< Génesis 32 >
1 Prosiguió Jacob su camino y le salieron al encuentro ángeles de Dios.
Humayo na rin si Jacob, at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos.
2 Al verlos, dijo Jacob: “Este es el campamento de Dios”; y llamó a aquel lugar Mahanaim.
Nang makita sila ni Jacob, sinabi niya, “Ito ang kampo ng Diyos,” kaya tinawag niya ang lugar na iyon na Mahanaim.
3 Luego envió Jacob mensajeros delante de sí a su hermano Esaú, al país de Seír, a las campiñas de Edom,
Nagpadala si Jacob ng mga mensahero para sa kanyang kapatid na si Esau, sa lupain ng Seir, sa rehiyon ng Edom.
4 y les dio esta orden: “Así diréis a mi señor Esaú: Esto dice tu siervo Jacob: He estado con Labán donde me detuve como huésped hasta hoy.
Inutusan niya sila at sinabing, “Ito ang sasabihin ninyo sa aking panginoon na si Esau: “Ito ang sinasabi ng iyong alipin na si Jacob: 'Naninirahan ako kapiling ni Laban hanggang ngayon.
5 Tengo bueyes, asnos, ovejas, siervos y siervas; y ahora envío mensaje a mi señor, para hallar gracia a tus ojos.”
Mayroon akong mga baka, mga asno, at mga kawan, babae at lalaking mga alipin. Nagpadala ako para sabihin ito sa aking panginoon, upang makasumpong ako ng pabor sa iyong paningin.”'
6 Los mensajeros volvieron a Jacob, diciendo: “Hemos ido a tu hermano Esaú, y él viene a tu encuentro con cuatrocientos hombres.”
Bumalik ang mga mensahero kay Jacob at sinabi, “Pumunta kami sa iyong kapatid na si Esau. Paparito siya upang makipagkita sa iyo at may kasama siyang apat na daang tao.”
7 Se atemorizó entonces Jacob en gran manera, y lleno de angustia dividió la gente que tenía, incluso las ovejas, el ganado mayor y los camellos, en dos campamentos;
Labis na natakot at nababahala si Jacob. Kaya hinati niya ang mga taong kasama sa dalawang kampo pati ang mga kawan, mga pangkat ng mga hayop at mga kamelyo.
8 pues se decía: “Si viene Esaú a uno de los dos campamentos y lo destroza, se salvará el campamento restante.”
Sinabi niya, “Kapag sinalakay ni Esau ang isang kampo, ang naiwang kampo ay makakatakas.”
9 Y oró Jacob: “Oh Dios de mi padre Abrahán y Dios de mi padre Isaac, Yahvé, que me dijiste: Vuelve a tu tierra y al país de tu nacimiento, que Yo te haré bien,
Sinabi ni Jacob, “Diyos ng aking amang si Abraham, Diyos ng aking amang si Isaac, Yahweh, na siyang nagsabi sa akin, 'Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak at pasasaganain kita,'
10 ¡qué poco merecía yo todas las mercedes y toda la fidelidad de que has hecho objeto a tu siervo! Pues con solo mi cayado pasé este Jordán, y ahora he venido a formar dos campamentos.
Hindi ako karapat-dapat sa lahat ng iyong mga gawa ng tipan ng katapatan at lahat ng pagtitiwalang ginawa mo para sa iyong lingkod. Dahil tungkod ko lamang ang dala ko nang tumawid dito sa Jordan, at ngayon naging dalawang kampo ako.
11 Líbrame, te ruego, de la mano de mi hermano, de la mano de Esaú; porque le temo, no sea que venga y me destruya a mí y a las madres con los hijos.
Pakiusap iligtas mo ako sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau, sapagkat natatakot ako sa kanya, na darating siya at sasalakayin ako at mga ina na kasama ang kanilang mga anak.
12 Tú mismo dijiste: Yo te colmaré de bienes y haré tu descendencia como las arenas del mar, que a causa de su muchedumbre no pueden contarse.”
Ngunit sinabi mo, “Tiyak na gagawin kitang masagana. Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na parang buhangin ng dagat, na hindi kayang bilangin dahil sa kanilang dami.”''
13 Habiendo pasado allí aquella noche, tomó Jacob de lo que tenía a mano para hacer un presente a Esaú, su hermano:
Nanatili doon si Jacob sa gabing iyon. Kumuha siya ng ilan sa kung anong mayroon siya bilang regalo kay Esau, na kanyang kapatid:
14 doscientas cabras y veinte machos cabríos, doscientas ovejas y veinte carneros,
dalawandaang babaeng kambing at dalawampung lalaking kambing, dalawandaang babaeng tupa at dalawampung lalaking tupa,
15 treinta camellas criando con sus crías, cuarenta vacas y diez toros, veinte asnas y diez pollinos.
tatlumpung gatasang kamelyo at kanilang mga bisiro, apatnapung baka at sampung toro, dalawampung babaeng asno at sampung lalaking asno.
16 Los entregó a sus siervos, cada rebaño aparte, y dijo a sus siervos: “Id delante de mí, dejando un espacio entre rebaño y rebaño.”
Ang mga ito ay ipinadala niya sa kanyang mga lingkod, bawat kawan ayon sa sarili nito. Sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Mauna kayo sa akin at maglagay ng puwang sa paggitan ng bawat mga kawan.”
