< Jeremías 33 >

1 Un segundo mensaje vino del Señor a Jeremías mientras seguía detenido en el patio de la guardia
At ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias sa ikalawang pagkakataon, habang nakakulong siya sa loob ng patyo ng bantay, at kaniyang sinabi,
2 Esto es lo que dice el Señor, el Señor que hizo la tierra, el Señor que le dio forma y la puso en su lugar, el Señor es su nombre:
“Ito ang sinasabi ni Yahweh na manlilikha, Si Yahweh na umaanyo upang magtatag, Yahweh ang kaniyang pangalan,
3 Clama a mí, y yo te responderé, explicándote cosas sorprendentes y ocultas de las que no tienes idea.
'Tumawag ka sa akin at sasagutin kita. Magpapakita ako ng dakilang mga bagay sa iyo, mga hiwaga na hindi mo nauunawaan.'
4 Porque esto es lo que dice el Señor, el Dios de Israel, sobre las casas de Jerusalén y los palacios de los reyes de Judá que fueron demolidos para obtener materiales de defensa contra las rampas de asedio y los ataques del enemigo.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga tahanan sa lungsod na ito at sa mga tahanan ng mga hari ng Juda na nagiba dahil sa mga bunton ng paglusob at sa espada,
5 Vienen a luchar contra los babilonios, pero sólo llenarán esas casas con los cadáveres de los que voy a matar en mi furiosa ira. He renunciado a esta ciudad a causa de toda su maldad.
'Parating na ang mga Caldeo upang makipaglaban at upang punuin ang mga tahanan ng mga bangkay ng mga tao na aking papatayin sa aking galit at poot, kapag ikukubli ko ang aking mukha mula sa lungsod na ito dahil sa lahat na kasamaan nila.
6 Pero aun así, en el futuro la restauraré y repararé, y sanaré a su pueblo y le daré paz y seguridad duraderas.
Ngunit tingnan mo, magdadala ako ng kagalingan at isang lunas, sapagkat pagagalingin ko sila at magdadala ako sa kanila ng kasaganaan, kapayapaan at katapatan.
7 Haré que Judá e Israel vuelvan del exilio y los haré tan fuertes como antes.
Sapagkat ibabalik ko ang mga kayamanan ng Juda at Israel. Itatayo ko silang muli gaya noong simula.
8 Lavaré todos sus pecados que cometieron contra mí, y perdonaré toda su culpa desde que pecaron al rebelarse contra mí.
At lilinisin ko sila mula sa lahat ng kasamaang kanilang ginawa laban sa akin. Patatawarin ko ang lahat ng kanilang mga kasamaang kanilang nagawa laban sa akin, at ang lahat ng kanilang paghihimagsik laban sa akin.
9 Entonces esta ciudad me dará una reputación gloriosa, celebrada y alabada por todas las naciones de la tierra que se enteren de todas las cosas buenas que hago por ella. Temblarán, asombrados de todo el bien que he hecho por ella, de cómo la he hecho tan próspera.
Sapagkat ang lungsod na ito ay magiging kagalakan sa akin, isang awit ng papuri at karangalan para sa lahat ng bansa sa daigdig na makaririnig ng lahat ng mabubuting bagay na aking gagawin para dito. At manginginig sila dahil sa lahat ng mabubuting bagay at sa kapayapaang aking ibibigay dito.'
10 Esto es lo que dice el Señor: Ustedes llaman a este lugar “un páramo donde no hay gente ni animales”. Pues bien, aquí, en las ciudades de Judá y en las calles vacías de Jerusalén, donde no viven ni personas ni animales, un día
Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar na ito na inyong sinasabi ngayon, “Ito ay napabayaan. Walang tao ni hayop sa mga lungsod ng Juda at walang naninirahan sa mga lansangan ng Jerusalem, tao man o hayop.”
11 volverán a oírse allí los sonidos de la alegría y la fiesta, las voces alegres de los novios y los gritos de alabanza de los que traen ofrendas de agradecimiento al Templo del Señor, diciendo: “¡Gracias al Señor Todopoderoso! Porque el Señor es bueno; su amor confiable perdura para siempre”. Porque yo también haré volver a la tierra de su “cautiverio”, dice el Señor.
Muling makaririnig dito ng mga ingay ng kagalakan at pagdiriwang, mga ingay ng mga lalaki at mga babaeng ikakasal, mga ingay ng mga taong nagsasabi, “Magpasalamat kay Yahweh ng mga hukbo, sapagkat siya ay mabuti at ang kaniyang tipan ng katapatan ay walang hanggan.” Magdala ng handog ng pasasalamat sa aking tahanan, sapagkat panunumbalikin ko ang kayamanan ng lupain gaya noong simula,' sabi ni Yahweh.
12 Esto es lo que dice el Señor Todopoderoso: En este páramo donde no hay gente ni animales, y en todas sus ciudades, volverá a haber pastos donde los pastores puedan llevar sus rebaños.
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Sa napabayaang lugar na ito, na ngayon ay mayroon nang tao at hayop, magkakaroon muli ng pastulan sa lahat ng lungsod nito para sa mga pastol na umaakay sa kanilang mga kawan upang mamahinga.
