< Eclesiastés 7 >

1 Más vale la buena reputación que preciosos ungüentos, y más el día de la muerte que el del nacimiento.
Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga sa mamahaling pabango at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti sa araw nang kapanganakan.
2 Mejor es ir a la casa del luto que a la casa del festín; pues aquella (recuerda) el fin de todos los hombres, y el viviente se pone a reflexionar.
Mas mabuting magtungo sa lamayan kaysa bahay ng kasayahan, dahil dumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katapusan ng buhay, kaya dapat ilagay ito sa puso ng mga taong nabubuhay pa.
3 Mejor es el pesar que la risa, pues la tristeza del rostro es medicina para el corazón.
Ang kalungkutan ay mas mabuti sa katuwaan, dahil pagkatapos ng kalungkutan ng mukha sasapit ang kagalakan ng puso.
4 El corazón de los sabios está en la casa del luto, y el de los necios en la casa del placer.
Ang puso ng matalino ay nasa bahay ng pagluluksa, ngunit ang puso ng mangmang ay nasa bahay nang kasayahan.
5 Más vale oír la reprensión del sabio, que escuchar el cantar de los necios;
Mas mabuting makinig sa pagsuway ng matalino kaysa pakinggan ang awit ng mga mangmang.
6 porque como el crepitar de los espinos debajo de la olla, así es la risa de los necios. Y también esto es vanidad.
Dahil tulad ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhak ng mga mangmang. Ito man ay usok.
7 Porque la vejación conturba al sabio, y las dádivas corrompen el corazón.
Tunay na ang pangingikil ay nagpapamangmang sa mga matatalinong tao, at ang suhol ay nagdudungis ng puso.
8 Mejor es el fin de una cosa que sus comienzos; y vale más el hombre sufrido que el arrogante.
Mas mabuti ang katapusan ng isang bagay kaysa sa simula; at ang taong may diwang mahinahon ay mas mabuti kaysa ang palalong kaisipan.
9 No seas ligero en airarte; la ira reside en el seno de los insensatos.
Huwag madaling magalit sa iyong diwa, dahil naninirahan ang galit sa puso ng mga mangmang.
10 No preguntes: “¿Por qué los tiempos antiguos fueron mejores que estos?”, porque no es sabiduría el preguntarlo.
Huwag sabihin, “Bakit ang mga nakaraang mga araw ay mas mabuti kaysa sa mga ito? Ngunit ito ay hindi dahil sa karunungan kaya tinanong n'yo ito.
11 Cosa buena es la sabiduría con bienes materiales, y de gran provecho para los que ven el sol.
Ang karunungan ay kasing-inam ng mahahalagang mga bagay na ating minana mula sa ating mga ninuno. Nagdudulot ito ng mga pakinabang sa mga nakakakita sa araw.
12 Escudo es la sabiduría, y escudo es el dinero, pero el conocimiento de la sabiduría tiene la ventaja de dar vida a su poseedor.
Sapagkat ang karunungan ay nagdudulot ng pangangalaga gaya ng pagdudulot ng salapi nang pangangalaga, ngunit ang kalamangan ng kaalaman ay nagbibigay ng buhay ang karunungan sa sinumang mayroon nito.
13 Considera la obra de Dios: ¿Quién podrá enderezar lo que Él encorvó?
Pag-isipan ang mga ginawa ng Diyos: Sino ang maaaring magtuwid ng anumang bagay na ginawa niyang baluktot?
14 En el día de la prosperidad goza de la prosperidad, y en el día de la adversidad ten presente que Dios hizo al uno como al otro, a fin de que el hombre nada sepa de lo que ha de venir después de Él.
Kapag mabuti ang mga panahon, masayang mamuhay sa kabutihang iyon, ngunit kapag masama ang mga panahon, pag-isipan ito: ipinahintulot ng Diyos na magkatabing mamalagi ang dalawang ito. Sa kadahilanang ito, walang isa man ang makakaalam ng anumang bagay na darating sa kaniya.
15 Todo lo he visto en los días de mi vanidad: al justo, que perece en medio de su justicia, y al malvado, que vive largo tiempo en medio de sus iniquidades.
Nakita ko ang maraming bagay sa aking walang kahulugang mga panahon. Mayroong mga matuwid na taong naglalaho sa kabila ng kanilang pagkamakatuwiran, at mayroong masasamang taong nabubuhay nang mahabang buhay kahit na sila ay masama.
