< Eclesiastés 11 >
1 Echa tu pan sobre la faz de las aguas, que al cabo de mucho tiempo lo hallarás.
Magtapon ka ng tinapay sa katubigan, at makikita mo ulit ito pagkatapos ng ilang araw.
2 Repártelo a siete y aun a ocho, pues no sabes los males que pueden venir sobre la tierra.
Ibahagi ito sa pito, maging sa walong tao, dahil hindi mo alam kung anong mga sakuna ang darating sa mundo.
3 Cuando las nubes están cargadas de agua la derraman sobre la tierra, y si un árbol cae hacia el mediodía o hacia el norte, en el lugar donde cayere, allí quedará.
Kung puno ng ulan ang mga ulap, ipinapatak ito sa lupa, at kung natumba ang puno sa dakong timog o hilaga, saan man ito natumba, doon ito mananatili.
4 Quien solamente observa los vientos, nunca siembra, y el que mira a las nubes, nunca siega.
Sinuman ang pinanonood ang hangin ay maaaring hindi makapagtanim, at sinuman ang pinanonood ang ulap ay maaaring hindi makapag-ani.
5 Así como no sabes cuál es el camino del viento, ni cómo (se forman) los huesos en el seno de la madre, así tampoco conoces la obra de Dios, quien hace todas las cosas.
Kung paanong hindi mo alam kung saan manggagaling ang hangin, maging kung paano lumalaki ang mga buto ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hindi mo rin mauunawaan ang gawa ng Diyos, na siyang lumikha ng lahat.
6 Siembra tu semilla muy de mañana, y a la tarde no dejes reposar tu mano, porque ignoras qué es mejor, si esto o aquello, o si ambas acciones surten el mismo efecto.
Sa umaga, itanim mo ang binhi; hanggang sa gabi, magtrabaho ka gamit ang iyong mga kamay ayon sa pangangailangan, dahil hindi mo alam kung alin ang sasagana, umaga man o gabi, o ito o iyan, o pareho man silang magiging mabuti.
7 Dulce cosa es la luz, y ver el sol agrada a los ojos.
Tunay nga na matamis ang liwanag, at kaaya-ayang makita ng mga mata ang araw.
8 Aunque un hombre viva largos años y todos ellos llenos de alegría, piense en los días tenebrosos, pues serán muchos. Todo lo que sucede es vanidad.
Kung may taong mabubuhay ng maraming mga taon, hayaan mo siyang sumaya sa lahat ng iyon, ngunit hayaan mo siyang isipin ang paparating na mga araw ng kadiliman, dahil marami sila. Lahat ng darating ay naglalahong usok.
9 Gózate, joven, en tu juventud, y alégrese tu corazón en los días de tu mocedad; sigue los caminos de tu corazón y lo que encanta tus ojos; pero sábete que de todas estas cosas Dios te pedirá cuenta.
Magalak ka, batang lalaki, sa iyong kabataan, at hayaang magalak ang iyong puso sa mga araw ng iyong kabataan. Ipagpatuloy ang mga mabubuting hangarin ng iyong puso at anumang nakikita ng iyong mga mata. Gayunpaman, isipin mo na hahatulan ka ng Diyos para sa lahat ng mga bagay na ito.
10 Destierra de tu corazón las congojas, y aleja de tu carne el dolor. Pues la juventud y los albores de la vida son vanidad.
Palayasin mo ang galit mula sa iyong puso, at huwag mong pansinin ang anumang sakit ng iyong katawan, dahil ang kabataan at ang lakas nito ay usok.