< Ezequiel 3 >
1 Y me dijo: “Hijo de hombre, come lo que tienes delante; come, come este rollo; y anda luego y habla a la casa de Israel.”
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, kainin mo kung ano ang natagpuan mo! Kainin mo itong kasulatang binalumbon, pagkatapos ay humayo sa sambahayan ng Israel at magsalita.”
2 Abrí mi boca, y me dio de comer aquel rollo.
Kaya ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang kasulatang binalumbon.
3 Y me dijo: “Hijo de hombre, con este rollo que te doy, alimentarás tu vientre y llenarás tus entrañas.” Y yo lo comí, y era en mi boca dulce como miel.
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, pakainin mo ang iyong sikmura at busugin ang iyong tiyan sa pamamagitan ng kasulatang binalumbong ito na ibinigay ko sa iyo!” Kaya kinain ko ito, at ito ay kasintamis ng pulot-pukyutan sa aking bibig.
4 Y me dijo: “Hijo de hombre, anda, dirígete a la casa de Israel, y anúnciales mis palabras.
Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, pumunta ka sa sambahayan ng Israel at sabihin sa kanila ang aking mga salita.
5 Porque no eres enviado a un pueblo de habla incomprensible y lengua difícil, sino a la casa de Israel,
Sapagkat hindi ka isinugo sa mga taong may kakaibang salita o isang mahirap na wika, kundi sa sambahayan ng Israel—
6 ni mucho menos a numerosos pueblos de habla incomprensible y lengua difícil, cuyas palabras no puedas entender. Si a tales te enviara, ellos te escucharían.
hindi sa makapangyarihang bansang may kakaibang salita o mahirap na wika, na ang mga salita ay hindi mo maintindihan! Kung isusugo kita sa kanila, makikinig sila sa iyo!
7 Mas la casa de Israel no querrá escucharte, porque no quieren escucharme a Mí, pues toda la casa de Israel tiene frente obstinada y corazón endurecido.
Ngunit ang sambahayan ng Israel ay hindi nahahandang makinig sa iyo, sapagkat sila ay hindi nahahandang makinig sa akin. Kaya lahat ng sambahayang Israel ay mataas ang kilay at matigas ang puso.
8 He aquí que hago tu rostro duro contra los rostros de ellos, y tu frente dura contra sus frentes.
Masdan mo! Ang iyong mukha ay ginawa kong kasintigas ng kanilang mga mukha at ang iyong kilay ay kasintigas ng kanilang mga kilay.
9 Hago tu frente como el diamante, más dura que el pedernal; no los temas, ni tengas miedo de sus rostros, pues son una casa rebelde.”
Ginawa kong tulad ng isang diamante ang iyong kilay, mas matigas kaysa pingkian! Huwag kang matakot sa kanila o panghinaan ng loob sa pamamagitan ng kanilang mga mukha, yamang sila ay mga suwail na sambahayan.”
10 Y me dijo: “Hijo de hombre, recibe en tu corazón todas mis palabras que voy a decirte y escúchalas con tus oídos.
At sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ang lahat ng mga salitang ipinahayag ko sa iyo—ilagay mo ang mga ito sa iyong puso at pakinggan mo sila sa pamamagitan ng iyong mga tainga!
11 Anda y preséntate a los deportados, a los hijos de tu pueblo, y háblales en estos términos: Así dice Yahvé, el Señor, te oigan o no te oigan.”
At pumunta ka sa mga bihag, sa iyong mga kababayan, at magsalita ka sa kanila. Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh,' makinig man sila o hindi.”
12 Y me levantó el espíritu; y oí detrás de mí un fragor muy fuerte al levantarse la gloria de Yahvé desde su sitio;
Pagkatapos, itinaas ako ng Espiritu, at nakarinig ako ng tunog sa aking likuran na tulad ng isang malakas na lindol, na nagsasabi, “Pagpalain ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa kaniyang lugar!”
13 y también el ruido de las alas de los seres vivientes, de las cuales la una batía contra la otra, y el ruido de las ruedas junto a ellos, y un estruendo muy fuerte.
Kaya narinig ko ang tunog ng mga pakpak ng mga buhay na mga nilalang habang sumasag sa isa't isa, at ang tunog ng mga gulong na nasa kanila, at ang tunog ng isang malakas na lindol!
14 Entonces el Espíritu me alzó y me arrebató; iba yo con amargura e indignación en el alma, porque la mano de Yahvé pesaba gravemente sobre mí.
Itinaas ako ng Espiritu at dinala ako palayo; at pumunta akong may kapaitan sa galit ng aking espiritu, sapagkat ubod ng lakas na nakadiin sa akin ang kamay ni Yahweh!
15 Llegué a los cautivos de Tel-Abib, que allí habitaban junto al río Cobar; y donde ellos habitaban, allí me quedé por siete días atónito en medio de ellos.
