< Zacarías 13 >

1 En aquel día se abrirá una fuente para la casa de David y para los habitantes de Jerusalén, a fin de (lavar) el pecado y la inmundicia.
“Sa araw na iyon, isang bukal ang bubuksan para sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, para sa kanilang kasalanan at karumihan.
2 En aquel día, dice Yahvé de los ejércitos, exterminaré de la tierra los nombres de los ídolos, y no quedará más memoria de ellos; y extirparé de la tierra también a los profetas y al espíritu inmundo.
At mangyayari ito sa araw na iyon, “—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—”na tatanggalin ko ang mga pangalan ng mga diyus-diyosan mula sa lupain upang hindi na sila maalala kailanman. Palalabasin ko rin sa lupain ang mga bulaang propeta at ang kanilang maruming espiritu.
3 Cuando alguno en adelante se ponga a profetizar, le dirán su padre y su madre que le engendraron: «No vivirás porque has hablado mentira en el Nombre de Yahvé». Y su padre y su madre que le engendraron, le traspasarán mientras esté profetizando.
Kung magpapatuloy sa pagpapahayag ang sinuman, sasabihin sa kaniya ng kaniyang ama at ina na siyang nagsilang sa kaniya, 'Hindi ka mabubuhay, sapagkat nagsalita ka ng kasinungalingan sa pangalan ni Yahweh!' At ang ama at ina na siyang nagsilang sa kaniya ang sasaksak sa kaniya kapag magpapahayag siya.
4 Cuando en aquel día profeticen los profetas, se avergonzarán cada cual de su visión, y no vestirán más el manto de pelo para mentir.
At mangyayari ito sa araw na iyon na ang bawat propeta ay ikakahiya ang kaniyang pangitain kapag siya ay magpapahayag na. Ang mga propetang ito ay hindi na magsusuot kailanman ng mabalahibong balabal, upang linlangin ang mga tao.
5 Un tal dirá: «Yo no soy profeta, soy labrador de la tierra; porque un hombre me compró ya en mi juventud».
Sapagkat sasabihin ng bawat isa, 'Hindi ako isang propeta! Isa akong lalaking nagtatrabaho sa lupa, sapagkat ang lupa ay naging trabaho ko na nang ako ay binata pa lamang!'
6 Y cuando le preguntaren: «¿Qué son esas heridas en tus manos?», contestará: «Me hicieron estas heridas en la casa de mis amigos».
Ngunit may isang magsasabi sa kaniya, 'Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga braso?' at sasagot siya, 'Ako ay nasugatan nang nasa bahay ako ng aking mga kaibigan.”'
7 ¡Despierta, espada, contra mi Pastor, y contra el Varón de mi compañía, dice Yahvé de los ejércitos: ¡Hiere al Pastor! y se dispersarán las ovejas, y extenderé mi mano contra los párvulos.
“Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol, ang lalaki na nakatayo ng malapit sa akin” —Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.” Patayin ang pastol, at ang kawan ay magkakawatak-watak! Sapagkat ipipihit ko ang aking kamay laban sa mga mahihina.
8 Y sucederá que en toda la tierra, dice Yahvé, serán exterminados los dos tercios, perecerán y quedará en ella solo un tercio,
At mangyayari ito sa buong lupain”— ito ang pahayag ni Yahweh— “na ang dalawa sa tatlong bahagi nito ay mahihiwalay! Ang mga taong iyon ay mamatay; ang ikatlong bahagi lamang ang mananatli doon.
9 Y este tercio lo meteré en el fuego, lo purificaré como se purifica la plata, y lo probaré como se prueba el oro. Invocará mi Nombre y Yo lo escucharé; Yo diré: «Pueblo mío es». Y él dirá: «Yahvé es mi Dios».
Dadalhin ko ang ikatlong bahaging iyon sa apoy at dadalisayin ang mga ito na gaya ng pagdalisay sa pilak; susubukin ko sila gaya ng pagsubok sa ginto. Tatawag sila sa aking pangalan, at sasagutin ko sila at sasabihin, 'Ito ay aking mga tao!' at sasabihin nila, 'Si Yahweh ay aming Diyos!”

< Zacarías 13 >