< Juan 7 >

1 Después de esto, Jesús anduvo por Galilea; pues no quería andar por Judea porque los judíos trataban de matarlo.
At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jesus ay naglakbay sa Galilea, sapagkat hindi niya gustong pumunta sa Judea dahil ang mga Judio ay nagpaplanong patayin siya.
2 Estando próxima la fiesta judía de los Tabernáculos,
Ngayon, nalalapit na ang kapistahan ng mga Hudyo, na Kapistahan ng mga Kanlungan.
3 sus hermanos le dijeron: “Trasládate a Judea, para que tus discípulos también ( allí ) vean que obras haces.
Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga kapatid na lalaki, “Iwanan mo ang lugar na ito at pumunta ka sa Judea, upang makita din ng iyong mga alagad ang mga gawaing ginagawa mo.
4 Ninguno esconde las propias obras cuando él mismo desea estar en evidencia. Ya que Tú haces tales obras, muéstrate al mundo”.
Walang sinumang gumagawa ng anumang bagay na palihim kung siya mismo ay gustong makilala ng hayagan. Kapag ginawa mo ang mga bagay na ito, ipakita mo ang iyong sarili sa buong mundo.”
5 Efectivamente, ni sus mismos hermanos creían en Él.
Sapagkat kahit ang mga kapatid niya ay hindi naniniwala sa kaniya.
6 Jesús, por tanto, les respondió: “El tiempo no ha llegado aún para Mí; para vosotros siempre está a punto.
Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking panahon ay hindi pa dumating, ngunit ang inyong panahon ay palaging nakahanda.
7 El mundo no puede odiaros a vosotros; a Mí, al contrario, me odia, porque Yo testifico contra él que sus obras son malas.
Hindi ka maaring kamuhian ng mundo, ngunit kinamumuhian ako nito dahil ako ay nagpatotoo tungkol dito na ang kaniyang mga gawa ay masama.
8 Id, vosotros, a la fiesta; Yo, no voy a esta fiesta, porque mi tiempo aún no ha llegado”.
Pumunta na kayo sa kapistahan; hindi ako pupunta sa kapistahang ito dahil ang aking oras ay hindi pa natutupad.”
9 Dicho esto, se quedó en Galilea.
Pagkatapos niyang sinabi ang mga bagay na ito sa kanila, siya ay nanatili sa Galilea.
10 Pero, después que sus hermanos hubieron subido a la fiesta, Él también subió, mas no ostensiblemente, sino como en secreto.
Subalit, pagkatapos pumunta ng kaniyang mga kapatid sa kapistahan, sumunod din siya, hindi hayagan ngunit palihim.
11 Buscábanle los judíos durante la fiesta y decían: “¿Dónde está Aquel?”
Hinahanap siya ng mga Judio sa kapistahan at sinabi, “Nasaan siya?”
12 Y se cuchicheaba mucho acerca de Él en el pueblo. Unos decían: “Es un hombre de bien”. “No, decían otros, sino que extravía al pueblo”.
Nagkaroon ng matinding talakayan sa maraming tao tungkol sa kaniya, sinabi ng ilan, “Siya ay mabuting tao.” Sinabi ng iba, “Hindi, nililigaw niya ang karamihan.”
13 Pero nadie expresaba públicamente su parecer sobre Él, por miedo a los judíos.
Ngunit wala ni isa na hayagang nagsalita tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
14 Estaba ya mediada la fiesta, cuando Jesús subió al Templo, y se puso a enseñar.
Nang malapit na matapos ang kapistahan, umakyat si Jesus sa templo at nagsimulang magturo.
15 Los judíos estaban admirados y decían: “¿Cómo sabe este letras, no habiendo estudiado?”
Namanghang ang mga Judio at sinasabi, “Paano nagkaroon ng maraming karunungan ang taong ito? Hindi naman siya nakapag-aral.”
16 Replicoles Jesús y dijo: “Mi doctrina no es mía, sino del que me envió.
Sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang aking katuruan ay hindi akin, ngunit sa kaniya na nagsugo sa akin.
17 Si alguno quiere cumplir Su voluntad, conocerá si esta doctrina viene de Dios, o si Yo hablo por mi propia cuenta.
Kung sinuman ang nagnanais gawin ang kaniyang kalooban, malalaman niya ang tungkol sa katuruang ito, kung ito ay nangagaling sa Diyos o nanggaling sa sarili ko.
18 Quien habla por su propia cuenta, busca su propia gloria, pero quien busca la gloria del que lo envió, ese es veraz, y no hay en él injusticia.
Sinuman ang magsalita mula sa kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kalulwalhatian, ngunit sinuman ang naghahangad ng kalulwalhatian sa kaniya na nagsugo sa kaniya, ang taong iyon ay totoo at walang kasamaan sa kaniya.
