< Habacuc 3 >

1 Esta es una oración cantada por el profeta Habacuc. Con Sigonot.
Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
2 He oído lo que se dice de ti, Señor. Me impresiona tu obra. Señor, revívela en nuestros tiempos; haz que en nuestro tiempo sea conocida tu obra. En tu ira, por favor, acuérdate de tu misericordia.
Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
3 Dios vino desde Temán. El Santo del Monte de Parán. (Selah) Su Gloria cubrió los cielos. La tierra se llenó de su alabanza.
Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
4 Su brillo es como un relámpago. De su mano salen rayos, y en ellas guarda su poder.
At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
5 Delante de él viene la plaga, y la enfermedad sigue a sus pies.
Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot, At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
6 La tierra tiembla dondequiera que él se queda en pie. Cuando mira, las naciones tiemblan. Las antiguas montañas y colinas se sacuden y colapsan, pero sus caminos son eternos.
Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa; Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
7 Vi el sufriemiento de las tiendas de Cusán, y las cortinas de las tiendas en la tierra de Madián tiemblan,
Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati; Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.
8 ¿Quemaste los ríos con tu ira, Señor? ¿Estabas enojado con los ríos? ¿Estabas furioso con el mar cuando montaste tus caballos y carruajes de salvación?
Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog, O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat, Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo, Sa iyong mga karo ng kaligasan?
9 Desenfundaste tu arco y llenaste con flechas tu aljaba. (Selah) Tú dividiste la tierra con los ríos.
Ang iyong busog ay nahubarang lubos; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.
10 Las montañas te vieron y se estremecieron. Salió el agua y se derramó por todo el lugar. Las profundidades salieron a la luz, formando enormes y altas olas.
Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at nangatakot; Ang unos ng tubig ay dumaan: Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig, At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
11 El sol y la luna se detuvieron en el cielo mientras tus flechas volaban y tus lanzas emanaban luz.
Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan, Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon, Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
12 Enfurecido, marchaste por la tierra, pisoteando a las naciones con tu enojo.
Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit; Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
13 Saliste a salvar a tu pueblo, a salvar a tu pueblo escogido. Destruiste la cabeza de los malvados, despojándolos hasta los huesos.
Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan, Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama, Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
14 Con sus propias flechas atravesaste las cabezas de sus guerreros, los que vinieron en medio de un torbellino para dispersarme, y que se regocijaban como los que abusan de los pobres en secreto.
Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma: Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
15 Pisoteaste el mar con tus caballos, agitando las poderosas aguas.
Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. Sa bunton ng makapangyarihang tubig.
16 Me sacudí por dentro cuando oí esto. Mis labios temblaron ante el sonido. Mis huesos se volvieron gelatina y temblé allí donde estaba en pie. Espero en silencio el día en que vendrá la tribulación sobre aquellos que nos atacaron.
Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig; kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako; Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan, Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
17 Aunque no haya flores en las higueras ni uvas en los viñedos; aunque no crezca la cosecha de olivo, ni haya animales en el corral, o ganado en los establos;
Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; Ang bunga ng olibo ay maglilikat. At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan, At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:
18 aún así me alegraré en el Señor, gozoso en el Dios de mi salvación.
Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
19 El Señor Dios es mi fuerza. Él me hace caminar sobre montes altos, con la seguridad de un ciervo. (Al director musical: con instrumentos de cuerda).
Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa. At ako'y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako. Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.

< Habacuc 3 >