< Colosenses 4 >

1 Amós, proveed a los que os sirvan, de lo que es según la justicia e igualdad, sabiendo que también vosotros tenéis un Amo en el cielo.
Mga panginoon, ibigay ninyo sa mga alipin kung ano ang nararapat at makatarungan. Alam ninyo na mayroon din kayong Panginoon sa langit.
2 Perseverad en la oración, velando en ella y en la acción de gracias,
Taimtim na magpatuloy sa panalangin. Manatiling handa sa pasasalamat.
3 orando al mismo tiempo también por nosotros, para que Dios nos abra una puerta para la palabra, a fin de anunciar el misterio de Cristo, por el cual me hallo preso,
Manalangin kayo ng sama-sama para sa amin, na magbukas ang Diyos ng pagkakataon para sa kaniyang salita upang sabihin ang lihim na katotohanan ni Cristo. Dahil dito, iginapos ako.
4 para que lo manifieste hablando como debo.
At manalangin na magawa ko ito ng malinaw gaya ng nararapat kong sabihin.
5 Comportaos prudentemente con los de afuera; aprovechad bien el tiempo.
Lumakad sa karunungan para sa mga hindi mananampalataya at pahalagahan ang pagkakataon.
6 Sea vuestro hablar siempre con buen modo, sazonado con sal, de manera que sepáis cómo debéis responder a cada uno.
Ang inyong pananalita nawa ay laging may biyaya, na magkalasang asin, upang malaman ninyo kung paano dapat sumagot sa bawat tao.
7 En cuanto a mi persona, de todo os informará Tíquico, el amado hermano y fiel ministro y consiervo en el Señor;
Para sa mga bagay na may kinalaman sa akin, si Tiquico ang magpapaalam ng mga ito sa inyo. Siya ay isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod at kapwa alipin sa Panginoon.
8 a quien he enviado a vosotros con este mismo fin, para que conozcáis mi situación y para que él conforte vuestros corazones,
Pinapunta ko siya sa inyo para rito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin at upang mapalakas niya ang inyong mga puso.
9 juntamente con Onésimo, el hermano fiel y amado, que es de entre vosotros. Ellos os informarán de todo lo que pasa aquí.
Pinapunta ko siya kasama ni Onesimo, ang tapat at minamahal na kapatid, na isa sa inyo. Sasabihin nila sa inyo ang lahat ng nangyari dito.
10 Os saluda Aristarco, mi compañero de cautiverio, y Marcos, primo de Bernabé, respecto del cual ya recibisteis avisos —si fuere a vosotros, recibidle—
Binabati kayo ni Aristarco na aking kapwa bilanggo, pati na rin si Marcos, ang pinsan ni Barnabas tungkol sa kung saan natanggap ninyo ang mga kautusan, “Kung pupunta siya sa inyo tanggapin ninyo siya,”
11 y Jesús, llamado Justo. De la circuncisión son estos los únicos que colaboran conmigo en el reino de Dios, y han sido para mí un consuelo.
at si Jesus na tinatawag din nilang Justu. Sila lamang sa pagtutuli ang kapwa ko manggagawa para sa kaharian ng Diyos. Sila ang nakapagbigay ng kaginhawaan sa akin.
12 Os saluda Epafras, que es uno de vosotros, siervo de Cristo Jesús, el cual lucha siempre a favor vuestro en sus oraciones, para que perseveréis perfectos y cumpláis plenamente toda voluntad de Dios.
Binabati kayo ni Epafras. Isa siya sa inyo at isang alipin ni Cristo Jesus. Lagi siyang nagsisikap na manalangin para sa inyo, upang tumayo kayong ganap at punong-puno ng katiyakan sa lahat ng kalooban ng Diyos.
13 Le doy testimonio de que se afana mucho por vosotros y por los de Laodicea y los de Hierápolis.
Sapagkat naging saksi ako sa kaniya, nagpakahirap siyang gumagawa para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis.
14 Os saluda Lucas, el médico amado, y Demas.
Bumabati sa inyo si Demas at si Lucas na minamahal na manggagamot.
15 Saludad a los hermanos de Laodicea, a Ninfas, y a la Iglesia que está en su casa.
Batiin mo ang mga kapatid sa Laodicea, si Nimfas at sa iglesiya na nasa kaniyang bahay.
16 Y cuando esta epístola haya sido leída entre vosotros, haced que se la lea también en la Iglesia de los laodicenses; y leed igualmente vosotros la que viene de Laodicea.
Kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, basahin din ninyo ito sa iglesia ng mga taga-Laodicea at siguraduhin din ninyong nabasa ang liham mula sa Laodicea.
17 Y a Arquipo decidle: “Atiende al ministerio que has recibido en el Señor para que lo cumplas.
Sabihin ninyo kay Archipus, “Tingnan mo ang gawain na iyong natanggap sa Panginoon, na dapat mong tapusin ito.”
18 El saludo es de mi mano, Pablo. Acordaos de mis cadenas. La gracia sea con vosotros”.
Ang pagbating ito ay sa pamamagitan ng aking sariling kamay—Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga kadena. Sumainyo nawa ang biyaya.

< Colosenses 4 >