16 No quieras ser demasiado justo, ni demasiado sabio. ¿Por qué quieres perderte?
Huwag maging mapagmatuwid sa sarili, matalino sa iyong sariling mga mata. Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili?
17 No hagas mucho mal, ni seas insensato. ¿Por qué quieres morir antes de tiempo?
Huwag maging napakasama o mangmang. Bakit dapat kang mamatay ng wala pa sa iyong oras?
18 Bueno es retener lo uno, sin dejar de tu mano lo otro; porque quien teme a Dios, evita todos esos (excesos).
Makakabuti na iyong panghahawakan ang karunungang ito, at huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay sa katuwiran. Dahil ang taong may takot sa Diyos ay makatutupad sa lahat ng kaniyang mga tungkulin.
19 La sabiduría da al sabio más fuerzas que diez poderosos que hay en la ciudad.
Ang karunungan ay makapangyarihan sa matalinong tao, higit pa sa sampung pinuno ng isang lungsod.
20 Porque no hay sobre la tierra hombre justo que obre bien y no peque nunca.
Walang isang matuwid na tao sa ibabaw ng mundo na gumagawa nang kabutihan at kailanman hindi nagkasala.
21 No prestes atención a todas las palabras que se dicen, no sea que oigas a tu siervo hablar mal de ti.
Huwag mong pakinggan ang bawat salitang sinasabi, dahil maaaring mong marinig ang sumpa ng alipin mo sa iyo.
22 Pues bien sabe tu conciencia que también tú muchas veces has murmurado de otros.
Sapagkat madalas ding nalalaman ng iyong sarili na sa iyong puso ay malimit mong sinusumpa ang iba. Katulad nang pagkilala mo sa iyong sarili na sa iyong sariling puso ay madalas mong sumpain ang iba.
23 He probado todo esto por medio de la sabiduría. Me dije “Quiero ser sabio”, mas la (sabiduría) está lejos de mí.
Ang lahat ng ito ay napatunayan ko sa pamamagitan ng karunungan. Sinabi ko, “Magiging matalino ako,” ngunit ito ay higit sa ninais ko.
24 Lo que se queda lejos y es más profundo, ¿quién podrá alcanzarlo?
Napakalayo at napakalalim ng karunungan. Sino ang makakahanap nito?
25 Apliqué mi corazón para conocer, investigar y buscar la sabiduría y la razón de ser (de las cosas), y para conocer la maldad de la insensatez, la necedad y la locura,
Ibinaling ko ang aking puso sa pag-aaral at pagsusuri at pagsaliksik sa karunungan at ang mga paliwanag ng katotohanan, at maunawaan na ang kasamaan ay kahangalan at ang kamangmangan ay kabaliwan.
26 y hallé que más amarga que la muerte es aquella mujer cuyo corazón es lazo y red, y cuyas manos son cadenas. Quien agrada a Dios, escapa de ella, pero el pecador quedará preso en sus lazos.
Natuklasan ko na mas mapait kaysa kamatayan ang sinumang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag at ang kaniyang mga kamay ay mga tanikala. Sinumang nakalulugod sa Diyos ay makakatakas sa kaniya, ngunit ang makasalanan ay makukuha niya.
27 He aquí lo que hallé, dice el Predicador, contemplando una cosa tras otra para averiguar sus razones,
“Pag-isipan kung ano ang aking natuklasan,” sabi ng Mangangaral. Idinadagdag ko ang isang natuklasan sa iba pa para magkaroon ng isang paliwanag ng katotohanan.
28 las cuales busca todavía mi alma, sin poder encontrarlas. Entre mil hallé un hombre, pero no una mujer entre otras tantas mujeres.
Ito pa rin ang aking hinahanap, ngunit hindi ko pa rin ito natatagpuan. May natagpuan akong isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ngunit hindi ko natagpuan ang isang babae sa kanilang lahat.
29 Pero esto hallé; nótalo bien: Dios creó al hombre recto; mas ellos se entregaron a muchos vanos pensamientos.
Natuklasan ko ang isang ito: na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan na matuwid, ngunit sila ay lumayong naghahanap sa maraming kahirapan.

< Eclesiastés 7 >