< Apocalipsis 12 >
1 Y una gran señal apareció en el cielo: una mujer revestida del sol y con la luna bajo sus pies y en su cabeza una corona de doce estrellas,
Isang dakilang tanda ang nakita sa langit: isang babae na dinamitan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa; at nasa ulo niya ay korona ng labing dalawang bituin
2 la cual, hallándose encinta, gritaba con dolores de parto y en las angustias del alumbramiento.
Siya ay buntis at sumisigaw sa sakit ng pagsisilang—sa sakit ng panganganak.
3 Y viose otra señal en el cielo y he aquí un gran dragón de color de fuego, con siete cabezas y diez cuernos, y en sus cabezas siete diademas.
At may isa pang tanda ang nakita sa langit. Tingnan mo! May isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at may pitong korona sa kaniyang mga ulo.
4 Su cola arrastraba la tercera parte de las estrellas del cielo y las arrojó a la tierra. El dragón se colocó frente a la mujer que estaba para dar a luz, a fin de devorar a su hijo luego que ella hubiese alumbrado.
Tinaboy ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihulog pababa sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babae na malapit nang magsilang, kaya nang siya ay nagsilang, gusto niyang ay lamunin ang kaniyang anak.
5 Y ella dio a luz a un hijo varón, el que apacentará todas las naciones con cetro de hierro; y el hijo fue arrebatado para Dios y para el trono suyo.
Nagsilang siya ng isang anak, isang batang lalaki, na siyang maghahari sa lahat ng mga bansa nang may tungkod na bakal. Inagaw ang kaniyang anak papunta sa Diyos at sa kaniyang trono,
6 Y la mujer huyó al desierto, donde tiene un lugar preparado por Dios para que allí la sustenten durante mil doscientos sesenta días.
at tumakas ang babae papunta sa ilang, kung saan inihanda ng Diyos ng lugar para sa kaniya, kaya maalagaan siya ng 1, 260 araw.
7 Y se hizo guerra en el cielo: Miguel y sus ángeles pelearon contra el dragón; y peleaba el dragón y sus ángeles,
Ngayon may labanan doon sa langit. Si Michael at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon; at lumaban pabalik ang dragon at ang kaniyang mga anghel.
8 mas no prevalecieron, y no se halló más su lugar en el cielo.
Pero ang dragon ay hindi gaanong malakas para manalo. Kaya wala ng natitirang lugar sa langit para sa kaniya at sa kaniyang mga anghel.
9 Y fue precipitado el gran dragón, la serpiente antigua, que se llama el Diablo y Satanás, el engañador del universo. Arrojado fue a la tierra, y con él fueron arrojados sus ángeles.
Ang dakilang dragon — ang dating ahas na tinawag na demonyo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo— ay tinapon pababa sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa kasama siya.
10 Y oí una gran voz en el cielo que decía: “Ahora ha llegado la salvación, el poderío y el reinado de nuestro Dios y el imperio de su Cristo, porque ha sido precipitado el acusador de nuestros hermanos, el que los acusaba delante de nuestro Dios día y noche.
Pagkatapos narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, “Ngayon narito na ang kaligtasan, ang kapangyarihan — at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kaniyang Cristo. Dahil ang taga-paratang ng ating mga kapatid ay naitapon na pababa — siyang nagparatang sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos.
11 Ellos lo han vencido en virtud de la sangre del Cordero y por la palabra, de la cual daban testimonio, menospreciando sus vidas hasta morir.
Siya ay kanilang nilupig sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng kanilang patotoo, dahil hindi nila minahal ang kanilang buhay nang higit, kahit sa kamatayan.
12 Por tanto alegraos, oh cielos, y los que habitáis en ellos. Mas ¡ay de la tierra y del mar! Porque descendió a vosotros el Diablo, lleno de gran furor, sabiendo que le queda poco tiempo”.
Kaya, magalak, kayong mga langit, at lahat ng naninirahan sa kanila. Pero kaawa-awa ang nasa lupa at ang nasa dagat dahil ang demonyo ay bumaba sa inyo. Napuno siya ng nakasisindak na galit, dahil alam niya na kakaunti lamang ang kaniyang oras.
13 Cuando el dragón se vio precipitado a la tierra, persiguió a la mujer que había dado a luz al varón.
Nang mapagtanto ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, hinanap niya ang babaing nagsilang ng batang lalaki.
14 Pero a la mujer le fueron dadas las dos alas del águila grande para que volase al desierto, a su sitio donde es sustentada por un tiempo y ( dos ) tiempos y la mitad de un tiempo, fuera de la vista de la serpiente.
Pero ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng isang malaking agila, kaya siya ay nakalipad sa lugar na inihanda para sa kaniya sa ilang, ang lugar kung saan siya mapapangalagaan, sa loob ng isang oras, maraming oras at kalahating oras—na malayong maabot ng ahas.
15 Entonces la serpiente arrojó de su boca en pos de la mujer agua como un río, para que ella fuese arrastrada por la corriente.
Nagbuga ng tubig mula sa kaniyang bibig ang ahas tulad ng isang ilog, kaya nakagawa ng isang baha para tangayin siya.
16 Mas la tierra vino en ayuda de la mujer pues abrió la tierra su boca, y sorbiose el río que el dragón había arrojado de su boca.
Pero tinulungan ng lupa ang babae. Binuksan nito ang kaniyang bibig at nilunok ng ilog ang binuga ng dragon mula sa kaniyang bibig.
17 Y se enfureció el dragón contra la mujer, y se fue a hacer guerra contra el resto del linaje de ella, los que guardan los mandamientos de Dios y mantienen el testimonio de Jesús.
Pagkatapos sumiklab ang galit ng dragon sa babae at umalis para makipagdigma sa mga natitirang kaapu-apuhan niya - silang mga sumunod sa mga kautusan ng Diyos at pinanghawakan ang mga patotoo tungkol kay Jesus.