< Génesis 35 >
1 Dijo Dios a Jacob: “Levántate, sube a Betel, donde habitarás, y construye allí un altar al Dios que se te apareció cuando ibas huyendo de Esaú, tu hermano.
Sinabi ng Diyos kay Jacob, “Humayo ka, pumunta ka sa Betel, at manatili roon. Gumawa ng altar doon sa Diyos, na nagpakita sa iyo nang ikaw ay tumakas mula kay Esau na iyong kapatid.”
2 Dijo, pues, Jacob a su familia, y a todos los que con él estaban: “Apartad los dioses extraños que hay en medio de vosotros; purificaos y mudad vuestros vestidos.
Pagkatapos sinabi ni Jacob sa kaniyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya, “Ilayo ang mga dayuhang diyos na kapiling ninyo, linisin ang inyong mga sarili, at palitan ang inyong mga damit.
3 Nos levantaremos para subir a Betel, donde construiré un altar al Dios que me oyó en el día de mi angustia y me asistió en el camino por donde he andado.”
Pagkatapos umalis tayo at pumunta sa Betel. Magtatayo ako ng altar doon sa Diyos, na sumagot sa akin sa araw ng aking paghihinagpis, at naging kasama ko saan man ako pumaroon.”
4 Entonces entregaron a Jacob todos los dioses extraños que tenían, y los pendientes que traían en las orejas; y Jacob los escondió bajo la encina que está cerca de Siquem.
Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng dayuhang mga diyos na nasa kanilang mga kamay at mga hikaw na nasa kanilang mga tainga. Inilibing ni Jacob ang mga ito sa ilalim ng puno ng kakayuhayng malapit sa Sequem.
5 Luego se pusieron en marcha, y vino el terror de Dios sobre las ciudades circunvecinas, de manera que no persiguieron a los hijos de Jacob.
Habang naglalakbay sila, ginawa ng Diyos na masindak ang mga siyudad na nakapaligid sa kanila, kaya hindi hinabol ng mga taong iyon ang mga anak ni Jacob.
6 Llegó, pues, Jacob a Luz, en tierra de Canaán, que es Betel, él y todo su pueblo con él.
Kaya dumatingsi Jacob sa Luz (iyon ay, Betel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya.
7 Allí erigió un altar, y llamó al lugar El-Betel; porque allí se le apareció Dios, cuando huía de su hermano.
Siya ay gumawa ng altar doon at tinawag ang lugar na El Betel, dahil doon inihayag ng Diyos ng kanyang sarili sa kanya, nang tumatakas siya mula sa kanyang kapati.
8 Y murió Débora, nodriza de Rebeca, y fue enterrada al pie de Betel, bajo una encina, la cual fue llamada Encina del Llanto.
Namatay si Debora, na tagapag-alaga ni Rebeka. Inilibing siya mula Betel sa ilalim ng kakayuhang puno, kaya tinawag itong Allon Bacuth.
9 Apareciose Dios otra vez a Jacob después de su vuelta de Mesopotamia, y le bendijo.
Nang si Jacob ay dumating mula sa Paddan Aram, nagpakitaang muli ang Diyos sa kanya at pinagpala siya.
10 Dios le dijo: “Tu nombre es Jacob; pero ya no te llamarás Jacob; tu nombre será Israel.” Y le puso por nombre Israel.
Sinabi ng Diyos sa kaniya “Ang pangalan mo ay Jacob, ngunit ang iyong pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob. Ang pangalan mo ay magiging Israel.” Kaya tinawag ng Diyos ang kanyang pangalang Israel.
11 Y le dijo Dios: “Yo soy el Dios Omnipotente. Crece y multiplícate; de ti nacerá una nación y una multitud de naciones, y reyes saldrán de tus lomos.
Sinabi ng Diyos sa kanya, “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Maging mabunga ka at magpakarami. Isang bansa at samahan ng mga bansa ang manggagaling sa iyo, at mga hari ang magiging mga kaapu-apuhan mo.
12 Y la tierra que di a Abrahán y a Isaac, te la daré a ti; a tu posteridad después de ti daré esta tierra.”
Ang lupaing ibinigay ko kina Abraham at Isaac, ibibigay ko sa iyo. Sa iyong mga kaapu-apuhang susunod sa iyo akin ding ibibigay ang lupain.”
13 Y desapareció Dios de su presencia, en el lugar donde había hablado con él.
Umalis ang Diyos paakyat mula sa kanya sa lugar kung saan nakipag-usap siya sa kanya.
