< Salmos 81 >
1 Al maestro de coro. Por el tono de Hagghittoth (los lagares). De Asaf. Regocijémonos delante de Dios, nuestro Auxiliador; aclamad con júbilo al Dios de Jacob.
Umawit nang malakas sa Diyos ng aming kalakasan; sumigaw nang may kagalakan para sa Diyos ni Jacob.
2 Entonad himnos al son del címbalo, la cítara armoniosa y el salterio.
Umawit at tumugtog ng tamburin, ng kaaya-ayang lira kasama ng alpa.
3 Tocad la trompeta en el novilunio y en el plenilunio, nuestro día de fiesta.
Hipan ang sungay ng lalaking tupa sa araw ng bagong buwan, sa araw ng kabilugan ng buwan, kapag nagsimula ang araw ng aming kapistahan.
4 Porque esta es ley en Israel, prescripción del Dios de Jacob.
Dahil ito ay isang batas para sa Israel, isang kautusan na ibinigay ng Diyos ni Jacob.
5 Como rito recordatorio, la impuso Él a José, cuando salió (Él) contra la tierra de Egipto. Oyó entonces (este) lenguaje nunca escuchado:
Nagpalabas siya nito bilang isang patakaran kay Jose noong siya ay nagtungo sa lupain ng Ehipto, kung saan nakarinig ako ng wika na hindi ko naintindihan.
6 “Libré sus hombros de la carga, y sus manos dejaron los cestos.
“Inalis ko ang pasanin mula sa kaniyang balikat; ang kaniyang mga kamay ay nakalaya mula sa pagkakahawak ng basket.
7 En la tribulación me llamaste, y Yo te saqué; te respondí escondido en la nube tempestuosa, te probé en las aguas de Meribá.
Sa iyong pagdadalamhati ikaw ay tumawag, at tinulungan kita; Tinugon kita mula sa isang madilim na ulap na may kasamang kulog. Sinubok kita sa mga tubig ng Meriba. (Selah)
8 Oye, pueblo mío, quiero amonestarte. ¡Ojalá me escucharas, oh Israel!
Makinig kayo, aking bayan, dahil babalaan ko kayo, Israel, kung makikinig lamang kayo sa akin!
9 No haya en ti ningún otro Dios; no te encorves ante un dios ajeno.
Walang dapat na maging dayuhang diyos sa inyo; hindi ninyo dapat sambahin ang anumang dayuhang diyos.
10 Soy Yo Yahvé el Dios tuyo, que te saqué de la tierra de Egipto. Abre bien tu boca, y Yo la llenaré.
Ako si Yahweh na inyong Diyos, na naglabas sa inyo mula sa lupa ng Ehipto. Ibuka ninyo nang malaki ang inyong bibig, at pupunuin ko ito.
11 Pero mi pueblo no escuchó mi voz, e Israel no me obedeció.
Pero hindi nakinig ang aking bayan sa aking mga salita; hindi ako sinunod ng Israel.
12 Por eso los entregué a la dureza de su corazón: a que anduvieran según sus apetitos.
Kaya hinayaan ko (sila) na sundin ang katigasan ng sarili nilang pamamaraan para maaari nilang gawin kung ano sa tingin nila ang tama.
13 ¡Ah, si mi pueblo me oyera! ¡Si Israel siguiera mis caminos!
O, nawa makinig ang aking bayan sa akin; O, nawa lumakad sa aking mga landas ang aking bayan.
14 Cuán pronto humillaría Yo a sus enemigos, y extendería mi mano contra sus adversarios.
Pagkatapos agad kong pasusukuin ang kanilang mga kaaway at ibabaling ko ang aking kamay laban sa mga nang-aapi sa kanila.
15 Los que odian a Dios le rendirían homenaje, y su destino estaría fijado para siempre.
Nawa ang mga napopoot kay Yahweh ay yumuko nang may takot sa harap niya! Nawa (sila) ay mapahiya magpakailanman.
16 Yo le daría a comer la flor del trigo y lo saciaría con miel de la peña.”
Pakakainin ko ang Israel ng pinakamainam na trigo; pasisiyahin ko kayo ng pulot na lumalabas mula sa bato.”