< Ezequiel 37 >

1 El Señor me recogió y me llevó con su Espíritu. Me puso en medio de un valle que estaba lleno de huesos.
Ang kamay ni Yahweh ay dumating sa akin, dinala ako sa gitna ng isang lambak sa pamamagitan ng Espiritu ni Yahweh. Punong-puno ito ng mga buto.
2 Me condujo alrededor de ellos, y en todas las direcciones vi muchísimos huesos en el fondo del valle. Estaban muy secos.
At inilibot niya ako sa mga ito. Masdan! Napakarami ng mga ito sa lambak. At masdan! Tuyong-tuyo ang mga ito.
3 Entonces me preguntó: “Hijo de hombre, ¿pueden estos huesos volver a la vida?”. “Señor Dios, sólo tú sabes la respuesta”, le contesté.
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, mabubuhay pa bang muli ang mga butong ito?” Kaya sinabi ko, “Panginoong Yahweh, ikaw lamang ang nakakaalam!”
4 Me dijo: “Profetiza a estos huesos y diles: ¡Huesos secos, escuchad este mensaje del Señor!
At sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga butong ito at sabihin mo sa kanila, 'Mga tuyong buto! Makinig kayo sa salita ni Yahweh.
5 Esto es lo que el Señor Dios dice a estos huesos: Soplaré aire en ustedes y volverán a la vida.
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga butong ito: Masdan ninyo! “Magdadala ako ng espiritu sa inyo, at mabubuhay kayo.
6 Les daré tendones y haré que les crezca carne y los cubriré con piel. Les insuflaré aire para que vuelvan a la vida. Entonces sabrás que yo soy el Señor”.
Maglalagay ako ng mga litid sa inyo at magbibigay ng laman sa inyo. Babalutin ko kayo ng balat at bibigyan ko kayo ng hininga upang kayo ay mabuhay. At malalaman ninyo na ako si Yahweh.”
7 Así que profeticé tal como se me había ordenado. Cuando empecé a profetizar, de repente oí un ruido seco. Los huesos se unieron, hueso pegado a hueso.
Kaya nagpahayag ako gaya ng iniutos sa akin; habang nagpapahayag ako, narito, isang tunog ng pagyanig ang dumating. At ang mga buto ay nagkadikit-dikit—buto sa buto.
8 Mientras miraba, vi que les crecían tendones y carne, y que la piel los cubría; pero los cuerpos no respiraban.
Tiningnan ko at, masdan, nagkaroon na sila ng mga litid! At nagkaroon na ng laman at binalot ng balat ang mga ito! Ngunit wala pa rin silang mga buhay.
9 Entonces me dijo: “¡Anuncia al aliento! Profetiza, hijo de hombre, y dile al aliento que esto es lo que dice el Señor Dios: ¡Aliento, ven de los cuatro vientos, y sopla en estos cuerpos, para que vuelvan a la vida!”
At sinabi sa akin ni Yahweh, “Magpahayag ka sa hangin! Magpahayag ka, anak ng tao, at sabihin sa hangin, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Espiritu! Pumunta ka mula sa apat na hangin. At hingahan ang mga patay na ito upang mabuhay silang muli.”'
10 Así que profeticé tal como me había ordenado, y el aliento entró en los cuerpos, y éstos volvieron a la vida y se pusieron de pie, ¡un enorme ejército!
Kaya nagpahayag ako gaya ng iniutos sa akin; dumating ang Espiritu sa kanila at sila ay nabuhay! Pagkatapos ay tumayo sila, isang napakalaking hukbo!
11 Me dijo: “Hijo de hombre, estos huesos representan a todo el pueblo de Israel. Escucha lo que dice la gente: ‘Nuestros huesos se han secado y nuestra esperanza ha sido aplastada. Hemos sido aniquilados’.
At sinabi sa akin ng Diyos, “Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sambahayan ng Israel. Masdan mo! Sinasabi nila, 'Natuyo na ang aming mga buto, at nawala na ang aming pag-asa. Pinutol kami para sa pagkawasak!'
12 “Así que profetiza y diles que esto es lo que dice el Señor Dios: Pueblo mío, voy a abrir tus tumbas y te sacaré de ellas, y te llevaré de vuelta al país de Israel.
Kaya magpahayag ka at sabihin sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Pagmasdan ninyo! Aking mga tao! Bubuksan ko ang inyong mga libingan at ilalabas ko kayo mula sa mga ito. At ibabalik ko kayo sa lupain ng Israel!
13 Entonces sabrán que yo soy el Señor, cuando abra sus tumbas y los saque de ellas, pueblo mío.
Kaya aking mga tao, malalaman ninyo na ako si Yahweh, kapag binuksan ko ang inyong mga libingan at ilabas kayo sa mga ito.
14 Pondré mi Espíritu en ustedes y volverán a vivir, y los llevaré de vuelta a su propio país. Entonces sabrás que yo, el Señor, he hablado, y lo cumpliré, declara el Señor”.
Ilalagay ko ang aking Espiritu sa inyo upang kayo ay mabuhay, at pagpapahingain ko kayo sa inyong lupain kapag nalaman ninyo na ako si Yahweh. Ipinahayag ko at gagawin ko ito—ito ang pahayag ni Yahweh.”'
