorralado?
Bakit ibinibigay ang liwanag sa isang taong inililihim ang kaniyang pamamaraan, isang tao kung saan naglagay ang Diyos ng mga bakod?
24 Porque en lugar de mi pan viene mi suspiro, y mis gemidos corren como aguas,
Dahil mas nangyayari ang aking hikbi kaysa kumain; ang aking panaghoy ay ibinubuhos na parang tubig.
25 porque me cayó lo que temía y el terror que tenía me aconteció.
Dahil ang bagay na kinatatakutan ko ay dumating na sa akin; kung ano ang ikinatatakot ko ay narito na.
26 ¡No tengo paz, ni tranquilidad, ni reposo, sino me vino turbación!
Wala akong kaginhawaan, katahimikan at kapahingahan bagkus ang dumating sa akin ay kabalisahan.