19 ¿No os dio Moisés la Ley? Ahora bien, ninguno de vosotros observa la Ley. ( Entonces ) ¿por qué tratáis de quitarme la vida?”.
Hindi ba binigay sa inyo ni Moises ang kautusan? Gayunman wala sa inyo ang gumagawa ng batas. Bakit gusto ninyo akong patayin?”
20 La turba le contestó: “Estás endemoniado. ¿Quién trata de quitarte la vida?”
Sumagot ang maraming tao, “Mayroon kang isang demonyo. Sino ang may gustong pumatay sa iyo?
21 Jesús les respondió y dijo: “Una sola obra he hecho, y por ello estáis desconcertados todos.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Gumawa ako ng isang bagay, at namangha kayo dahil dito.
22 Moisés os dio la circuncisión —no que ella venga de Moisés, sino de los patriarcas— y la practicáis en día de sábado.
Binigyan kayo ni Moises ng pagtutuli (hindi sa iyon ay nagmula kay Moises, ngunit nagmula sa mga ninuno), at sa Araw ng Pamamahinga tinutuli ninyo ang isang lalaki.
23 Si un hombre es circuncidado en sábado, para que no sea violada la Ley de Moisés: ¿cómo os encolerizáis contra Mí, porque en sábado sané a un hombre entero?
Kung ang isang lalaki ay tumanggap ng pagtutuli sa Araw ng Pamamahinga upang ang batas ni Moises ay hindi malabag, bakit kayo nagagalit sa akin dahil ginawa kong ganap na magaling ang isang tao sa Araw ng Pamamahinga?
24 No juzguéis según las apariencias, sino que vuestro juicio sea justo.
Huwag humatol ayon sa anyo, ngunit humatol ng may katuwiran.
25 Entonces algunos hombres de Jerusalén se pusieron a decir: “¿No es Este a quien buscan para matarlo?
Sinabi ng ilan sa kanila na taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang siyang hinahangad nilang patayin?
26 Y ved cómo habla en público sin que le digan nada. ¿Será que verdaderamente habrán reconocido los jefes que Él es el Mesías?
At tingnan ninyo, hayagan siyang nagsasalita at wala silang sinabi sa kaniya. Hindi kaya alam ng mga pinuno na ito ang Cristo, maaari kaya?
27 Pero sabemos de dónde es Este; mientras que el Mesías, cuando venga, nadie sabrá de dónde es”.
Alam natin kung saan nanggaling ang taong ito. Subalit, kapag dumating ang Cristo, walang isa man ang nakakaalam kung saan siya mangagaling.”
28 Entonces Jesús, enseñando en el Templo, clamó y dijo: “Sí, vosotros me conocéis y sabéis de dónde soy; pero es que Yo no he venido de Mí mismo; mas El que me envió, es verdadero; y a Él vosotros no lo conocéis.
Sumisigaw si Jesus sa loob ng templo, nagtuturo at nagsasabi, “Kilala ninyo ako at alam ninyo kung saan ako nanggaling. Hindi ako pumarito sa aking sarili, ngunit ang nagsugo sa akin ay totoo at hindi niyo siya kilala.
29 Yo sí que lo conozco, porque soy de junto a Él, y es Él quien me envió”.
Kilala ko siya dahil ako ay nanggaling mula sa kaniya at ako ay isinugo niya.
30 Buscaban, entonces, apoderarse de Él, pero nadie puso sobre Él la mano, porque su hora no había llegado aún.
Sinusubukan nilang dakpin siya, ngunit walang sinumang nangahas na hulihin siya dahil hindi pa dumadating ang kaniyang panahon.
31 De la gente, muchos creyeron en Él, y decían: “Cuando el Mesías venga, ¿hará más milagros que los que Este ha hecho?”
Subalit, marami sa mga tao ang sumampalataya sa kaniya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming tanda kaysa sa mga ginawa ng taong ito?”
32 Oyeron los fariseos estos comentarios de la gente acerca de Él; y los sumos sacerdotes con los fariseos enviaron satélites para prenderlo.
Narinig ng mga Pariseo ang bulong-bulungan ng maraming tao tungkol kay Jesus, at ang mga punong pari at ang mga Pariseo ay nagsugo ng mga opisyal upang hulihin siya.
33 Entonces Jesús dijo: “Por un poco de tiempo todavía estoy con vosotros; después me voy a Aquel que me envió.
At sinabi ni Jesus, “Sa sandaling panahon mananatili pa ako kasama ninyo, pagkatapos pupunta na ako sa nagsugo sa akin.