14 En aquel lugar donde había hablado con él levantó Jacob un monumento, un monumento de piedra, sobre el cual ofreció una libación y derramó óleo.
Si Nagtayo si Jacob ng haligi sa lugar kung saan nangusap sa kanya ang Diyos, isang haliging bato. Nagbuhos siya ng handog na inumin at nagbuhos ng langis doon.
15 Y Jacob dio al lugar donde Dios le había hablado, el nombre de Betel.
Pinangalanan ni Jacob ang lugar kung saan nangusap sa kanya ang Diyos, na Betel.
16 Partieron de Betel, y faltaba aún algún trecho de camino para llegar a Efrata cuando Raquel dio a luz. Tuvo ella un duro parto,
Naglakbay pa sila mula sa Betel. Habang may kalayuan pa sila mula Eprath, nakaramdam na si Raquel ng panganganak.
17 y cuando peligraba en el parto, le dijo la partera: “No temas, porque también esta vez tienes un hijo.”
Nakaranas siya ng matinding hirap sa panganganak. Habang siya ay nasa pinakamatinding kahirapan sa panganganak, sinabi ng hilot sa kanya “Huwag kang matakot, dahil ngayon magkakaroon ka ng isa pang anak na lalaki.
18 Y al salir su alma —pues estaba ya moribunda— le llamó Benoní; mas su padre le llamó Benjamín.
Habang naghihingalo siya, kasabay ng kanyang huling hininga pinangalanan niya siyang Benoni, ngunit ang kaniyang ama ay tinawag siyang Benjamin.
19 Murió, pues, Raquel y fue sepultada en el camino de Efrata, que es Betlehem.
Namatay si Raquel at inilibing sa daan papunta sa Eprat (iyon ay, Betlehem).
20 Erigió Jacob un monumento sobre su tumba, es el monumento de la tumba de Raquel hasta el día de hoy.
Nagtayo si Jacob ng isang haligi sa ibabaw ng kanyang libingan. Iyon ang palatandaan ng libingan ni Raquel hanggang sa araw na ito.
21 Partió Israel y asentó sus tiendas más allá de Migdal-Eder.
Si Israel ay naglakbay pa at itinayo ang kaniyang tolda sa ibayo ng Migdal Eder.
22 Y mientras moraba Israel en aquella región, fue Rubén y cohabitó con Bilhá, concubina de su padre, lo que supo Israel. Los hijos de Israel eran doce:
Habang nakatira si Israel pa sa lupaing iyon, sumiping si Reuben kay Bilha na ibang asawa kanyang ama, at narinig ito ni Israel. Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na lalaki.
23 Hijos de Lía: Rubén, el primogénito de Jacob; Simeón, Leví, Judá, Isacar y Zabulón.
Ang kanyang mga anak na lalaki kay Lea ay sina Reuben, panganay ni Jacob, at si Simeon, Levi, Juda, Isacar, at Zebulun.
24 Hijos de Raquel: José y Benjamín.
Ang kanyang mga anak na lalaki kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.
25 Hijos de Bilhá, sierva de Raquel: Dan y Neftalí.
Ang kanyang mga anak na lalaki kay Bilha, na babaeng lingkod ni Raquel, ay sina Dan at Neftali.
26 Hijos de Silfá, sierva de Lía: Gad y Aser. Estos son los hijos de Jacob que le nacieron en Mesopotamia.
Ang mga anak na lalaki ni Zilpa, na babaeng lingkod ni Lea, ay sina Gad at Asher. Lahat ng mga ito ay mga anak na lalaki ni Jacob na ipinanganak sa kanya sa Paddan Aram.
27 Fue Jacob adonde vivía Isaac, su padre, a Mamré, a Quiriat Arbá, que es Hebrón, donde moraron como extranjeros Abrahán e Isaac.
Si Jacob ay pumunta kay Isaac, na kanyang ama, sa Mamre sa Kiriath Arba (pareho sa Hebron), kung saan nanirahan sina Abraham at Isaac.
28 Fueron los días de Isaac ciento ochenta años.
Nabuhay si Isaac sa loob ng isandaan at walumpung taon.
29 Anciano y colmado de días expiró Isaac y murió, y fue reunido con su pueblo; le sepultaron sus hijos Esaú y Jacob.
Inihinga ni Isaacs ang kanyang huli at siya ay namatay, at tinipon siya sa kanyang mga ninuno, isang matandang lalaking ganap ang mga araw. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.