< Jeremías 12 >
1 Justo eres Tú, oh Yavé, para que yo contienda contigo. Sin embargo, defenderé mi causa ante Ti: ¿Por qué prospera el camino de los perversos, y los traidores viven en paz?
Sa tuwing nakikipagtalo ako sa iyo, Yahweh, ikaw ay matuwid. Tunay nga na dapat kong sabihin sa iyo ang aking dahilan upang magreklamo. Bakit nagtatagumpay ang pamamaraan ng mga masasama? Nagtatagumpay ang lahat ng mga taong walang pananampalataya.
2 Los plantas y echan raíces. Crecen y dan fruto. Cercano estás de sus bocas, pero lejos de su pensamiento.
Itinanim mo sila at nagkaroon ng mga ugat. Nagpatuloy sila upang makapamunga. Malapit ka sa kanilang mga labi, ngunit malayo sa kanilang mga puso.
3 Pero Tú, oh Yavé, Tú me conoces. Me miras y pruebas mi corazón, cómo es hacia Ti. Sepáralos como a ovejas para el matadero. Apártalos para el día de la matanza.
Ngunit ikaw mismo Yahweh, kilala mo ako. Nakikita mo ako at sinusuri ang aking puso. Dalhin mo sila sa katayan tulad ng isang tupa. Ibukod mo sila para sa araw ng pagkatay.
4 ¿Hasta cuándo lamenta la tierra y se marchita la hierba de todo el campo? Por la perversidad de los que la habitan perecieron los animales y las aves. Porque dicen: Él no verá nuestro último fin.
Gaano katagal magpapatuloy ang lupain sa pagluluksa at nalalanta na ang mga halaman sa bawat bukirin dahil sa kasamaan ng mga naninirahan dito? Nawala lahat ang mga maiilap na hayop at mga ibon. Sa katunayan, sinasabi ng mga tao, “Hindi alam ng Diyos kung ano ang mangyayari sa atin.”
5 [Respuesta de] Yavé: Si te cansaste al correr con la infantería, ¿cómo puedes competir con la caballería? Si caes en una tierra de paz, entonces ¿qué harás en la selva del Jordán?
Sinabi ni Yahweh, “Sapagkat kung ikaw, Jeremias ay nakipagtakbuhan sa mga nakapaang kawal at pinagod ka nila, paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo? Kung nadapa ka sa kapatagan sa ligtas na kabukiran, paano mo gagawin sa mga kasukalan sa daan ng Jordan?
6 Porque aun tus hermanos y la casa de tu padre te traicionaron. Aun ellos gritan con voz fuerte detrás de ti. No les creas aunque te digan cosas agradables.
Sapagkat nagtaksil din sa iyo at labis kang tinuligsa ng iyong mga kapatid na lalaki at pamilya ng iyong ama. Huwag kang magtiwala sa kanila, kahit magsabi pa sila ng mga mabubuting bagay sa iyo.
7 Abandoné mi casa. Desamparé mi heredad. Entregué en manos de mis enemigos lo que mi alma ama.
Pinabayaan ko ang aking tahanan at tinalikuran ang aking mana. Ibinigay ko ang aking mga minamahal na tao sa mga kamay ng kaniyang mga kaaway.
8 Porque mi heredad fue para mí como león en la selva. Dio su rugido contra mí. Por tanto la aborrecí.
Naging katulad na ng isang leon sa isang kasukalan ang aking mana, ibinukod niya ang kaniyang sarili laban sa akin sa pamamagitan ng sarili niyang tinig, kaya kinamumuhian ko siya.
9 ¿Mi heredad es para mí como un ave de rapiña de muchos colores? ¿No hay aves de rapiña contra ella y alrededor de ella? Vengan, reúnanse todas las fieras del campo. Vengan a tragarla.
Ang aking mga mahahalagang pag-aari ay isang mabangis na aso at pinalilibutan ng mga ibong mandaragit ang itaas ng kaniyang ulo. Pumunta kayo at tipunin ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa mga bukirin at dalhin ang mga ito upang kainin sila.
10 Muchos pastores destruyeron mi viña. Pisotearon mi heredad. Convirtieron mi agradable heredad en un desierto desolado.
Sinira ng maraming pastol ang aking ubasan. Tinapakan nila ang buong bahagi ng aking lupain, ginawa nilang isang ilang at malagim ang aking kaakit-akit na bahagi.
11 La convirtieron en una desolación, y llora sobre mí desolada. Toda la tierra está desolada porque no reflexiona algún hombre.
Ginawa nila siyang isang lagim. Nagluluksa ako para sa kaniya dahil pinabayaan siya. Pinabayaan ang buong lupain dahil wala ni isa ang tumanggap nito sa kanilang puso.
12 Llegaron los destructores sobre todas las alturas del desierto, porque la espada de Yavé devora, desde un extremo de la tierra hasta el otro. Para nadie hay paz.
Dumating ang mga maninira laban sa lahat ng mga tigang na lugar sa ilang, sapagkat ang espada ni Yahweh ang umuubos sa dulo ng lupain hanggang sa iba pa. Walang kaligtasan sa lupain para sa anumang nabubuhay na nilalang.
13 Sembraron trigo y cosecharon espinas. Tuvieron la posesión, pero nada les aprovechó. Son avergonzados en sus cosechas a causa del ardor de la ira de Yavé.
Naghasik sila ng trigo ngunit umani ng tinik ng mga palumpong. Nagpakapagod sila sa pagtatrabaho ngunit walang napakinabangan. “Kaya, mahiya kayo sa inyong gawa dahil sa poot ni Yahweh.”
14 Con respecto a todos mis perversos vecinos que atacan la heredad con la cual doté a mi pueblo Israel, Yavé dice: Ciertamente los arrancaré de su tierra. Arrancaré a la Casa de Judá de en medio de ellos.
Ito ang sinasabi ni Yahweh laban sa lahat ng aking mga kapwa, ang mga taong masasama na sumira sa aking mga pag-aari na ipinamana ko sa aking mga taong Israelita, “Tingnan ninyo, ako ang siyang bubunot sa kanila mula sa kanilang sariling lupain at bubunutin ko ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.
15 Pero después que los arranque, volveré a tener compasión de ellos. Los devolveré cada uno a su heredad y cada cual a su tierra.
At pagkatapos kong bunutin ang mga bansang iyon, mangyayari na magkakaroon ako ng habag sa kanila at pababalikin ko sila. Ibabalik ko sila, ang bawat tao sa kaniyang mana at ang kaniyang lupain.
16 Sucederá que si en verdad quieren aprender los caminos de mi pueblo para invocar mi Nombre y decir: Vive Yavé, así como enseñaron a mi pueblo a jurar por baal, ellos serán establecidos en medio de mi pueblo.
Mangyayari na kapag maingat na natutunan ng mga bansang iyon ang mga pamamaraan ng aking mga tao na sumumpa sa aking pangalan 'Dahil buhay si Yahweh!' tulad ng itinuro nila sa aking mga tao na sumumpa kay Baal, kung gayon maitatayo sila sa kalagitnaan ng aking mga tao.
17 Pero si no escuchan, arrancaré a esa nación. La sacaré de raíz y la destruiré, dice Yavé.
Ngunit kung sinuman ang hindi makikinig, bubunutin ko ang bansang iyon. At tiyak itong mabubunot at mawawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”