< Isaías 15 >

1 Oráculo contra Moab: Pues en una noche Ar-Moab será asolada y enmudecerá; en una noche será saqueada y arruinada Kir-Moab.
Pahayag tungkol sa Moab. Tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Ar ng Moab; tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Kir ng Moab.
2 Sube la casa (de Moab) y Dibón a las alturas para llorar; Moab da alaridos por Nebó y por Medebá: todas las cabezas están rasuradas y todas las barbas cortadas.
Pumunta sila sa templo, pumunta sa matataas na lugar ang mga tao sa Dibon para umiyak; nagluksa ang Moab dahil sa Nebo at Medeba. Kinalbo ang kanilang mga ulo at pinutol ang kanilang mga balbas.
3 Andan por las calles ceñidos de saco; sobre sus terrados y por sus plazas todos están aullando y prorrumpen en lágrimas.
Sa kanilang mga lansangan, nagsuot sila ng sako; nanangis sila sa tuktok ng kanilang mga bahay at sa plasa.
4 Hesbón y Elealé alzan el grito; hasta Jahas se oye su voz; porque los guerreros de Moab tiemblan, desfallece su alma.
Tumawag ng tulong ang Hesbon at Eleale; narinig ang kanilang tunog sa kasing layo ng Jahaz. kaya tumawag ng tulong ang mga armadong kalalakihan ng Moab; nanginginig sila.
5 Mi corazón da suspiros por Moab; sus defensores (huyen) a Sóhar, a Eglat-Schelischiah. Suben llorando por la cuesta de Luhit, dan gritos de quebranto en el camino de Horonaim.
Umiiyak ang aking puso para sa Moab; pumunta ang mga takas sa kanila sa Zoar at Eglat-Selisiya. Pumunta sila sa taas ng Luhit nang umiiyak; papunta sa Horonaim, malakas silang nanangis dahil sa kanilang pagkawasak.
6 Pues las aguas de Nimrim desaparecerán, se secará el pasto y se marchitará la hierba; no habrá ya planta verde.
Natuyo ang mga tubig sa Nimrim; natuyot ang mga damo at namatay ang mga bagong tubong damo; wala ng luntiang makikita.
7 Por eso llevarán el resto de sus tesoros, y sus provisiones al otro lado del torrente de los sauces.
Ang kasaganahang pinalaki nila at inipon ay natangay palayo sa batis ng mga poplar.
8 Porque lamentos rodean los términos de Moab; hasta Eglaim (llegan) sus lamentos, hasta Beer-Elim sus alaridos.
Maririnig ang kanilang mga iyak sa buong teritoryo ng Moab; maririnig ang kanilang pagtatangis na kasing layo ng Eglaim at Beer-elim.
9 Porque las aguas de Dimón están llenas de sangre; pues haré venir sobre Dimón nuevas (calamidades): leones sobre los escapados de Moab, y sobre los que queden en el país.
Dahil puno ng dugo ang mga tubig ng Dimon; pero magdadala pa ako ng mas marami sa Dimon. Isang leon ang aatake sa mga tatakas mula sa Moab at pati ang mga naiwan sa lupain.

< Isaías 15 >