< Salmos 114 >

1 ¡Hallelú Yah! Cuando Israel salió de Egipto, —la casa de Jacob de entre un pueblo bárbaro—
Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, ang sambahayan ni Jacob mula sa mga dayuhan na iyon,
2 Judá vino a ser su santuario, Israel su imperio.
ang Juda ang naging banal niyang lugar, ang Israel ang kaniyang kaharian.
3 El mar, al ver, huyó; el Jordán volvió atrás.
Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan.
4 Los montes saltaron como carneros, los collados como corderillos.
Ang mga bundok ay lumukso na parang mga tupa, ang mga burol ay lumukso na parang mga batang tupa.
5 ¿Qué tienes, mar, para huir y tú, Jordán, para volver atrás?
Bakit ka tumakas, O dagat? Jordan, bakit ka tumakas?
6 ¿Montes, para saltar como carneros; collados, como corderillos?
Mga bundok, bakit kayo lumukso na parang mga tupa? Kayong maliliit na burol, bakit kayo lumukso na parang batang tupa?
7 Tiembla, oh tierra, ante la faz del Señor, ante la faz del Dios de Jacob,
Mayanig ka, O lupa, sa harap ng Panginoon, sa presensiya ng Diyos ni Jacob.
8 que convierte la peña en estanque, la roca en fuente de aguas.
Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, ginawa niyang bukal ng tubig ang matigas na bato.

< Salmos 114 >