15 Otro mensaje del Señor me llegó, diciendo:
At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
16 “Hijo de hombre, toma un pedazo de madera y escribe en él ‘Esto pertenece a Judá y a las tribus israelitas aliadas a ellos’. Luego toma otro trozo de madera y escribe en él ‘Esto pertenece a José. Este es el pedazo de madera de Efraín y de las tribus israelitas aliadas a ellos’.
“Ngayon, ikaw na anak ng tao, kumuha ka ng isang patpat at at sulatan ito, 'Para sa Juda at para sa mga Israelita na kasama niya.' At kumuha ka muli ng isa pang patpat at at sulatan ito, “Para kay Jose, ang sanga ng Efraim, at para sa lahat ng mga Israelita namga kasama nila.'
17 Luego une los dos trozos de madera en uno solo, de modo que los tengas como uno solo en tu mano.
At pagsamahin mo ang dalawang ito upang maging isang patpat, upang maging iisa ang mga ito sa iyong kamay.
18 “Cuando tu pueblo venga y te pregunte: ‘¿Vas a explicar de qué se trata todo esto?’
Kapag makipag-usap sa iyo ang iyong mga tao at sasabihin, 'Hindi mo ba sasabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito?'
19 Diles que esto es lo que dice el Señor Dios: Voy a tomar el trozo de madera de José, que tiene Efraín, junto con las tribus israelitas aliadas a ellos, y los uniré con el trozo de madera de Judá. Los convertiré en un solo pedazo de madera, y serán como uno solo en mi mano.
at sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Pagmasdan ninyo! Kukunin ko ang sanga ni Jose na nasa kamay ng Efraim at sa mga tribo ng Israel na mga kasama niya at isasama ko ito sa sanga ng Juda, upang sila ay maging isang sanga, at magiging isa sila sa aking kamay!'
20 “Cuando tengas en tus manos los trozos de madera en los que has escrito, y mientras todos te miran,
At hawakan mo sa iyong kamay ang mga sanga na sinulatan mo sa harapan ng kanilang mga mata.
21 diles que esto es lo que dice el Señor Dios: Voy a hacer volver a los israelitas de las naciones a las que han ido. Los reuniré de todas partes y los llevaré de vuelta a su propio país.
At ipahayag mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan! Kukunin ko ang Israelita mula sa mga bansa kung saan sila pumunta. Titipunin ko sila mula sa mga nakapalibot na mga lupain. Sapagkat dadalhin ko sila sa kanilang lupain.
22 Haré de ellos una sola nación en el país, que vivirá en las montañas de Israel, y un solo rey los gobernará a todos. Ya no serán dos naciones; nunca más se dividirán en dos reinos.
Gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at magkakaroon ng isang hari na maghahari sa kanilang lahat, at hindi na sila kailanman magiging dalawang bansa; hindi na sila kailanman mahahati sa dalawang kaharian.
23 “Ya no se contaminarán con sus ídolos o imágenes repugnantes, ni con ninguno de sus pecados producto de su rebeldía. Los salvaré de todos sus pecados cuando me abandonaron, y los limpiaré. Ellos serán mi pueblo, y yo seré su Dios.
At hindi na nila kailanman dudungisan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan, sa kanilang mga kasuklam-suklam na mga bagay o anuman sa iba pa nilang mga kasalanan. Sapagkat ililigtas ko sila mula sa lahat ng kanilang mga gawaing walang pananamplataya kung saan sila ay nagkasala, at lilinisin ko sila, upang sila ay maging aking mga tao at ako ang kanilang magiging Diyos.
24 Mi siervo David será su rey. Estarán unidos bajo un solo gobernante. Seguirán mis leyes, y observarán y practicarán mis reglamentos.
Si David na aking lingkod ang maghahari sa kanila. Kaya magkakaroon ng isang pastol sa kanilang lahat, at lalakad sila ayon sa aking mga utos at tutuparin nila ang aking mga panuntunan at susundin nila ang mga ito.
25 “Vivirán en el país que le di a mi siervo Jacob, donde vivieron sus antepasados. Vivirán allí con sus hijos y nietos para siempre, y mi siervo David será su príncipe para siempre.
Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, kung saan nanatili ang inyong mga ama. Maninirahan sila dito magpakailanman—sila, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga apo, sapagkat ang lingkod kong si David ang kanilang magiging pinuno magpakailanman.
26 Haré un acuerdo de paz con ellos. Será un acuerdo eterno. Los haré seguros y aumentaré su número, y mantendré mi santuario allí con ellos para siempre.
Magtatatag ako ng isang tipan ng kapayapaan sa kanila. Magiging walang hanggang kasunduan ito sa kanila. Kukunin at pararamihin ko sila at ilalagay ko ang aking banal na lugar sa kanilang kalagitnaan magpakailanman.
27 Mi tabernáculo estará con ellos. Yo seré su Dios, y ellos serán mi pueblo.
Dala-dala nila ang tirahan kung saan ako nananahan; Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ang aking magiging mga tao!
28 Las naciones reconocerán que yo soy el Señor que bendice a Israel, cuando mi santuario esté con ellos para siempre”.
At malalaman ng mga bansa na ako si Yahweh, na siyang nagtatalaga sa Israel sa aking sarili, kapag ang aking banal na lugar ay nasa kanilang kalagitnaan magpakailanman!”'

< Ezequiel 37 >