< Job 24 >

1 “¿Por qué el Todopoderoso no fija tiempos (para el juicio)? ¿y por qué los que le conocen no saben el día fijado por Él?
Bakit hindi tinakda ng Makapangyarihan ang panahon ng paghahatol sa masasamang tao? Bakit hindi nakikita ng mga tapat sa Diyos ang paparating na panahon ng kaniyang paghuhukom?
2 Hay quienes remueven mojones, roban rebaños y los apacientan;
Mayroong mga masasama na tinatanggal ang mga hangganan ng tagamarka; mayroong mga masasama na pilit kinukuha ang mga kawan at nilalagay sa sarili nilang mga pastulan.
3 se llevan el asno de los huérfanos, toman en prenda el buey de la viuda;
Tinataboy nila ang alagang asno ng mga taong walang ama; kinukuha nila ang kapong baka ng balo bilang kasiguraduhan.
4 no dejan pasar a los pobres por el camino, y todos los humildes del país se esconden.
Pinapalayas nila ang mga nangangailangan sa kanilang dinaraanan; tinatago ng mga mahihirap sa mundo ang sarili nila mula sa kanila.
5 Mira cómo estos salen a su trabajo como los asnos monteses del desierto, buscando una presa hasta la tarde, sin hallar alimento para sus hijos.
Tingnan ninyo, pumupunta ang mga mahihirap na ito sa kanilang trabaho gaya ng mga ligaw na asno sa ilang, maingat na naghahanap ng pagkain; marahil pagkakalooban sila ng pagkain ng Araba para sa kanilang mga anak.
6 En el campo cortan el trigo (ajeno), y vendimian la viña del inicuo.
Umaani sa gabi ang mga mahihirap sa palayan ng ibang tao; namumulot sila ng mga ubas mula sa inani ng mga masasama.
7 Pasan la noche desnudos, por falta de ropa, no tienen abrigo contra el frío.
Buong gabi silang hubad na nakahiga nang walang damit; wala silang panakip sa lamig.
8 Mojados con las lluvias de las montañas se acurrucan contra las peñas, porque no tienen donde abrigarse.
Basa sila ng mga ambon ng mga bundok; nahihiga sila sa tabi ng malalaking bato dahil wala silang masisilungan.
9 (Y hay opresores que) arrancan al huérfano del pecho, y toman en prenda la ropa de los pobres,
Mayroong masasama na kinukuha ang mga ulila mula sa dibdib ng kanilang ina, at masasamang tao na kinukuha ang mga bata bilang kasiguraduhan mula sa mga mahihirap.
10 que andan desnudos sin vestidos, cargan hambrientos con las gavillas;
Pero naglilibot ang mga mahihirap nang walang damit; bagaman sila ay nagugutom, dinadala nila ang bungkos ng mga butil ng iba.
11 exprimen el aceite entre sus muros, y sedientos pisan sus lagares.
Gumagawa ng langis ang mga mahihirap sa loob ng mga pader ng masasama. Tinatapakan nila ang pampiga ng ubas ng masasama, pero sila mismo ay nagdudusa ng kauhawan.
12 Desde la ciudad se oyen gemidos y clama el alma de los muertos; pero Dios no atiende su oración.
Dumadaing ang mga tao sa lungsod, umiiyak ang mga sugatan, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
13 Y hay quienes aborrecen la luz; no conocen sus caminos, ni quieren atenerse a sus senderos.
Ang ilan sa masasama ay naghihimagsik laban sa liwanag; hindi nila alam ang pamamaraan nito, ni nagpapatuloy sa daan nito.
14 Al alba se levanta el homicida para matar al desvalido y al pobre, y en la oscuridad sale como ladrón.
Bumabangon ang mamamatay-tao kasabay ng liwanag; pinapatay niya ang mahihirap at nangangailangan; sa gabi ay tulad siya ng magnanakaw.
15 Aguarda la noche el ojo del adúltero, diciendo: «No me verá ojo alguno» y se emboza la cara.
Gayundin, inaabangan ng mata ng nakikiapid ang takipsilim, sinasabi niya, 'Walang mata ang makakakita sa akin'. Tinatago niya ang kaniyang mukha.
16 Otros de noche fuerzan las casas, y de día se esconden, pues no quieren ver la luz.
Sa kadiliman ay nagbubungkal sa loob ng bahay ang mga masasama; pero kinukulong nila ang kanilang sarili sa araw; wala silang pakialam sa liwanag.
17 Para todos ellos el alba es sombra de muerte; más los terrores de la noche les son familiares;
Dahil ang umaga para sa kanilang lahat ay gaya ng makapal na kadiliman; maginhawa sila sa mga katakot-takot na mga bagay sa makapal na kadiliman.
18 (huyen) veloces sobre la superficie de las aguas. ¡Maldita su prole sobre la tierra! ¡No ande por el camino de sus viñas!
Pero, mabilis silang lumilipas gaya ng bula sa ibabaw ng mga tubig; may sumpa ang bahagi ng kanilang lupa; walang nagtatrabaho sa kanilang ubasan.
19 Como la sequía y el calor absorben las aguas de la nieve, así (engulle) el scheol al pecador. (Sheol h7585)
Tinutupok ng tagtuyot at init ang tubig ng niyebe; gayundin nilalamon ng sheol ang mga nagkasala. (Sheol h7585)
20 Se olvida de él el seno materno, gusanos le comen como dulce manjar, no quedará memoria de su nombre. Como árbol será deshecha la maldad.
Makakalimutan siya ng sinapupunang nagdala sa kaniya; matamis siyang kakainin ng mga uod, hindi na siya maaalala magpakailanman; sa ganitong paraan, mababali ang kasamaan gaya ng puno.
21 Porque alimentaba a la estéril, que no tenía hijos, y no hacía bien a la viuda.
Nilalamon ng masama ang mga baog na babae na kailanman ay hindi nanganak; wala siyang ginagawang mabuti sa balo.
22 Pero (Dios) con su fuerza derriba a los poderosos; se levanta, y ninguno está seguro de su vida.
Pero tinatangay ng Diyos ang makapangyarihang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; bumabangon siya at hindi pinalalakas ang kanilang buhay.
23 Los deja vivir en seguridad y confianza, pero sus ojos velan sobre los caminos de ellos.
Hinahayaan ng Diyos na isipin nila na ligtas sila, at masaya sila roon, pero ang mata niya ay nasa kanilang mga kinikilos.
24 Se ven ensalzados por un poco, y luego desaparecen, son derribados y cosechados como todos los hombres; son segados como espigas del trigal.
Tinatanghal ang mga taong ito; pero, sa ilang sandali lamang, maglalaho sila; tunay nga, ibababa sila; titipunin sila gaya ng ilan; mapuputol sila gaya ng dulo ng butil ng palay.
25 Si no es así, ¿quién me desmentirá y declarará nula mi palabra?”
Kung hindi ito totoo, sino ang makapagpapatunay na sinungaling ako; sino ang makapagpapawalang-bisa ng aking mga salita?”

< Job 24 >