17 Y dio al primero esta orden: “Cuando te encontrare Esaú, mi hermano, y te preguntare: ¿De quién eres, y adónde vas, y de quién es lo (que marcha) delante de ti?,
Inutusan niya ang unang lingkod, na nagsasabing, “Kapag salubungin kayo ng aking kapatid at tanungin kayo, na nagsasabing, 'Kanino kayo nabibilang? Saan kayo pupunta? At kanino naman itong mga hayop sa harap ninyo?'
18 dirás: De tu siervo Jacob; es un presente, enviado a mi señor Esaú; y he aquí que él mismo viene detrás de nosotros.”
Sa gayon sasabihin mong, 'Sila ay kay Jacob na iyong lingkod. Sila ay regalong pinadala sa aking among si Esau. At tingnan ninyo, siya ay paparating din kasunod namin.”'
19 Y también al segundo, como asimismo al tercero, y a todos los que iban tras los rebaños, mandó: “En estos términos hablaréis a Esaú cuando lo encontrareis.”
Nagbigay din si Jacob ng tagubilin sa pangalawang pangkat, sa pangatlo, at sa lahat ng taong nakasunod sa kawan. Sinabi niya, “Ganun din ang sasabihin ninyo kay Esau kapag nakasalubong ninyo siya.
20 Y diréis también: “He aquí, tu siervo Jacob viene detrás de nosotros.” Porque se decía: Aplacaré su ira con el presente que va delante de mí; después veré su rostro; quizá me sea propicio.
Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay darating kasunod namin.''' Pagkat naisip niya, “Mapapalubag ko siya sa mga regalong pinapadala kong nauna sa akin. Sa gayon maya-maya, kapag nagkita kami, marahil tatanggapin niya ako.”
21 Pasó, pues el presente delante de él; mas él se quedó aquella noche en el campamento.
Kaya nauna sa kanya ang mga regalo. Siya mismo ay nanatili sa kampo nang gabing iyon.
22 Aquella noche se levantó Jacob, tomó a sus dos mujeres, a sus dos siervas y a sus once hijos, para pasar el vado del Yaboc.
Bumangon si Jacob sa kalagitnaan ng gabi, at dinala ang kanyang dalawang asawa, kanyang dalawang babaeng alipin, at ang kanyang labing isang mga anak. Pinadala niya sila sa kabila ng sapa ng Jabbok.
23 Los tomó, y los hizo pasar el río, e hizo pasar también todo lo que tenía.
Sa ganitong paraan pinadala niya sila sa kabila ng ilog kasama ang lahat ng kanyang mga ari-arian.
24 Así se quedó Jacob solo, y luchó con él un hombre hasta rayar el alba.
Mag-isang naiwan si Jacob, at may taong nakipagbuno sa kanya hanggang madaling araw.
25 Pero viendo que no le podía, le tocó en la articulación del muslo de Jacob mientras luchaba con él.
Nang makita ng tao na hindi niya siya kayang talunin, hinampas niya ang balakang ni Jacob. Napilayan ang balakang ni Jacob sa pakikipagbuno niya sa kanya.
26 Por lo cual dijo: “Déjame que ya raya el alba.” Mas (Jacob) contestó: “No te dejaré ir si no me bendices.”
Sinabi ng tao, “Pahintulutan mo akong umalis, pagkat mag-uumaga na.” Sabi ni Jacob, “Hindi kita pahihintulutang umalis maliban kung pagpalain mo ako.”
27 Le preguntó él: “¿Cuál es tu nombre?”, y respondió: “Jacob.”
Sinabi ng tao sa kanya, “Ano ang pangalan mo?” Sinabi ni Jacob, “Jacob.”
28 Le dijo entonces: “En adelante no te llamarás más Jacob, sino Israel; porque has luchado con Dios y con hombres, y has prevalecido.”
Sinabi ng tao, “Ang pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob, sa halip, Israel na. Sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa tao at nanaig ka.”
29 Preguntole Jacob, diciendo: “Dime, por favor, tu nombre.” Mas él contestó: “¿Por qué preguntas mi nombre?” Y le bendijo allí.
Tinanong siya ni Jacob, “Pakiusap sabihin mo sa akin ang iyong pangalan.” Sinabi nito, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan?” Pagkatapos siya ay kanyang pinagpala.
30 Jacob dio a aquel lugar el nombre de Fanuel, porque (dijo): “He visto a Dios cara a cara, y ha quedado a salvo mi vida.”
Tinawag ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel sapagkat ang sabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Diyos nang harapan, at iniligtas ang buhay ko.”
31 Apenas había pasado de Fanuel cuando salió el sol; e iba cojeando del muslo.
Sinikatan ng araw si Jacob habang dumadaan siya sa Peniel. Paika-ika siya dahil sa kanyang balakang.
32 Por tanto, los hijos de Israel no comen, hasta el día de hoy, el nervio ciático, que está en la articulación del muslo, por haber sido tocada la articulación del muslo de Jacob en el nervio ciático.
Kaya hanggang ngayon ang bayan ng Israel ay hindi kumakain ng mga litid ng balakang na nasa dugtong ng balakang, dahil ang taong pumilay sa mga litid ng balakang na nasa habang inaalis sa puwesto ang balakang ni Jacob.