13 En todos los pueblos, ya sea en la región montañosa, en las estribaciones, en el Néguev, en la tierra de Benjamín, en los pueblos alrededor de Jerusalén o en todas las ciudades de Judá, los rebaños volverán a ser contados por sus pastores, dice el Señor.
Sa mga lungsod sa maburol na lugar, sa mga kapatagan, at sa Negeb, sa lupain ng Benjamin at sa buong paligid ng Jerusalem, at sa mga lungsod ng Juda, daraan muli ang mga kawan sa ilalim ng mga kamay ng bibilang sa kanila,' sabi ni Yahweh.
14 ¡Mira! Se acerca el momento, dice el Señor, en que cumpliré mi promesa de hacer el bien al pueblo de Israel y de Judá.
Tingnan mo! Dumarating ang mga araw, ito ang pahayag ni Yahweh, na gagawin ko ang aking ipinangako sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
15 En ese momento, allí mismo, les daré un buen rey del linaje de David. Él hará lo que es justo y correcto en todo el país.
Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon, gagawa ako ng isang matuwid na sanga na magmumula sa lahi ni David, at kaniyang ipatutupad ang katarungan at katuwiran sa lupain.
16 Entonces se salvará Judá, y el pueblo de Jerusalén vivirá con seguridad. Este es el nombre que recibirá: El Señor que nos hace justicia.
Sa mga araw na iyon, maliligtas ang Juda, at mamumuhay nang matiwasay ang Jerusalem, sapagkat ito ang itatawag sa kaniya, “Si Yahweh ay ang ating katuwiran.'”
17 Esto es lo que dice el Señor: David tendrá siempre un descendiente que será rey de Israel,
Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh, 'Ang isang lalaki na magmumula sa lahi ni David ay hindi kailanman kukulangin na uupo sa trono sa tahanan ng Israel
18 y los sacerdotes levitas tendrán siempre un descendiente que me presente holocaustos, ofrendas de grano y sacrificios.
ni ang isang lalaki mula sa mga Levitang pari ay magkukulang sa aking harapan na magtaas ng mga sinunog na handog, upang maghandog ng mga pagkaing susunugin, at upang maghandog ng mga butil sa lahat ng panahon.'”
19 Un mensaje del Señor llegó a Jeremías:
Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi, “
20 Esto es lo que dice el Señor: Si fueras capaz de romper mi acuerdo con el día y con la noche, para que no llegaran a su hora,
Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kung magagawa ninyong sirain ang aking tipan sa araw at sa gabi nang sa gayon wala nang araw at gabi sa kanilang tamang panahon,
21 sólo entonces se rompería mi acuerdo con David, mi siervo, y con los levitas que sirven como mis sacerdotes, para que David no tuviera un descendiente que reinara en su trono.
kung gayon ay magagawa rin ninyong sirain ang aking tipan kay David na aking lingkod, nang sa gayon hindi na siya magkakaroon ng isang anak na lalaking uupo sa kaniyang trono, at ang aking tipan sa mga paring Levita, na aking mga lingkod.
22 De la misma manera que no se pueden contar las estrellas del cielo ni se puede medir la arena de la orilla del mar, así multiplicaré el número de los descendientes de mi siervo David y de los levitas que me sirven.
Gaya ng mga hukbo ng langit na hindi mabilang, at ng mga buhangin sa dalampasigan na hindi masukat, tulad nito ang pagpaparami ko sa mga kaapu-apuhan ni David na aking lingkod at ang mga Levita na naglilingkod sa akin.”
23 Otro mensaje del Señor llegó a Jeremías:
Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi,
24 ¿Has oído lo que dice la gente? “El Señor eligió a dos familias, pero ahora las ha rechazado”? Por eso desprecian a mi pueblo y no lo consideran digno de ser llamado una nación.
“Hindi mo ba isinaalang-alang ang ipinahayag ng mga taong ito nang sabihin nila, 'Ang dalawang angkan na pinili ni Yahweh, ngayon sila ay tinanggihan niya? Sa paraang ito, hinamak nila ang aking mga tao, sinasabi na hindi na sila isang bansa sa kanilang paningin.
25 Esto es lo que dice el Señor: Así como no puedo romper mi acuerdo con el día y la noche y las leyes que regulan el cielo y la tierra,
Akong si Yahweh ang nagsabi nito, 'Kung wala na ang aking tipan para sa araw at gabi, o hindi ko pinanatili ang kaayusan ng langit at lupa,
26 tampoco puedo rechazar a los descendientes de Jacob y de mi siervo David, y no puedo dejar de hacer que sus descendientes sean gobernantes sobre los descendientes de Abraham, Isaac y Jacob. Los haré volver del exilio y seré benévolo con ellos.
at kung gayon, hindi ko tatanggapin ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at David na aking lingkod, at hindi ako magdadala sa kanila ng isang taong mamumuno sa lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham, Isaac, at Jacob. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan at magiging mahabagin ako sa kanila.”

< Jeremías 33 >