Kaya pumunta ako sa mga bihag sa Tel Abib na nakatira sa tabi ng Ilog Kebar, at nananatili ako roon sa loob ng pitong araw, punong-puno ako ng pagkamangha kasama nila.
16 Al cabo de los siete días recibí de Yahvé esta palabra:
At nangyari na makalipas ang pitong araw ay dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
17 “Hijo de hombre, Yo te pongo por atalaya de la casa de Israel; oirás de mi boca la palabra y les amonestarás de mi parte.
Anak ng tao, ginawa kitang tagapagbantay para sa sambahayan ng Israel, kaya makinig ka sa salita mula sa aking bibig, at ibigay sa kanila ang aking babala!
18 Si Yo digo al impío: “De seguro morirás”, y tú no le previnieres ni hablares para amonestar al impío (que se aparte) de su perverso camino y viva, ese impío morirá en su iniquidad; mas Yo demandaré de tu mano su sangre.
Kapag sinabi ko sa masama, 'Tiyak na mamamatay ka' at hindi mo siya binigyan ng babala o nagsabi ng isang babala sa masama tungkol sa kaniyang masamang mga gawa upang siya ay mabuhay—mamamatay ang masama sa kaniyang kasalanan, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo.
19 Pero si tú amonestares al impío y este no se convirtiere de su maldad y su perverso camino, él morirá en su iniquidad, mas tú habrás salvado tu alma.
Ngunit kung bibigyan mo ng babala ang masama, at hindi siya tumalikod mula sa kaniyang kasamaan o sa kaniyang masasamang gawain, mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, ngunit maililigtas mo ang iyong sariling buhay.
20 Y cuando un justo se apartare de su justicia cometiendo iniquidad, y Yo le pusiere un tropiezo delante y él muriere porque tú no le amonestaste, en su pecado morirá, y no serán recordadas sus obras buenas que hizo, y Yo demandaré su sangre de tu mano.
At kung tatalikod ang isang matuwid na tao mula sa kaniyang pagiging matuwid at gumawa ng hindi makaturungan, maglalagay ako ng batong katitisuran sa kaniyang harapan, at mamamatay siya, dahil hindi mo siya binigyan ng babala. Mamamatay siya sa kaniyang kasalanan, at hindi ko aalalahanin ang kaniyang mabuting mga gawa na kaniyang ginawa, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo.
21 Pero si tú amonestares al justo, para que no peque, y el justo en efecto no pecare más, de seguro vivirá porque se dejó amonestar, y tú habrás salvado tu alma.”
Ngunit kung babalaan mo ang matuwid na tao na tumigil sa pagkakasala upang hindi na siya magkasala, tiyak na mabubuhay siya dahil nabigyan siya ng babala; at maililigtas mo ang iyong sariling buhay.”
22 Allí vino sobre mí la mano de Yahvé, y me dijo: “Levántate y sal a la llanura, y allí hablaré contigo.”
Kaya nasa akin doon ang kamay ni Yahweh, at sinabi niya sa akin, Tumayo ka! Pumunta sa kapatagan, at makikipag-usap ako sa iyo doon!
23 Me levanté y salí a la llanura; y allí vi la gloria de Yahvé al modo de la gloria que había visto junto al río Cobar; y caí sobre mi rostro.
Bumangon ako at pumunta sa patag, at nanatili doon ang kaluwalhatian ni Yahweh, tulad ng kaluwalhatiang nakita ko sa gilid ng kanal Kebar; kaya nagpatirapa ako.
24 Y me invadió el Espíritu, y me puso en pie y habló conmigo, diciéndome: “Ve y enciérrate dentro de tu casa.
Dumating sa akin ang Espiritu at itinayo ako sa aking mga paa; at nagsalita siya sa akin, at sinabi sa akin, “Pumunta ka at pagsarhan ang iyong sarili sa loob ng iyong bahay,
25 Y tú, oh hijo de hombre, verás que echarán cuerdas sobre ti y con ellas te atarán, y ya no podrás salir a ellos.
kaya ngayon, anak ng tao, igagapos ka nila ng lubid at itatali ka upang hindi ka makapunta sa kanila.
26 Haré también que la lengua se te pegue al paladar, de suerte que quedes mudo y no seas ya para ellos un censor; pues son una casa rebelde.
Gagawin kong nakadikit ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay magiging pipi at hindi mo sila mapagsasabihan, yamang sila ay mapanghimagsik silang sambahayan.
27 Pero al hablar Yo contigo, te abriré la boca, y les dirás: Así dice Yahvé el Señor: El que quiera oír, que oiga; y el que no quiera oír, no oiga; pues son una casa rebelde.”
Ngunit kapag magsalita ako sa iyo, bubuksan ko ang iyong bibig upang sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh; Siya na makakarinig ay makinig; at siya na hindi makinig ay hindi makikinig, yamang sila ay suwail na sambahayan!”