< 1 Timoteo 5 >
1 Al anciano no le reprendas con aspereza, sino exhórtale como a padre; a los jóvenes, como a hermanos;
Huwag mong pagsalitaan nang masama ang lalaking nakakatanda sa iyo. Sa halip, pangaralan mo siya na tulad sa ama. Pangaralan mo ang mga nakakabatang lalaki na parang mga kapatid.
2 a las ancianas, como a madres; a las jóvenes, como a hermanas con toda pureza.
Pangaralan mo ang mga nakatatandang babae na parang ina at mga nakakabatang babae na parang mga kapatid nang buong kalinisan.
3 A las viudas hónralas si lo son de verdad.
Parangalan mo ang mga balo, ang mga tunay na balo.
4 Pero si una viuda tiene hijos o nietos, aprendan estos primero a mostrar la piedad para con su propia casa y a dar en retorno lo que deben a sus mayores, porque esto es grato delante de Dios.
Ngunit kung ang balo ay may mga anak o di kaya mga apo, matuto muna silang ipakita ang paggalang sa kanilang sariling sambahayan. Suklian muna nila ang kanilang mga magulang, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon.
5 La que es verdadera viuda y desamparada tiene puesta la esperanza en Dios y persevera en súplicas y en oraciones noche y día.
Ngunit ang tunay na balo ay naiwang nag-iisa. Nagtitiwala siya sa Diyos. Lagi siyang nananatili na may mga kahilingan at mga panalangin araw at gabi.
6 Mas la que se entrega a los placeres, viviendo está muerta.
Gayunman, ang babaeng namumuhay sa kalayawan ay patay na, kahit na siya ay nabubuhay pa.
7 Intima esto para que sean irreprensibles.
At ipangaral mo ang mga bagay na ito upang sila ay maging walang kapintasan.
8 Si alguien no tiene providencia para los suyos, y particularmente para los de su propia casa, ha negado la fe y es peor que un incrédulo.
Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya.
9 Como viuda sea inscrita solamente aquella que tenga sesenta años y haya sido mujer de un solo marido,
Itala bilang isang balo ang babaeng hindi bababa sa animnapu ang edad, asawa ng isang lalaki.
10 que esté acreditada por buenas obras: si educó hijos, si practicó la hospitalidad, si lavó los pies a los santos, si socorrió a los atribulados, si se dedicó a toda buena obra.
Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa, maging sa pag-aalaga ng mga bata, o sa pagpapatuloy ng mga taga-ibang bayan, o sa paghuhugas ng paa ng mga mananampalataya, o sa pagtulong sa mga nagdurusa, o sa pagiging tapat sa bawat mabubuting gawain.
11 Mas no admitas a las viudas jóvenes; pues cuando se disgustan del primer amor con Cristo, desean casarse,
Ngunit sa mga mas batang balo, tanggihan mo silang itala sa listahan. Dahil kapag sila ay bumigay sa pagnanasa ng laman laban kay Cristo ay nais nilang mag-asawa.
12 y se hacen culpables porque le quebrantaron la primera fe.
Sa pamamagitan nito, pinahihintulutan nila ang kasalanan dahil tinalikuran nila ang una nilang pangako.
13 Aprenden, además, a ser ociosas, andando de casa en casa; y no solo ociosas, sino chismosas e indiscretas, hablando de lo que no deben.
Nasanay din silang maging tamad. Pumupunta din sila sa mga bahay-bahay. Hindi lang sila naging tamad, ngunit sila din ay naging mga mapanirang-puri at naging mapanghimasok. Sinasabi nila ang mga bagay na hindi nila dapat sabihin.
14 Quiero, pues, que aquellas que son jóvenes se casen, tengan hijos, gobiernen la casa, y no den al adversario ningún pretexto de maledicencia;
Kaya naman gusto ko ang mga mas batang babae na mag-asawa, manganak, upang mamahala sa tahanan, upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang kaaway na tayo ay paratangan sa paggawa ng masama.
15 porque algunas ya se han apartado yendo en pos de Satanás.
Dahil may mga ilan na tuluyan nang tumalikod at napunta na kay Satanas.
16 Si alguna cristiana tiene viudas, déles lo necesario, y no sea gravada la Iglesia, para que pueda socorrer a las que son viudas de verdad.
Kung ang mananampalatayang babae ay may kamag-anak na mga balo, tulungan niya sila upang ang iglesiya ay hindi mabigatan at matulungan nito ang tunay na mga balo.
17 Los presbíteros que dirigen bien sean considerados dignos de doble honor, sobre todo los que trabajan en predicar y enseñar.
Hayaan ang mga nakatatanda na namumuno ng maayos ay ituring na karapat-dapat sa mas mataas na parangal, lalo na ang mga gumagawa sa salita at sa pagtuturo.
18 Pues dice la Escritura: “No pondrás bozal al buey que trilla” y “Digno es el obrero de su jornal”.
Sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil,” at “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.”
19 Contra un presbítero no admitas acusación si no es por testimonio de dos o tres testigos.
Huwag kang tatanggap ng paratang laban sa nakatatanda maliban na lang kung may dalawa o tatlong saksi.
20 A aquellos que pequen repréndelos delante de todos, para que los demás también cobren temor.
pagsabihan mo ang mga makasalanan sa harapan ng lahat upang matakot ang iba.
21 Te conjuro en presencia de Dios y de Cristo Jesús y de los ángeles escogidos, que guardes estas cosas sin prejuicio, no haciendo nada por parcialidad.
Taimtim kong inuutos sa iyo sa harap ng Diyos, ni Cristo Jesus, at ng mga piling anghel na ingatan mo ang mga kautusang ito ng walang kinikilingan, at gawin mo ito ng walang tinatangi.
22 A nadie impongas las manos precipitadamente, y no te hagas cómplice de pecados ajenos. Guárdate puro.
Huwag mo kaagad ipatong ang iyong kamay kaninuman. Huwag kang makibahagi sa mga kasalanan ng ibang tao. Panatilihin mong dalisay ang iyong sarili.
23 No bebas más agua sola, sino toma un poco de vino a causa del estómago y de tus frecuentes enfermedades.
Huwag lamang tubig ang iyong inumin. Sa halip uminom ka ng konting alak para sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.
24 Los pecados de ciertos hombres son manifiestos ya antes de ( nuestro ) juicio, aunque en algunos siguen también después.
Ang mga kasalanan ng ibang tao ay lantaran at nauuna ito sa kanila bago pa sa hukuman. Ngunit ang ibang mga kasalanan ay sumusunod pagkatapos na.
25 Asimismo, también las obras buenas son manifiestas. Y ( en cuanto a ) las que no lo son, no podrán quedar ocultas.
Gayon din naman, ang ibang mabubuting gawa ay lantaran, ngunit may mga ilan na hindi maitatago.