< Salmos 124 >

1 Una canción de ascensos. Por David. Si no hubiera sido Yahvé quien estuviera de nuestra parte, dejemos que Israel diga ahora,
“Kung wala si Yahweh sa ating panig,” hayaang sabihin ng Israel ngayon,
2 si no hubiera sido Yahvé quien estuviera de nuestra parte, cuando los hombres se levantaron contra nosotros,
“kung hindi si Yahweh ang nasa ating panig nang lumusob ang mga tao laban sa atin,
3 entonces nos habrían tragado vivos, cuando su ira se encendió contra nosotros,
tiyak lalamunin nila tayo ng buhay nang sumiklab ang kanilang matinding galit laban sa atin.
4 entonces las aguas nos habrían desbordado, la corriente habría pasado por encima de nuestra alma.
Tatangayin tayo ng tubig; lalamunin tayo ng malakas na agos ng tubig.
5 Entonces las aguas orgullosas habrían pasado por encima de nuestra alma.
Pagkatapos lulunurin tayo ng rumaragasang tubig.”
6 Bendito sea Yahvé, que no nos ha dado como presa a sus dientes.
Purihin si Yahweh, siyang hindi nagpahintulot na magutay-gutay tayo sa pamamagitan ng kanilang mga ngipin.
7 Nuestra alma ha escapado como un pájaro de la trampa del cazador. La trampa se ha roto y hemos escapado.
Nakatakas tayo tulad ng isang ibon mula sa patibong ng mga manghuhuli; ang patibong ay nasira at tayo ay nakatakas.
8 Nuestra ayuda está en el nombre de Yahvé, que hizo el cielo y la tierra.
Ang ating saklolo ay na kay Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.

< Salmos 124 >