< Cantar de los Cantares 1 >
Ang Awit ng mga Awit ni Solomon. Nagsasalita sa kaniyang kasintahan ang dalaga
2 ¡Béseme él con los besos de su boca! porque tus amores son mejores que el vino.
O, halikan mo ako ng mga halik ng iyong bibig, dahil mas mainam kaysa sa alak ang iyong pag-ibig.
3 Suave es el olor de tus ungüentos; es tu nombre ungüento derramado; por eso te aman las doncellas.
May kaaya-ayang halimuyak ang iyong mga langis na pamahid; parang pabangong dumadaloy ang iyong pangalan, kaya iniibig ka ng mga dalaga.
4 Atráeme en pos de ti. ¡Corramos! Me introdujo el Rey en sus cámaras. Nos gozaremos, nos alegraremos en ti. Celebraremos tus amores más que el vino. Con razón te aman.
Isama mo ako, at tayo ay tatakbo. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang dalaga. Dinala ako ng hari sa kaniyang mga silid. Nagsasalita sa kaniyang kasintahan ang dalaga Masaya ako, nagagalak sa iyo; hayaan mong ipagdiwang ko ang iyong pag-ibig, mas mainam ito kaysa sa alak. Tama lang na hangaan ka ng ibang mga kababaihan. Nagsasalita ang babae sa ibang kababaihan.
5 Morena soy, pero hermosa, oh hijas de Jerusalén, como las tiendas de Cedar, como los pabellones de Salomón.
Nagsasalita ang babae sa ibang mga kababaihan. Ako ay kayumanggi pero maganda, kayong mga dalaga ng mga kalalakihan ng Jerusalem- kayumanggi tulad ng mga tolda ng Kedar, maganda tulad ng mga kurtina ni Solomon.
6 No reparéis en que soy morena; es que me ha quemado el sol. Los hijos de mi madre se airaron contra mí; me pusieron a guardar las viñas; pero mi viña, la mía, no he guardado.
Huwag akong titigan dahil sa ako ay kayumanggi, dahil ako ay bahagyang sinunog ng araw. Ang mga lalaking kapatid ko sa ina ay galit sa akin; ginawa nila akong taga-pangalaga ng ubasan, pero ang sarili kong ubasan hindi ko napanatili. Nagsasalita sa kaniyang kasintahan ang babae
7 Dime, oh tú a quien ama el alma mía, dónde pastoreas, dónde haces sestear las ovejas al mediodía, para que no ande yo vagando alrededor de los rebaños de tus compañeros.
Sabihin mo sa akin, ikaw na aking mahal, saan mo pinapakain ang iyong kawan? Saan mo pinagpapahinga ang iyong kawan sa katanghalian? Bakit ako dapat maging katulad ng isang tao na nagpapalakad-lakad sa tabi ng mga kawan ng iyong mga kasamahan? Sumasagot sa kaniya ang kaniyang mangingibig.
8 Si no lo sabes, oh hermosa entre las mujeres, sal siguiendo las huellas del rebaño, y apacienta tus cabritos junto a las cabañas de los pastores.
Kung hindi mo alam, pinakamaganda sa mga kababaihan, sundan mo ang dinaraanan ng aking kawan, at ipastol mo ang iyong mga batang kambing malapit sa mga tolda ng mga pastol.
9 A mi yegua, en las carrozas del Faraón, te comparo, oh amiga mía.
Inihahambing kita, aking mahal, sa isang inahing kabayo na nabibilang sa mga kabayo ng mga karwahe ni Paraon.
10 Hermosas son tus mejillas entre los pendientes, cuello entre los collares.
Ang iyong mga pisngi ay magandang may palamuti, ang iyong leeg may kwintas ng mga hiyas.
11 Collares de oro haremos para ti incrustados de plata.
Gagawan kita ng gintong mga palamuti na may mga batik-batik na pilak. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
12 Estando el rey en su diván, mi nardo exhala su fragancia.
Habang nakahiga ang hari sa kaniyang papag, naglabas ng halimuyak ang aking nardo.
13 Un manojito de mirra es para mí el amado mío: reposa entre mis pechos.
Para sa akin, tulad ng isang sisidlan ng mira ang aking minamahal na nagpapalipas ng gabi nakahiga sa pagitan ng aking mga dibdib.
14 Racimo de cipro es mi amado para mí en las viñas de Engadí.
Para sa akin, ang aking minamahal ay tulad ng isang kumpol ng mga bulaklak ng hena sa ubasan ng En-gedi. Nagsasalita sa kaniya ang kaniyang kasintahan
15 Hermosa eres, amiga mía, eres hermosa; tus ojos son palomas.
Tingnan mo, maganda ka aking mahal, tingnan mo, maganda ka; parang mga kalapati ang iyong mga mata. Nagsasalita ang babae sa kaniyang mangingibig.
16 Hermoso eres, amado mío, ¡y cuan delicioso! y nuestro lecho es de flores.
Tingnan mo, makisig ka, aking minamahal, o anong kisig mo. Ang mga malalagong halaman ay nagsisilbing ating higaan.
17 De cedro son las vigas de nuestra casa, de ciprés nuestros artesonados.
Ang mga biga ng ating bahay ay mga sanga ng puno ng sedar, at ang pamakuan ng ating bubong ay mga sanga ng pir.