34 Me buscaréis y no me encontraréis, porque donde Yo estaré, vosotros no podéis ir”.
Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita; kung saan ako papunta, hindi kayo makakasama.”
35 Entonces los judíos se dijeron unos a otros: “¿Adónde, pues, ha de ir, que nosotros no lo encontraremos? ¿Irá a los que están dispersos entre los griegos o irá a enseñar a los griegos?
Kaya nag-usap-usap ang mga Judio, “Saan papunta ang taong ito na hindi natin siya kayang hanapin? Pupunta ba siya sa Pagkakalat sa mga Griyego at tuturuan ang mga Griyego?
36 ¿Qué significan las palabras que acaba de decir: Me buscaréis y no me encontraréis, y donde Yo estaré, vosotros no podéis ir?”
Ano itong salita na kaniyang sinabi, 'Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ako makikita; kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama'?”
37 Ahora bien, el último día, el más solemne de la fiesta, Jesús poniéndose de pie, clamó: “Si alguno tiene sed venga a Mí, y beba
Ngayon sa huling araw, ang dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus at sumigaw na nagsasabi, “Kung sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom.
38 quien cree en Mí. Como ha dicho la Escritura: «de su seno manarán torrentes de agua viva».
Kung sino ang sumampalataya sa akin, gaya ng sinabi ng kasulatan, mula sa kaniya dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay.
39 Dijo esto del Espíritu que habían de recibir los que creyesen en Él: pues aún no había Espíritu, por cuanto Jesús no había sido todavía glorificado.
Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.
40 Algunos del pueblo, oyendo estas palabras, decían: “A la verdad, Este es el profeta”.
Ang ilan sa maraming tao, nang narinig nila ang mga salitang itoay nagsabi, “Tunay nga na ito ang propeta.”
41 Otros decían: “Este es el Cristo”; pero otros decían: “Por ventura ¿de Galilea ha de venir el Cristo?
Sinabi ng iba, “Ito ang Cristo.” Ngunit sinabi ng iba, “Ano, ang Cristo ba ay mangagaling sa Galilea?
42 ¿No ha dicho la Escritura que el Cristo ha de venir del linaje de David, y de Belén, la aldea de David?”
Hindi ba sinabi ng mga kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David at mula sa Betlehem, ang nayon kung saan galing si David?”
43 Se produjo así división en el pueblo a causa de Él.
Kaya nagkaroon ng pagbabahagi sa maraming tao dahil sa kaniya.
44 Algunos de entre ellos querían apoderarse de Él, pero nadie puso sobre Él la mano.
Ang iba sa kanila ay ninais sanang dakpin siya, ngunit walang isa man ang humuli sa kaniya.
45 Volvieron, pues, los satélites a los sumos sacerdotes y fariseos, los cuales les preguntaron: ¿Por qué no lo habéis traído?”
Pagkatapos bumalik ang mga opisyal sa mga punong pari at mga Pariseo, na nagsabi sa kanila, “Bakit hindi ninyo siya dinala?”
46 Respondieron los satélites: “¡Nadie jamás habló como este hombre!”
Sumagot ang mga opisyal, “Walang pang tao ang nagsalita kailanman ng katulad nito.”
47 A lo cual los fariseos les dijeron: “¿También vosotros habéis sido embaucados?
Kaya sinagot sila ng mga Pariseo, “Kayo ba ay nailigaw na rin?”
48 ¿Acaso hay alguien entre los jefes o entre los fariseos que haya creído en Él?
Mayroon ba sa mga namumuno o kahit sino sa mga Pariseo ang sumampalataya sa kaniya?
49 Pero esa turba, ignorante de la Ley, son unos malditos”.
Ngunit itong maraming tao na hindi alam ang batas—sila ay sinumpa.”
50 Mas Nicodemo, el que había venido a encontrarlo anteriormente, y que era uno de ellos, les dijo:
Sinabi ni Nicodemo sa kanila, (siya na kabilang sa mga Pariseo na pumunta noong una pa kay Jesus),
51 “¿Permite nuestra Ley condenar a alguien antes de haberlo oído y de haber conocido sus hechos?”
“Ang ating batas ba ay humahatol sa isang tao nang hindi muna marinig siya at nabatid kung ano ang kaniyang ginagawa?”
52 Le respondieron y dijeron: “¿También tú eres de Galilea? Averigua y verás que de Galilea no se levanta ningún profeta”.
Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Nanggaling ka din ba sa Galilea? Saliksikin at tingnan mo na walang propetang manggagaling sa Galilea. “
53 Y se fueron cada uno a su casa.
[Pagkatapos bawat tao ay nagtungo sa kanilang sariling bahay.

< Juan 7 >